Chapter 19-Pictures

1.7K 74 29
                                    

VJ's POV

"V-vincent..."

Mabilis na naitulak ko palayo sa akin si Bernice nang muling banggitin ni Eunice ang aking pangalan. Bigla akong natauhan.Ilang segundo ko rin hinayaan na sakupin niya ang mga labi ko.

Ngayon ay nasa harapan ko na si Eunice.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala sa nakita.Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Bernice.

"E-eunice...b-babe,let me explain." I said.Halos paputol-putol pa ang sinabi ko.

"You don't have to,Vincent." she smiled,bitterly.

"No babe.Walang ibig sabihin ang nakita mo." I glanced at Bernice.Pero tila bang wala siyang gagawin upang magpaliwanag kay Eunice. Kungsabagay,sinadya niya pala akong halikan.She did it intentionally.

"Vincent..." tumawa siya ng mahina. "There's nothing to worry about it.Remember,wala na tayo?"

Kahit sinasabi niya ang mga bagay na ito,pero halata sa tono niya ang sakit at panghihinayang.Kaya lalo akong nagkaroon ng pag-asa na balikan niya ako.

"E-eunice babe,kahit sabihin mong wala na tayo,pero mahal pa rin kita.Kaya nga ako nandito dahil gusto kong makausap kita.Babe..." pilit kong inabot ang kamay niya subalit mabilis niya iniwas ito.

"Niloloko mo lang ang sarili mo Vincent.H-hindi ako ang mahal mo." sa mahinang boses niya ay biglang tumulo ang isang butil ng luha niya.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin.Gusto ko siyang yakapin kaso baka magalit siya sa akin.

Kailangan ko lang siyang kausapin ng maigi.

"Hindi totoo 'yan Eunice.Alam mong ikaw lang ang minahal ko.Ikaw lang at wala nang iba pa.Ikaw lang ang pinangarap ko.At hindi ako nag-isip ng ibang mamahalin kahit pa iniwan mo ako ng walang sapat na dahilan." mahabang paliwanag ko ngunit hindi ko maiwasan ang sumbatan siya sa huling mga kataga na sinabi ko.

Si Bernice,nakatayo lang sa tabi at nakikinig sa amin.Bahala siyang makinig at masaktan.She deserved it.Hinalikan niya ako nang marinig niyang tinawag ako ni Eunice.Balak niya talaga sigurong tuluyan na akong layuan ng babaing mahal ko.Kaya sa ginawa niya kanina,lalo akong naiinis.

"Sinungaling ka Vincent..." umiling-iling siya na para bang pinipigilan ang magalit. "Siya ang mahal mo 'di ba?" biglang nagulat si Bernice nang itinuro niya ito.

"No!Ikaw ang mahal ko Eunice.Maniwala ka." pagmamakaawa ko sa kanya.Hindi ko na napigilan ang aking sarili.Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.Gusto kong kahit sa mga yakap ko ay maramdaman niyang totoo ang mga sinasabi ko.

Mahal ko si Eunice.At totoo iyon.Bakit niya nasabing si Bernice ang mahal ko?

Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya.Bakit nga ba niya nasabi iyon?Dahil lang ba sa nasaksihan niyang paghalik ni Bernice sa akin?

Damn!

Dahil lang doon?Nakita niya naman na sinadya ni Bernice iyon.This girl!

"I-ikaw lang ang mahal ko.Tandaan mo 'yan." sabi ko na punong-puno ng pagdidiin.Gusto kong umabot ito sa pandinig ni Bernice.

"Sinungaling!"

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itinulak.

"S-sinungaling ka Vincent..." umiling-iling siya at umurong ng isang hakbang. "You're lying..." pinunasan niya ang pagpatak ng mga luha niya.Humakbang naman ako palapit sa kanya ngunit mabilis niya akong sinenyasan. "Hanggang diyan ka lang." sabi pa niya. "Hanggang kailan mo i-de-deny sa sarili mo Vincent na hindi ako ang mahal mo? Nabulag ka lang 'di ba?Si Bernice ang mahal mo at hindi ako." anito.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now