AFTER LIFE

1.9K 56 11
                                    

CHAPTER 37

   Mag isa sa kanyang opisina si Ashley habang pinagmamasdan sa kanyang desktop ang listahan ng mga istudyanteng nag enrolled para sa third semester.
   Maya maya pa ay nakangiting pumasok si Diosmia sa kanyang opisina.
   Mataray niya itong tinignan. "Oh! Anong problema mo? Nakalimutan mo yatang may Secretary ako na pwede mong kausapin bago ako."
   Umupo si Diosmia sa upuan na nasa harapan ng kanyang table. "Miss Ashley, kamusta na ang kalusugan mo?"
   "Anong ibig mong sabihin?"
   Nag buntong hininga muna si Diosmia bago sumagot. "Miss Ashley, alam kong may sakit ka. Namumutla ka, napansin ko din na minsan ay nahihirapan ka ng huminga. Minsan naman, nakita kita na parang naninikip ang dibdib mo."
   "Wala ka ng pakialam kung may sakit ako o wala."
   "Nag patingin ka na ba sa doctor?"
   "Ano bang pake mo?"
   "Miss Ashley naman. Sa akin ka pinababantayan ng mga magulang mo. Sagutin ko ang kaligtasan mo dito hanggat hindi pa nakakauwi ang mga magulang mo."
   "Talaga? Kahit papaano pala ay may pakialam din pala ang mga taong iyon sa anak nila. Ang akala ko kasi, nakalimutan na nilang may anak sila dahil sobrang busy nila sa pagpapakayaman."
   "Miss Ashley, hindi ka na rin naman iba sa akin. Kahit madalas tayong mag away ay tinuturing na rin kitang anak."
   Napahinto si Ashley sa sinabi sa kanya ni Diosmia. Muli niyang tinignan ang mukha ni Diosmia. "Diosmia, ang mga batang iyon."
   "Sino? Sila Andrei at Troy ba?"
   "Si Andrei, si Troy, Catherine, Ayna, Anna, Marco at Senji. Ikaw na muna ang bahala sa kanila."
   "Miss Ashley naman.."
   "...huwag na huwag mo silang ibabagsak. Kahit anong mangyari, kahit hindi sila pumasok.. kahit hindi nila magawang maipasa ang mga exams mo.. huwag mo silang ibabagsak. Kahit si Pong."
   "Ba.. bakit ba napaka bait mo sa mga taong ito?"
   Pinilit na ngumiti ni Ashley. "Alam mo? Minsan lang ako nag karoon ng mga mabubuting kaibigan. Mula pag kabata ko, hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong iniiwan at sinasaktan ng mga nagiging kaibigan ko. Iyon na rin ang naging sanhi kung bakit siguro naging malamig ako sa mga taong nakikilala ko. Kahit sa'yo. Pero.. itong mga batang ito, tss.. kahit na mataas ang posisyon ko kumpara sa kanila, nirespeto nila ako hindi bilang anak ng may ari ng school na ito. Nirespeto nila ako bilang kaibigan, hindi nila ako sinaktan, hindi nila ako iniwan. Siguro, itong ginagawa ko sa kanila ay sapat na para makaganti ako sa mga kabutihan nila."
   "Miss Ashley.." Nababahala si Diosmia para kay Ashley. Para kasing namamaalam na ito.
   Nag buntong hininga si Ashley. "Ilang linggo na akong pabalik balik sa hospital para mag pa check up. Tumawag sa akin ang Doctor ko kanina at ang sabi niya ay lumabas na daw resulta." Tumayo si Ashley. "Pupuntahan ko muna ngayon ang Doctor ko."
   "Miss Ashley.."
   "Oo nga pala. Diosmia, maraming salamat. Kahit na madalas tayong mag away sa loob ng school na ito, nanatili ka pa ring loyal sa amin, hindi ka umalis sa school na ito kahit na madalas kitang harapin at awayin. Diosmia, ingatan mo ang sarili mo palagi. Huwag kang magbabago, dahil kahit na saksakan ka ng kasungitan.. alam kong mabuti kang tao."
   Hindi na makapag salita si Diosmia. Sobra siyang kinukutuban sa mangyayari kay Ashley. Namamaaalam na ba ito sa kanya? Ito na kaya ang huli nilang pagkikita?
   Ngumiti lang si Ashley kay Diosmia at pagkatapos ay lumabas na ito ng kwartong iyon.

