Chapter 13-Kiss Me

1.9K 68 12
                                    

Bernice's POV

CR lang ako bhessy.” paalam ng bestfriend ko.

“S-sure bhe..ssy...” sagot ko na halos 'di na makapag-salita.Para kasing nahilo ako sa iniinum namin.Mild lang naman ito na ladies drink eh.

Nandito kasi kami ngayon sa bar.Niyakag ako ni Khate na mag-celebrate dahil aalis na siya samakalawa.Despidida party daw eh dalawa lang naman kami.Si Alden kasi nasa probinsya pa ng mga kamag-anakan niya.Iyong pinsan din ni Alden na nakasama namin sa Boracay eh hindi rin nakapunta dahil may kailangan daw asikasuhin.Gusto kasi iyon ni Khate eh.Minsan na niya binanggit sa akin.

Tinungga ko ang huling laman ng kopeta.Gusto ko talagang maglasing.Paano, nasasaktan ako sa ginawa kanina ni Kuya VJ sa akin.Simula kasi nang dumating kami ni Khate from Paris ay iniiwasan na niya ako.Pero iyong kanina.

“Kuya...” excited na tawag ko sa kanya.

“Ano na naman Bernice?” yamot na tanong nito sa akin.

“Eh...” napakamot ako sa ulo ko. “...ibibigay ko lang kasi sa iyo itong pasalubong ko.” alanganin kong saad.Alam kong namumula ako dahil nahihiya nga ako.

Tiningnan niya lang ang inaabot ko sa kanyang paper bag habang nakakunot-noo. Pasalubong ko ito sa kanya.T-shirt na may naka-print na larawan ng Eiffel tower.

“Ngayon ko lang ibinigay sa iyo,kasi iniiwasan mo ako eh.” paliwanag ko agad.Alam ko kasi na kahit hindi siya nagsasalita ay nagtatanong ang mga mata niya.

“Alright!” pumamulsa siya. “Narinig mo ang sarili mo Bernice 'di ba?Iniiwasan kita.Sana intindihin mo iyon.It means,ayaw kong makita ka.” masungit niyang sabi at saka tumalikod.Ni hindi man lang kinuha ang pasalubong ko for him.Kaya napatulala na lang ako habang sinusundan siya ng tingin.

Kaya hanggang ngayon,dinibdib ko pa rin iyon.Masakit kasi.Ni hindi nga niya ako namiss.Kungsabagay,ano pa ba ang aasahan ko sa taong iyon?

“Kainis ka Vincent Jacob!” inis na sambit ko. “H-hindi ka aware na nasasaktan mo na ako.Alam mo naman na m-mahal k-kita ehhh..mahal...” dugtong ko pa sa paputol-putol na kataga.

Nanlalabo na ang mga mata ko.Nasisilaw na rin ako sa mga ilaw na iba't-ibang kulay at nagsasayawan ang mga ito.Ang ingay ng paligid na siyang lalong nagpapahilo sa akin.Dagdagan pa ng bandang kumakanta ng Kung Ako na lang Sana. Kaya napukaw ang atensiyon ko dito.

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal...
'Di ka na muling mag-iisia...

“Kainis talaga!” daing ko.Sadyang tinutukso ako ng awit na ito.Hindi nga ito bagong kanta pero lakas makatama sa akin eh.

“Bernice!” napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag ng pangalan ko.

“Kuya VJ!” abot-taingang ngiti ko nang makilala ko siya.Bakit kaya nandito siya?

“Lasing ka na.Iuuwi na kita.” galit na wika niya.

“Ayoko!” piksi ko ng akma niya akong hawakan.

“Huwag matigas ang ulo Bernice.” banta niya sa akin. “Hindi mo ba iniisip ang mga magulang mo?Mag-aalala ang mga iyon sa iyo.Anong oras na?” dugtong pa niya.

“It's just 8 o'clock pm Kuya.” sarkastiko kong sagot.Naiinis kasi ako.Sa mga magulang ko siya concern.Hindi sa akin.

“Kahit na!” aburido niyang sagot.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now