TIME IS GOLD

1K 27 10
                                    

CHAPTER 46

   Natapos ang oras ng libing ni Luisa.
   Kakaunti lang ang mga pumunta para makipag libing at makiramay. Tanging sina Pong, Anna, Troy, Ayna at iba pang mga kaibigan ni Luisa ang nag punta. Kahit sina Andrei at Catherine ay wala doon.
   Hindi matanggap ni Pong hanggang ngayon na wala pa rin siyang nagagawa upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.
   Halata sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman, ang pagkadismaya sa mga nangyayari pati na rin sa kanyang sarili.
   Bukod kasi sa hindi niya magawang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Luisa, ang taong pumatay rito ay patay na rin. Si Senji, na kahit si Senji ay hindi niya nagawang iligtas sa mga kamay ni Rica.
   Habang nasa simenteryo, umupo muna siya saglit sa isang upuan na gawa sa bato upang makapag isip isip.
   Lumapit naman sa kanya si Anna. Itim na itim ang suot ni Anna. Sadyang nakikiramay at malungkot din. "Pong, hindi ka pa ba uuwi?"
   Tumingin si Pong kay Anna. "Uuwi na din ako maya maya. Gusto ko lang munang makapag isip isip."
   Umupo at tumabi sa kanya si Anna. "Pong, uulitin ko. Hindi mo kasalanan ang lahat. Walang may kasalanan ng lahat ng ito kundi si Rica."
   "Alam ko."
   "Alam mo pero alam ko din na sarili mo ang sinisisi mo."
   Hindi na sumagot si Pong. Kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at pagkatapos ay pinakinggan ang mga conversation nila ni Senji sa cellphone.
   "...Pong, anong pinaplano mo?"
   "Wala na tayong oras. Kailangan ko nang maipakulong si Rica. Kailangan na natin siyang mahuli."
   "Sa tulong ng mga pulis?"
   "Ganun na nga. Hindi natin kakayanin ito kung tayong dalawa lang. Dapat na tayong humingi ng tulong sa mga pulis."
   "Pong, may koneksyon si Rica sa mga pulis. Hindi ka ba natatakot? Pag nalaman ni Rica kung nasaan ka, baka ikaw na ang isunod niya. Kaya mo ba Itaya mo ang buhay mo Pong?"
   "Oo. Kaya ko. Kaya ko itaya ang buhay ko masingil ko lang si Rica. Dapat na niyang pagbayaran ang lahat ng ito. Ngayon. Hindi bukas, hindi sa susunod na bukas kundi ngayon. Ayoko ng mag sayang pa ng oras. Mas marami lang mapapahamak kung hindi ko pa sisimulan ang lahat ngayon." Seryosong sinabi ni Pong.
   "It's up to you. Susuportahan kita." Tumayo si Anna. "Tara? Sasamahan kita sa mga pulis."
   Tumayo din si Pong. "No need. Kaya kong mag isa ito."
   "Pero.."
   "Kaya kong mag isa Anna. Ingatan mo ang sarili mo at ingatan mo ang katawan ni Catherine."
   "Pong naman! Hindi lang ikaw ang dapat maningil kay Rica. Buhay din ni Marco ang kinuha niya sa akin."
   "Alam ko. Pero hayaan mo muna akong gawin itong mag isa. Ayokong mapahamak ka dahil nakasalalay sa'yo ang kaligtasan ni Catherine."
   "Pong, hindi ba't napag usapan na natin ito? Na tayong dalawa ang hahawak sa mga kasong ito?"
   "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Anna? Catherine needs you. You need to protect her."
   "Walang mangyayaring masama sa kanya dahil nasa bahay ko lang naman siya."
   "Paano kung pati ang bahay mo ay pasukin din ni Rica?"
   Hindi na sumagot si Anna. Tinignan ng masama si Pong.
   "Patawarin mo ako, Anna. Iiwanan muna kita sa ere." Huminga ng malalim si Pong at pagkatapos ay tumalikod ito kay Anna.
   "Bahala ka. Pero Pong, mag iingat ka. Once na kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako." Seryosong sinabi ni Anna kahit nakatalikod na sa kanya si Pong.
   "Alam ko. Maraming maraming salamat sa mga tinulong mo sa akin, Anna."
   "Huwag kang mag pasalamat. Mag sorry ka dahil iniiwan mo ako sa ere."
   Kahit nakatalikod, napangiti na lang din si Pong. Kapakanan din ni Anna ang iniisip niya, maaring mapahamak si Anna sa oras na mag sumbong na si Pong sa mga pulis tungkol kay Rica.
   Maya maya pa ay nag pasya nang maglakad papalayo si Pong. Ni hindi na ito lumingon kay Anna.

...

   "Sir, kelan pa tayo kikilos? Bukas? Next week? Next month? Next year?" Galit na tanong ni Pong sa kanyang Boss.
   Ipinakita at pinadinig na ni Pong sa kanyang Boss ang mga napapag usapan nilang dalawa ni Senji bago ito namatay.
   "Detective Pong. Please, calm down. Okay?" Mahinahon na sagot sa kanya ng kanyang Boss. Ito ang head police.
   "How can I calm down? Yung taong naririnig niyo na kausap ko sa cellphone na ito ha? Patay na! Patay na si Senji Morales! Kung napakinggan niyong mabuti ang napag usapan namin, patay na rin ang kanyang Ina na si Fatima Morales! Pinatay sila ni Rica!"
   "Alam ko! Narinig ko! Pero bago mo asikasuhin ang kasong ito, bakit hindi mo asikasuhin ang mga kasong ibinigay ko sa'yo?"
   Napapahawak na si Pong sa kanyang batok sa sobrang inis. "Sir! Ano ka ba? Eh itong mga ito? Sinong hahawak ng mga ito? Yung kaso ni Mrs.Luisa Chen? Ha? Nailibing na si Tita Luisa pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya ang pagkamatay niya!"
   "Bakit mo ba inaasikaso ang kay Mrs. Luisa Chen? Hindi mo hawak iyon! Ibinigay ko ang kasong iyan kay Mr.De Jesus!"
   "Ang sabihin mo... hindi niyo talaga pinapansin ang mga kasong ito!" Maluha luha na ang mga mata ni Pong sa sobrang pagmamakaawa sa kanyang boss.

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now