...

   "Nasaan ang mga parents mo? Or any guardian?" Tanong ng Doctor kay Ashley.
   "Wala po akong kasama. Ako lang po ang mag isang pumunta dito para malaman ang resulta ng check up ko." Nakangiting sagot ni Ashley.
   "Nasaan ang parents mo? Nasaan si Sir Crimson?"
   "Nasa Canada sila ngayon."
   Nag buntong hininga ang Doctor at pagkatapos ay kinuha ang makapal na papel sa ibabaw ng kanyang table. "Miss Ashley, kailangan itong malaman ng mga magulang mo."
   "Sino ba ang nag pacheck up sayo? Ang mga magulang ko ba?"
   "Miss Ash.."
   "Tell me the results now."
   Ilang sigundo pa ang pinalipas ng doctor bago ito sumagot. "Miss Ashley, meron kang  heart disease."
   Naging malungkot ang mukha ni Ashley. "Anong klaseng heart disease?"
   "Coronary heart disease o CHD, o mas kilala rin bilang coronary artery disease, ito ay isang kalagayan kung saan isang plaque ang nabubuo sa loob ng coronary arteries na siyang nagbibigay ng dugong sagana sa oxygen sa kalamnan ng puso."
   Napalunok ng laway si Ashley habang nakikinig sa mga sinasabi sa kanya ng Doctor.
   "...Miss Ashley, huli na ang lahat para gamutin ang sakit mo. Masyado ng nabalutan ng Calcium ang puso mo. Kung napaaga lang sana ang pag punta mo dito sa hospital."
   "Doc, kaya ba.. laging nananakit ang dibdib ko dahil.. dahil sa sakit na CHD?"
   "Yes. ST segment elevation myocardial infarction o Q-wave MI ang sakit mo. Dulot ng isang matagalang pagbabara na nakaapekto na sa malaking bahagi ng kalamnan ng iyong puso at naging sanhi ng pagbabago sa ECG at chemical markers sa iyong dugo. Malubha itong sakit mo.. na maari nating ihalintulad sa Cancer."
   Yumuko si Ashley. Hindi siya makapaniwalang may ganung uri siya ng sakit.
   "...one more thing Miss Ashley, nakita din namin dito sa x-ray na ito.. ang lumalaking butas sa puso mo."
   "May.. may butas ang puso ko?"
   "Miss Ashley, ayon sa aming pagsusuri.. matagal na itong butas sa puso mo. Ngayon lang siya lumaki."
   Unti unti ng lumuluha si Ashley. "Hind.. hindi na ba talaga magagamot? Baka naman.. pwede pa akong operahan?"
   Yumuko ang Doctor. "I'm sorry Miss Ashley. Masyadong magiging komplikado kapag dumaan pa tayo sa operation."
   Pinilit na ngumiti ni Ashley. "Ganun ba? Ahh.. okay. Okay." Napapapikit si Ashley. Bakit ito nangyari sa kanya?
   "Ashley, tanggapin mo itong irereseta ko sa'yo. Para naman ito sa.."
   "Para mas pahabain pa ang buhay ko kahit papano?"
   "Ganun na nga." Napabuntong hininga ang Doctor. "..dahil hindi na rin magtatagal ang buhay mo. I'm sorry if I'm telling you this."
   "It's okay."
   "So please Ashley. Sabihan mo na ang mga parents mo tungkol sa sakit mo na ito. Konting oras na lang ang natitira sa'yo. Hindi ko alam kung hanggang kelan ka.."
   Tumayo si Ashley. "Aalis na ako. Maraming salamat. Hinulog ko na sa bank account mo ang limang milyon."
   "5 Million?"
   "Oo. Sana maging sapat na iyon para tumahimik ang bibig mo. Huwag na huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang sakit ko.. lalong lalo na sa mga magulang ko." Masungit na sinabi ni Ashley at pagkatapos ay lumabas na ito sa opisina ng Doctor.

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now