Unlucky Princess-Prologue

12.2K 189 58
                                    

"Bakit mo nagawa ito sa akin Bernice?" Tiim bagang niyang tanong sa akin.Agad kasi na pinutol niya ang sasabihin ko sana.

"Dahil sobrang mahal kita Kuya." Nakayuko kong sabi sa kanya.

"F*ck Bernice! Bakit ako?Bakit hindi na lang ang iba diyan?!" Sinipa niya ang isang bagay na nasa harapan niya ngayon.

"Kung kaya ko lang sana na turuan ang puso ko na nababaliw sa 'yo,sana matagal ko ng ginawa 'yon.Pero hindi eh.Hindi kuya VJ dahil hindi ko kayang dektahan ang puso ko." Napasigok na ako habang siya naman ay napa-sabunot sa buhok niya.Kitang-kita ko ngayon ang galit sa mga mata ni Kuya VJ.At masakit iyon para sa akin dahil kahit katiting na pagmamahal para sa akin,hindi ko nasilayan sa kanya.

"Pero may mahal akong iba Bernice.Mahal na mahal.At alam mong HINDI ikaw iyon." May mga pagdidiin pa niyang sabi.

Alam ko naman iyon.Pero sana man lang,hindi na niya pinamukha pa sa akin.Sana man lang,naawa siya sa akin at iniwasan ang mga bagay na iyon.Pero sadyang wala na siyang pakialam sa damdamin ko dahil galit siya sa akin.Ah hindi lang pala galit,kundi galit na galit.

Hindi ko na tuloy mapigilan ang sunud-sunod kong luha.

"K-kuya..." Basag na ang boses ko.

"Alright!Narinig mo ang sarili mo Bernice.Kuya...kuya mo ako.Kaya tigilan mo na ang kabaliwan mo.Dahil kahit kailan,HINDI KITA KAYANG MAHALIN." Patuloy pa niya.

This time,hindi ko na kinaya.

Mayaman ako.Mayaman ang pamilya ko.Pero aanhin ko pa ang lahat ng kayamanan ng pamilya ko kung hindi lang din naman si Kuya VJ ang mapapangasawa ko?Isa akong prinsesa kung ituring,pero sa kay kuya VJ,ako ang unlucky princess.

******************

Story of Vincent Jacob Samonte(Eldest son of Jacob and Railey ng KBMEB ) and Bernice Romero(daughter of Arthur and Catherine ng MAA )

Inspired by Ed Sheeran songs

Written by: BeWIXyGirl_Wp

Warning: This is a work of fiction. The places,incidents, names and events are works of my imagination.

Wrong grammar, wrong typos,wrong spelling ay aasahan. Hindi ako namimilit na basahin niyo ito.Alam kong hindi ako kasinggaling ng ibang author.Pero kung narito ka lang na magbasa para punahin ang pagkakamali ko, HUWAG MO NG ITULOY please.
Ginawa ko ito dahil gusto ko lang.Dahil nga may mga pumapasok sa isipan ko.Ginawa ko to for ME at sa mga TAONG TOTOO sa akin.Kung Hindi mo nagugustuhan ang kwento,then Stop!Wag ng magsalita ng kung anu-ano pa.

TAGALOG PO ito.AYOKONG MAG-ENGLISH KASI MAPAPAGOD PA ANG ISIPAN KO.ANO KAYO,HELLO?Hahaha.Joke lang.Pero seryoso ako,TAGALOG na TAGALOG TALAGA ito.Hindi ko hahaluan ng English.Kaya sa mga MAPAG-PUNA AT EPAL DIYAN,TSUPI KAYO HA.

HINDI KO KAILANGAN NG MARAMING READERS KUNG IBA-BASH LANG DIN NAMAN AKO.

Kaya kung gusto mo to,sundan mo ang CHAPTER 1. Pero 'di ko pa alam if kailan ko i-a-update ang chapter 1.

So Enjoy Reading kung mag-e-enjoy nga kayo.lol!

Thanks!

October 29,2015

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now