Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito bilang tugon. Hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Paano na lang siya kapag nawala sa tabi niya ang taong mahal niya? Paano na lang silang dalawa kung gagawin niya ang sinabi ni Devin?

PAGKARATING NA PAGKARATING ni Hyde sa kanilang opisina ay eksakto namang tumunog ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. Wala sa sarili na kinuha niya ang aparato para tingnan kung sino ang tumatawag. Well, alam naman niya kung sino ang ganitong oras tumatawag sa kanya. Katulad kahapon ay parehong oras tumawag sa kanya si Devin. Devin always calling him unannounce but he need to entertain his call to prevent bad things from happening. Aaminin ni Hyde na nang makausap niya si Devin kahapon ay may takot na namayani sa puso niya. Takot sa bagay na pwedeng gawin ni Devin para masira ang relasyon niya kay Jake.

Pero hindi pa nga ba paninira ang ginagawa ni Devin gayong gusto nito na layuan niya si Jake? Napahinga siya ng malalim sa katanungan na iyon sa kanyang isip. Sinagot na niya ang tawag nito bago pa kung saan-saan naman lumipad ang isipan niya.

"Hello. Napatawag ka?"

Narinig niya ang pagpalatak nito sa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nakikita pakiramdam niya ay may pailing-iling pa ito ng ulo na ginagawa.

"Don't answer my call like we're friends." Sabi nito.

Napakagat-labi siya. "I'm sorry."

"I don't need that," tila walang pakialam na sabi nito. "Tinawagan kita para sabihin na pumunta ka dito ngayon."

"Pero may pasok ako. Hindi ako pwed--"

"I don't need explanation neither excuses. Just come here as soon as possible. May sasabihin ako sa 'yo."

Sasagot sana siya ng marinig niya ang pagpatay nito ng tawag. Muli siyang napabuntung-hininga ng malalim sa ginawa nito.

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng opisina nila. Nasa labas na siya nang makasalubong niya si Drake kasama si Keith. Alanganin na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito saka nilampasan. Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin siya ni Drake.

"Hyde, saan ka pupunta? Late na tayo."

"Hindi ako papasok ngayon."

"Bakit?" Naguguluhan na tanong nito.

"Biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang sakit kasi ng tiyan ko."

"Nagpaalam ka ba kay Ma'am Grace?"

Umiling siya. "Hindi. Ikaw na lang ang magpaalam para sa akin."

Naguguluhan na tumango ito. "Sige. Magpagaling ka, ah."

"Oo."

Matapos niyang makipag-usap kay Drake ay agad siyang pumunta sa sakayan ng taxi. Nakasakay naman siya kaagad at nagpahatid sa lugar na kinaroroonan ng opisina ni Devin.

NANG MAKARATING si Hyde sa opisina ni Devin ay nagtungo siya kaagad sa opisina nito. Habang papunta doon ay nakasalubong niya ang isang tao na hindi niya inaasahan na makikita sa premises ng kompanya na iyon.

"Marty," tawag niya rito saka ito nginitian.

Isang alanganin na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Siya na ang kusang lumapit dito.

"Kumusta ka na? Long time no see, ah. Ang laki na ng pinagbago mo."

Nahihiyang nagsalita ito. "Hindi naman. I'm still the old Marty."

"Kumusta ka na?"

"Okay lang."

"Dito ka ba nagtatrabaho?"

String from the Heart Book TwoМесто, где живут истории. Откройте их для себя