Chapter 6-Boyfriend?

3K 101 46
                                    

Bernice's POV

"Are you okay Bernice?" nag-aalalang tanong ni Alden sa akin.

"Yeah.I'm okay." maiksing sagot ko.Yumuko ako para hindi niya mahalata na may ibang umaagaw ng pansin ko.Masakit.Masakit ang makita ko sila.

Pero para bang sadyang kay lupit ng tadhana.Mapanukso na parang gusto niyang durugin ang puso ko.Sa katabi pang table namin talaga sila umupo?

Hindi ko na sila tiningnan pa.Bagkus,pinilit ko ang sarili na matuon kay Alden ang atensiyon ko.

"Bernice,my princess.Alam mo naman sigurong may gusto ako sa 'yo 'di ba?" halos pabulong na pagkakasabi niya.Unti-unti naman akong umangat ng ulo at tiningnan ko siya sa mukha. "Noon pa,mahal na kita." dugtong pa nitong pahayag.

Tama.Matagal na nga siyang nagpapalipad hangin.Pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.Ayoko kasing pilitin ang sarili ko.Dahil tanging ang iniisip ko lang ay ilaan ang pagmamahal kay kuya VJ.

"A-alden..." wala akong tanging mahagilap na salita kundi ang banggitin ang pangalan niya.Tinawag niya akong princess.Na kahit kailan ay hindi ko narinig kay kuya VJ.

"Maniwala ka sa akin.Mahal kita.At lalo pa kitang mamahalin my princess.Sana,bigyan mo naman ako ng pag-asa." anito.

Pag-asa?

Makakaya ko kayang ibigay ito sa kanya?

Muli kong sinulyapan ang kinaroroonan nina kuya VJ at Eunice na hanggang ngayon ay 'di pa rin nila ako pansin dahil busy sila sa paglalambingan.

Sa nakita kong ito sa kanila,parang gusto ko ng sabihin sa sarili ko na pagbigyan ko na lang si Alden.Baka sakaling matutunan ko rin siyang mahalin.

"Alden,let me think fir-"

"Maghihintay ako Bernice." putol niya sa sasabihin ko. "Pero sa ngayon,hayaan mo muna akong makalapit sa 'yo.Kahit ngayon ay gawin mo na lang akong kaibigan muna.Kahit kaibiganin mo na lang ako Bernice,payag ako.'Wag mo lang akong layuan,please..." mahabang pahayag nito.Nagmamakaawa pa ang mukha nito.

"Okay..." maiksing sagot ko. "So friends?" nakangiting tanong ko sa kanya.Heto na naman ako.Pinipilit ang sarili na ngumiti kahit nasasaktan.Pero umaasa ako na sana sa naging desisyon kong ito ay matutunan ko siyang mahalin.

"Talaga Bernice?" tuwang-tuwa niyang tanong sa akin.Batid sa mukha niya ang kaligayahan na para bang hindi makapaniwala sa naging pasya ko. "Thank you so much.Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya my princess." pinisil pa nito ang kamay ko.

"Hoy.Hindi pa kita sinasagot." natatawa kong sagot sa kanya kasabay ng pagbawi ko ng kamay.Hinampas ko pa siya ng marahan.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon