Chapter 3-BAE

2.9K 90 45
                                    

Bernice's POV

"Sakay!"

Nanigas ako ng dumungaw ang lalaking nagda-drive ng kotse.At 'yon ay si Kuya VJ.

"Ay wow bhessy.Ang sweet at ang gentleman ng pagpapasakay sa 'yo ng Kuya VJ mo ah or sabihin na nating your mr.dream boy." sarkastikong bulong ni Khate sa akin.

Tiningnan ko lang siya at sinamaan ng tingin.Nandito kasi kami sa labas na ng gate naghintay.Palagi namang ganito ang ginagawa ko sa tuwing susunduin ako ni kuya VJ.Ako ang palaging naghihintay ng matagal.Parang pag-ibig ko rin sa kanya na palagi kong hinihintay na ibigin niya rin ako.

"I said,ride!" inis nitong sabi ng mapansin niyang hindi ako gumagalaw.

"Oh ayan na.Umi-English na.Kaya go na bhessy." mabilis naman akong lumapit sa sasakyan na hindi na pinansin ang pang-aasar ni Khate. "Hi kuya VJ.Ingatan mo ang bestfriend ko ha.Marami pa ang nagmamahal diyan.Mahal pa 'yan nina James,Daniel,and Alden!" dinig ko pang sigaw ni Khate kay kuya VJ.Hindi niya naman ito pinansin.Kilala na rin kasi niya si Khate.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse niya sa front seat.Pero napa-urong ako bigla sa nakita ko.

"At the back!" sigaw ni kuya VJ sa akin.Agad naman akong nagbukas ng pintuan sa likuran at sumakay.

"Hey Bae,don't be so harsh to Bernice." dinig kong saway ni Eunice sa kay Kuya VJ.Hindi ko akalain na kasama pala ngayon ang girlfriend niya.

Para akong kandila na unti-unting natutunaw.

"I'm sorry babe.Hindi ko na ulit gagawin 'yon kapag kasama kita.Ayokong magalit ka sa akin." anito sa girlfriend niya.

Kitang-kita ko kung paano niya ginagap ang kamay ni Eunice.And its really breaking my heart.

Sinimulan niya ang pagpapatakbo ng kotse.

"It's okay Bae.I understand you naman eh." malambing ding sagot nito kay kuya VJ.

Nasasaktan ako sa sweetness nila.Sobrang sakit.

Ngayon ko lang nalaman na Babe and Bae pala ang ang endearments nila.BAE as in Break Ang Ending?

Napabuga ako ng hangin.Kung bakit pa kasi isinama ni Kuya ang girlfriend niya?Hindi ba siya aware na masasaktan ako?Na nandito ako?

Asa ka pa Bernice!

Hindi naman kasi talaga alam ni Kuya ang nararamdaman ko sa kanya.Ang alam niya lang ay makulit ako.Kaya siya naiinis sa akin.

"That's why I love you so much babe." pahayag ni kuya kay Eunice.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now