Chapter 12-Paris

1.7K 58 13
                                    

Bernice's POV

“Kuya,wait naman.” halos madapa na ako sa kakahabol sa kanya.

“What Bernice?” huminto siya at nilingon ako.Namulsa pa siya kasabay ng pagalubong ng mga kilay niya. “Umuwi ka na.Buong maghapon kang nakatambay sa office ko.” naiinis niyang dugtong.Tama siya.Tumambay ako sa office niya.Pero 'di niya ako pinapansin o kinakausap man lamang.Parang hangin na na naman ako sa paningin niya.Akala ko maging okay na kami ni Kuya pagkatapos niya akong mahalikan.Umasa na naman ako.

“Eh kasi Kuya.” napakamot ako sa batok ko habang nakanguso. “...gusto ko lang sana magpaalam sa 'yo.Aalis kasi ako papuntang Paris.Pero 'di mo man lang ako pinansin eh.” patuloy ko.

“Oh...” biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “... I'm sorry Bernice.Kita mo naman na marami akong tinapos na meeting 'di ba?Bakit kasi 'di mo sinabi sa akin agad?”

Di ko daw sinabi?Eh paano ko sasabihin kong hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.

“Masyado kang busy Kuya.” saad ko na lang.

“I see.So paano,mag-enjoy ka doon Bernice.Ingat ka.” nginitian niya ako.At pagkatapos n'on ay humakbang na siya.'Di ko na rin siya pinigilan pa.Ni hindi ko nga nakita sa mukha niya na nagulat siya dahil aalis ako bukas.Nagbabakasakali lang naman ako na sasabihin niyang mamimiss niya ako.Pero wala eh.Ano pa nga ba ang aasahan ko?

Bagsak ang mga balikat ko ng lisanin ang building na kung saan nandito ang opisina niya.

Aalis ako papuntang Paris.Isasama ko si Khate.Gusto kong mag-aliw muna doon.Bigyan ko muna ng break ang sarili ko.Pero pagbalik ko,humanda ka Kuya VJ.Dahil aagawin at kukunin kita sa Eunice na 'yon.Mamahalin mo rin ako.At mapapalitan ko rin diyan sa puso mo ang babaing iyon.

I swear!

VJ's POV

Wala akong time para i-entertain si Bernice.Wala akong ibang nasa isip kundi ang makausap si Eunice.

'Di na rin kasi niya sinasagot ang mga tawag ko.At palagi ding nakapatay ang phone niya.Kahit ang iba niyang mga kaibigan ay kinontak ko na pero 'di daw nila alam.

Shit!Alam kong tinatago lang nila si Eunice.Ginagago nila akong lahat.At iyon ang kinaiinisan ko.Ni hindi ko nalaman kung ano ba talaga ang dahilan niya para basta-basta na lang hiwalayan niya ako.

Mahal ko siya.Mahal na mahal ko siya.At gagawin ko ang lahat para mahanap siya at makausap.

Eunice,bakit mo ginagawa sa akin 'to?Ano ang kasalanan ko?

Bernice's POV

Bhessy,ang ganda-ganda dito 'di ba?” tuwang-tuwa na pahayag ni Khate ng marating namin ang Eiffel tower.Para bang bata siya na suminghap pa ng hangin at humugot ng malalim. “Dali,picturan mo ako.” excited na utos niya sa akin habang inaabot ang camera na dala niya. Pumwesto siya sa kung saan makukuha ang kabuuang view ng tower na ito.

Malawak ang pagkakangiti niya habang kinukuhanan ko siya ng litrato.Kung anu-anong style na position ang ginawa niya.Pero wala akong gana para punahin ang mga bagay na iyon.Click lang ako ng click ng camera na hawak ko.

Malungkot kasi ako.Ang buong akala ko dahil marating ko ang bansang ito ay maiibsan ang sakit at kalungkutan ko ng dahil kay Kuya Vj.Pero mali pala ako.Lalo lang iyon nadagdagan.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now