JEALOUS

2.8K 64 7
                                    

CHAPTER 14

   May babaeng lumapit kay Andrei. Isa itong maganda at maputing babae. "Excuse me? Ikaw ba si Andrei?"
   Napalingon si Andrei at si Catherine sa babaeng lumapit.
   Nag crossed arms si Catherine at tinignan ang babae mula ulo hanggang paa.
   Naka kunot naman ang noo ni Andrei. "Ahmm. Yes. Ako nga. Ako nga si Andrei. Please don't mind pero si.. sino ka? How do you know me??"
   Ngumiti ang babae. "Grabe ka Andrei! Nakalimutan mo na pala ako."
   "I am really sorry. Pero sino ka po ba?" Tanong ulit ni Andrei habang kinakamot ang ulo.
   "Ako ito!!! Yung bestfriend mo nung elementary! Grade 1 hanggang grade 6 tayong mag classmates! Ayna Lopez ang name ko. Remember?"
   Ilang sigundo rin bago naaalala ni Andrei ang dating kaibigan. Nanlaki ang mga mata nito. "Ayna!!??"
   "Oo! Ako ito! Si Ayna!!"
   Biglang niyakap ni Andrei si Ayna. "Ayna! Kamusta ka na?"
   "Okay lang ako. Ikaw? Kamusta ka na?"
   "Maayos lang din ako." Hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Ayna. "Ang laki na ng pinagbago mo. Hindi kita nakilala kaagad! Sobrang puti mo na at.. lalo kang gumanda ha?"
   "Maganda ba iyan? Eh mas maganda pa ko diyan Andrei! Tignan mo nga ng maigi! Lumamang lang siya kasi buhay pa siya. Try mo kayang patayin nang makita mo!." Masungit na sinabi ni Catherine.
   "Hindi naman sa ganon. Ikaw Andrei. Ang laki din ng pinag bago mo. Lalo ka naging gwapo." Sagot ni Ayna kay Andrei.
   "Ay syempre!! Gwapo po talaga yan. Boyfriend ko po kasi iyan eh! Pipili ba ako ng panget?" Si Catherine.
   "Saan ka na ba nakatira Ayna? Ang tagal natin hindi nag kita. Halos ilang taon din." Si Andrei.
   "Kakauwi ko lang from korea. Sa korea ako nag aral at nakapag tapos ng highschool. Nandito ako sa Pinas para mag bakasyon ng ilang buwan at pagkatapos ay babalik din ako ng korea para ipagpatuloy ang college degree ko."
   Umiling iling si Catherine. "Kaya naman pala gumanda ang babaeng ito. Gawang korea ha! Ang mukha at ang balat! I knoww.. gawang korea iyan! Tignan mo ang ilong! Pak! Ang tangos! Made in korea!"
   "Eh ano ang ginagawa mo dito sa Hospital?" Tanong ni Andrei.
   "Dito kasi nag tatrabaho ang Tito ko na doctor. Ikaw? Anong ginagawa mo dito Andrei?"
   "Ahh.. dinala ko kasi dito ang bestfriend ko. Hmm.. sumali kasi sa sya Riot."
   "Oh My God. Is he okay?"
   "Yup. He's okay now." Nakangiting sagot ni Andrei.
   "Huwag kang masyadong ngumiti Andrei. Baka mapunit ang bibig mo!" Nanlilisik ang mga mata ni Catherine.
   Napatingin ng saglit si Andrei kay Catherine.
   "By the way Andrei. I need to go now eh. May pupuntahan pa kasi ako. Is it okay if I get your number na lang?" Inabot ni Ayna ang cellphone niya kay Andrei.
   "Sure!!! Ahm." Kinuha naman ni Andrei ang cellphone para isave ang number niya. "Ito ang number ko Ayna. Text or call me na lang para ma save ko din ang number mo."
   "Abaa... Andrei. Ang tigas ng mukha mo ha? Sa harapan ko pa talaga ha? Wow! Ang heavy mo!" Si Catherine.
   "Ahmm.. will you be free tomorrow? Mag coffee tayo tomorrow para naman makapag usap tayo ng maayos." Tanong ni Anna.
