Chapter 4-Why Not Me?

3K 99 41
                                    

VJ's POV

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang buhat-buhat ko si Bernice kanina na dumadaing sa sakit na nararamdaman.Nagagalit ako dahil sa pag-iinarte niya kaya siya nasaktan.

Mabilis ko siyang dinala sa pinakamalapit na pribadong hospital.

Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko dahil nakonsensiya ako.Nainis yata siya sa akin kanina kaya bumaba siya ng kotse at tumakbo.

Sigurado akong sandamakmak na talak ang mapapala ko kay mommy dahil sa nangyari sa itinuturing nilang princess.

Nakukulitan na kasi ako sa kanya at galit pa ako sa kanya dahil maiistorbo na naman niya ang date namin ng girlfriend ko.Sumusobra na kasi siya.Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi lahat ng bagay ay makukuha niya kahit mayaman pa siya.

Sinadya kong maglambing kay Eunice kanina para maramdaman niyang hindi siya mahalaga sa akin at para tigilan na niya ako.

Nang bumaba siya ng kotse,hindi ko na siya inabalang habulin pa.Hahayaan ko na lang sana siya para matuto pero pinilit ako ni Eunice na sundan siya.

Mabilis akong nag-dial sa numero ni Tita Catherine.Ang kanyang mommy.

"Oh iho Vincent,nasaan na kayo ni princess Bernice ko?" agad na tanong ni tita sa kabilang linya.

"Tita,may nangyari po kasi kaya nandito kami ngayon sa hospital." sinimulan ko ang magpaliwanag sana pero narinig ko na ulit si tita sa kabilang linya.

"Vincent,iho what happened?May nangyari ba sa princess namin...Saang hospital kayo?Naku wala pa namang magmamaneho ngayon.Ah teka tatawagan ko si daddy niya Arthur.Ay si mommy mo na lang kaya.Marunong namang mag-drive 'yon.Ah si Bernie na lang." sunud-sunod at mabilis nitong tanong sa kabilang linya.

Ano pa nga ba ang aasahan ko?Pagdating kasi sa mga anak nila ni tito Arthur ay hindi na mapakali si Tita.Na akala mo naman ay karumal-dumal ang sinapit nito.

"Ah tita,okay naman si Bernice.Hinihintay ko na lang na lumabas ang doktor.Natapilok lang kasi po siya kanina.Kaya nasaktan ang paa.Pero sigurado akong okay na siya.Ihahatid ko na lang siya diyan tita." pagpapanatag ko sa kanya.Ayoko na kasing pahabain pa ang usapan namin.Baka buong angkan pa nila ang pupunta dito sa hospital at dagdagan pa ng mga kaibigan nila.

At siyempre lalong ayokong si mommy ang pupunta dito.Maliban sa bungangaan ako n'on,magiging kawawa lang si Eunice.Dahil sigurado akong 'di niya ito papansinin at si Bernice ang uunahin.

"Ay gan'on ba iho?" dinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya bilang pasasalamat na walang nangyaring masama sa kanilang prinsesa. "Oh sige,ingat kayo ha.Hihintayin ko na lang siya.At pakialalay na lang sa kanya iho.Baka masakit pa ang paa niya." dugtong pa nito at saka pinatay na ang phone matapos akong sumagot.

Unlucky PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin