BURIED SINS

1.1K 32 5
                                    

CHAPTER 44

   "Mahal na mahal.. 'Yan ang damdamin na sa'yo'y nararamdaman.. kung 'di mo alam.. Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka..  namamasdan o, bakit ganyan?.. At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka.. Nais makapiling; nais makayakap sa t'wina" Masayang kinakanta ni Catherine ang kantang Mahal ka sa akin ni Tootsie Guevara.
   Gamit ang flat screen TV, karaoke at Mic, sinasayaw pa ni Catherine habang gumagawa ng ingay sa loob ng kwarto ni Andrei.
   "Nang dahil sa 'yo.. Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan.. wag paglaruan.. Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw.. Huwag sanang sasaktan, Ang puso na sa 'yo'y nagmahal.."
   Unti unting minulat ni Andrei ang kanyang mga mata. Tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Kumunot ang kanyang noo na nang makitang alas siete pa lang ng umaga.
   Tumingin si Andrei sa kanyang tabi, nakita niya si Catherine na nakahiga, natutulog.
   Pero anong ingay ang kanyang naririnig?
   Napa bangon siya at tumingin sa buong paligid. Kinusot ang mga mata at pagkatapos ay nakita ang kaluluwa ni Catherine habang kumakanta gamit ang kanyang karaoke.
   Napaisip si Andrei, nakalimutan niya yatang nagpasya si Catherine na humiwalay ang kaluluwa sa sarili nitong katawan.
   "Tawag ng aking damdamin.. Ay ikaw at walang iba.. Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga.. Puso'y huwag paluluhain.. Ang pagsamo ko'y dinggin.. Tunay na tunay mahal ka sa akin!" Patuloy na kumakanta si Catherine.
   Napailing na lang ng ulo si Andrei. Tumayo at pagkatapos ay pinatay ang karaoke.
   Napatigil naman si Catherine. Tumingin ng masama kay Andrei.
   "Catherine anong oras pa lang?" Masungit na tanong ni Andrei.
   "Bakit? Hindi ka ba marunong magbasa ng orasan? Hindi ba tinuro sayo nung elementary ka kung paano mag basa ng oras? My super G!"
   "Catherine.."
   "Bakit mo pinatay? Hindi mo ba nakitang kumakanta ako ng bongacious?"
   "Catherine, kitang kita ko! Hindi ako bulag!"
   "Sinisigawan mo ba ako?" Malungkot na tanong ni Catherine.
   "Catherine, I wasn't shouting. Nagpapaliwanag lang. Look oh, alas siete pa lang ng umaga. Tapos, natutulog pa ako. Ito ba ang tamang oras para mag karaoke?" Mahinahon na paliwanag ni Andrei.
   Umiling iling ng ulo si Catherine. "Hindi mo na ako mahal, Andrei. Kasi, isa na ulit akong kaluluwa."
   "Catherine naman.. nakalimutan mo na ba yung paulit ulit na sinasabi ko sa'yo dati? Kahit maging sino ka, mamahalin kita."
   "Hindi mo ako mahal Andrei."
   "Catherine mahal kita. Mahal mo ako. Nagmamahalan tayo."
   "Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako! Because that is what I deserve!!!"
   Biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Andrei.
   Napatingin ang dalawa at nagulat nang makita si Yaya Teressa.
   "Andrei! Sinong kausap mo?" Nagtatakang tanong ni Yaya Teressa. Nakasarado kasi ang third eye nito kaya hindi niya nakikita ang kaluluwa ni Catherine.
   "Si Catherine po."
   "Si Catherine? Kinakausap mo si Catherine habang natutulog siya?"
   Napalunok ng laway si Andrei. "Ahmm.."
   Nag aabang si Yaya Teressa nang isasagot sa kanya ni Andrei.
   "Ahmm.." Napapakamot pa si Andrei ng ulo. Hindi alam ang kanyang ipapalusot.
   "Andrei, bakit ba hanggang ngayon eh natutulog pa rin si Catherine? Halos, labing apat na oras na siyang natutulog? May sakit ba siya?"
   "Wala Yaya. Bumabawi lang siya. Nagpapahinga."
   "Sigurado ka Anak? Baka naman may sakit si Catherine." Lalapit sana si Yaya Teressa kay Catherine nang humarang si Andrei.
   "Wala siyang sakit Yaya! She's okay. And she woke up kagabi, hindi lang siya lumabas ng kwarto."
   "Ayy.. ang bongga! Ang galing magpalusot! Ganyan talaga pag fcuk boy!" Singit ni Catherine.
   "Alright. Oh siya! Pumunta ka na sa kusina dahil nag luto ako ng onion rings."
   "Thank you Yaya. Anyway, dumating na ba si Jeho?"