   "Abaa! Sumisimpleng malandi ang babaeng ito ha! Coffee tapos ano? Magpapa fall ka? Mag papa jontis ka ganern? Hoy Andrei. Subukan mong sumama sa kanya bukas.. humanda ka sa akin." Si Catherine.
   Napalunok ng laway si Andrei. Hindi niya alam ang sasabihin kay Ayna. Gusto niyang makipag kita bukas kay Ayna pero nasa harapan niya si Catherine. "Ayna.. kasi. Ano eh.. may pasok ako bukas."
   "Holiday bukas Andrei. Hindi mo alam?" Napangiti si Ayna.
   "Talaga? Sorry. Hindi ko kasi alam eh."
   "So free ka tomorrow? At 3pm?"
   "Ahmm.. I will try."
   "Ayaw mo yata eh. Okay lang Andrei."
   "Ahh. Ano kasi. Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko kaya! Gustong gusto ko!" Si Andrei.
   Lalong nanlisik naman ang mga mata ni Catherine.
   "Alright. Mauuna na ako. See you tomorrow Andrei! At 3pm." Nakangiting sinabi ni Ayna at pagkatapos ay inangat ang kamay para makipag shake hands kay Andrei.
   Inangat din ni Andrei ang kamay para makipag kamay kay Ayna.
   Pero wala pang ilang sigundo na nag shashake hands ang dalawa ay biglang pinalo ng malakas ni Catherine ang braso ni Andrei.
   "Araaaaaayyyy!" Napasigaw si Andrei sa sakit.
   "Anong nangyari sayo Andrei? Omg! Are you okay?" Nagulat si Ayna.
   "Ahmm.. ano. Wala. Sorry. Sumakit kasi yung muscle ko sa braso. Nag.. nag bubuhat kasi ako eh. Araw araw ako nag ggym! Tignan mo muscles ko!" Pinag mayabang ni Andrei ang muscle niya sa braso para lang makalusot sa tanong ni Ayna.
   Mahinhin na tumawa si Ayna bago nag salita. "Hmmm.. malaki nga."
   "Salamat Ayna."
   "Kasing laki ba iyan ng ano mo?" Biro ni Ayna.
   Namula si Andrei sa biro ni Ayna. "Ahmm. An.. ano. E.. i.. o.."
   "Binibiro lang kita Andrei. Ikaw naman. Hindi ka na nasanay sa mga jokes ko nung mga bata pa tayo. Mauuna na ako Andrei. I'll see you tomorrow?"
   "See you tomorrow Ayna."
   Nakangiti si Ayna at pagkatapos ay tumalikod na ito para tuluyan ng umalis. Pero hindi pa siya nakaka tatlong hakbang ay bigla naman din siyang pinatid sa paa ni Catherine. Tumumba si Ayna sa sahig.
   "Aynaaa! Okay ka lang ba?" Tanong ni Andrei at pagkatapos ay agad na nilapitan si Ayna.
   Malakas na humahalakhak si Catherine. "Buwahahahaha! Ayan.. malandi ka kasi."
   "I am okay. May natapakan yata ako." Sagot ni Anna.
   Inalalayan ni Andrei si Ayna na tumayo.
   "Ayna. Sigurado ka ba na okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan? Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?" Tanong ni Andrei.
   "Okay lang ako. Don't worry."
   "Sorry Ayna."
   "Why are you saying sorry eh wala ka naman kasalanan? Ako itong tatanga tanga mag lakad. Anyway Andrei. Thank you ulit sa time mo. I'll go ahead na talaga. See you tomorrow." Nakangiting sinabi ni Ayna at pagkatapos ay tuluyan na siyang nakaalis.
   Tinignan ng masama ni Andrei si Catherine.
   Si Catherine naman ay tumingin tingin sa dingding at pader. "Opps! Andrei oh! May butiki! Ang laki ng butiki! Look naman! Oh! My! G! Kasing laki ng butiki yung junior mo!"
   Napa buntong hininga na lang si Andrei. Wala siyang magawa sa sobrang kakulitan ng girlfriend niya na si Catherine.

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now