   "Hindi pa nga eh. Nag text siya kagabi sa akin at ang sabi niya, mamayang gabi na lang daw siya uuwi. Pinuntahan daw niya ang kanyang kaibigan sa Tarlac."
   Tumungo tungo ng ulo si Andrei. "Ganun ba Yaya."
   "Okay. Hihintayin kita sa kusina para masabayan na kita kumain. Bilisan mo."
   "Opo, Yaya."
   Muling sinilip ni Yaya Teressa ang natutulog na katawan ni Catherine. Halata sa mukha ang laking pagtataka. Umiling iling ng ulo at pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
   Ni locked ni Andrei ang kanyang pintuan at pagkatapos ay muling tumingin sa kaluluwa ni Catherine.
   Nakatingin pa rin ng masama sa kanya si Catherine. Mukhang seryoso at galit ito sa kanya.
   "Catherine, nagagalit ka ba sa akin dahil pinatay ko ang karaoke?" Mahinahon na tanong ni Andrei.
   Hindi sumagot si Catherine. Umupo ito sa kama at tinignan na lang ang sarili niyang katawan.
   Lumapit si Andrei. "Catherine, huwag ka ng magalit oh."
   "Hindi mo na ako mahal kasi.. isa na lang ulit akong Ghost."
   "Mahal kita Catherine. Buhay ka man o patay, mahal na mahal kita at kahit kelan.. hindi iyon nagbago at hinding hindi iyon magbabago. Okay?"
   Muling tumingin si Catherine kay Andrei. "Kung mahal mo ako.. patunayan mo."
   "Ilang beses ko nang napatunayan ha!"
   "Edi patunayan mo ulet!"
    Napa buntong hininga si Andrei. Bakit nga ba napaka sensitive ngayon ng kanyang ghost girlfriend? "Alright. Mamaya, mag de-date tayo. Okay?"
   "Saan naman tayo pupunta latuuur?"
   "Kahit saan. Gusto mo bang kumain ng roasted chicken sa pinaka mahal na restaurant? May alam ako kung saan." Nakangiting sagot ni Andrei.
   Naging maamo ang mukha ni Catherine. "Saan naman 'yan?"
   "Basta. Mahal na restaurant iyon. Madaming mga mayayaman ang kumakain doon. Kaya, suotin mo mamaya ang pinaka maganda mong damit."
   "Seryoso? Eh wala naman ibang makakakita sa akin kundi ikaw."
   "Basta. Gusto ko, suotin mo pa rin ang pinaka magandang damit. Date natin iyon eh! I'll treat you like a normal lady, not a ghost."
   Tumayo si Catherine. "Eh ikaw?"
   "Syempre. Magsusuot din ako ng magandang damit. Pero bago tayo mag date, pupunta muna tayo sa bahay ni Anna."
   "Sa.. sa bahay ni Anna? Sa ex mo? At bakit?" Mataray na tanong ni Catherine.
   "Hmm.. naisip ko kasi na.. doon muna sa bahay niya itago yung katawan mo. Sa bahay niya, magiging safe ka doon. Kung dito kasi, magtataka talaga sina Yaya at Jeho kung bakit hindi ka pa nagigising eh."
   "The bongacious question, papayag kaya si Anna? Eh saksakan din ng kamalditahan ang bruhang iyon?"
   "Nakausap ko na po siya kagabi. Mahal na prinsesa."
   Ngumiti si Catherine. "Alright. Madali naman akong kausap, wala naman din gagawin na masama si Anna sa maganda kong katawan. Pero siguraduhin mong walang namumuong something sa inyo ha? Nakuu! Andrei ha? Nakooooo!"
   Hinawakan ni Andrei ang kamay ni Catherine. "Ngayon ka pa ba magseselos? Ngayon ka pa mag tatamang hinala sa mahal na prinsipe?"
   "Hindi naman sa ganun. Takot lang akong.. you know.."
   "Tss.." Kinurot ni Andrei ang dalawang pisngi ni Catherine. "Bakit ang cute mo?"
   "Arayy.. bitawan mo nga!"
   "Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ang cute cute mo?"
   "Hindi ko alam.. aray Andrei!"
   "Sagot.."
   "Hindi ko alam! Itanong mo sa Papa at Mama ko!"
   "Nasa langit na sila. Paano ko pa sila matatanong. Kaya ikaw ang sumagot ng tanong ko, bakit ang cute mo?"
   "Aray naman kasi!"
   "Bakit ang cute mo? Cute talaga! As in! Pero bakit ganyan ka kacute? Bakit?"
   "Hmm.. binobola mo lang ako eh!"
   "Hindi kita binobola ha? Totoong cute ka. Pero bakit ganyan ka kacute ha?"
   "Kasi mahal kita?"
   "Tama! 'Yan talaga ang gusto kong marinig. Mahal mo ako, mahal kita. Nagmamahalan tayo." Niyakap ni Andrei si Catherine. "I Love You. Mahal na prinsesa."
   Si Catherine naman ay hindi maiwasan na hindi kiligin. Hinayaan na yakapin siya ni Andrei. "I Love You too, Mahal na prinsipe."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon