THIRD EYE

2K 65 19
                                    

CHAPTER 35

   Galit na nilapitan ni Limuelle ang dalawang lalake na kumuha ng hermes bag ni Catherine. Nakatali ang mga katawan nito sa poste, naka tape ang mga bibig, puro pasa ang buong katawan, may mga black eye sa mata at nagdudugo ang mga bibig.
   "Tsss. Kayo! Pasalamat kayong dalawa dahil hindi na kayo sinumbong ni Catherine sa mga pulis! Hayy.. kung ako sa kanya ay pinakulong ko na kayong dalawa! Huwag niyo ng uulitin iyon ha!"
   Kahit na nakatakip ang mga bibig ng dalawang lalake, naririnig pa rin ni Limuelle ang mga ungol nila na para bang sinasabi na hindi na nila uulitin ang bagay na iyon.
   Takot na takot ang mga mukha nito habang nakatingin kay Limuelle.
   "...tsaka, tandaan niyo ito ha! Pag nakita ko pa kayong nag nakaw o nag snatched ng kahit anong bagay na pagmamay ari ng ibang tao, hindi lang iyan ang gagawin ko sa inyo ha!"
   Napa buntong hininga si Limuelle habang tinititigan ang dalawa.
   Inangat ni Limuelle ang kanyang kanang kamay at itinuro ito sa dalawang lalake. Isang himala na biglang nawala ang mga lubid na nakatali sa mga lalake, nawala din ang tape sa mga bibig.
   Takot na tumakbo ang dalawang lalake na iyon papalayo kay Limuelle.
   Napansin ni Limuelle ang isang pink na wallet sa sahig.
   Pinulot niya ito at binuksan.
   Nakita niya ang litrato ni Catherine sa loob, pati na rin ang mga pera.
   Napangiti si Limuelle habang pinagmamasdan ang mukha ni Catherine sa litratong iyon.
   Isang matandang babae ang lumapit kay Limuelle. "Kuya, kuya.. pahingi po ako ng pera. Pang bili lang po ng tinapay."
   Kumunot ang noo ni Limuelle. "Lola, nakikita niyo po ako?? At bakit po kayo namamalimos? Nasaan po ang mga anak ninyo? Saan po kayo nakatira?"
   "Matagal na akong iniwan ng mga anak ko.. nasa ibang bansa sila lahat at may mga sarili nang pamilya. Patay na ang asawa ko. Ang ibang Pamilya ko naman ay nasa probinsya."
   Naawa si Limuelle sa matanda. "Sige, Lola. Sa inyo na po ito."
   Ibinigay ni Limuelle sa matanda ang pink na hermes bag, ganun din ang mga pera sa loob nito. Ang mga litrato naman ni Catherine ay itinago niya sa kanyang bulsa.
   "Naku! Maraming salamat iho! Napakadaming pera nito. Maraming salamat! May budget na ako para sa linggong ito! Pag palain ka nawa ng Maykapal!" Tuwang tuwa naman ang matandang babae. Dali niya itong tinanggap at pagkatapos ay masayang masaya na naglakad papalayo.
   Sobrang naawa si Limuelle sa matandang iyon habang pinagmamasdan niya itong naglalakad papalayo.
   "Haay.. Nawa ay kayo po ang pagpalain ng langit dahil po sa inyong kalagayan." Bulong ni Limuelle sa kanyang sarili.
   "My G! My G! Bilisan mo Jeho baka makawala pa ang mga lalakeng iyon!" Boses ni Catherine mula sa malayo.
   Nabigla si Limuelle sa kanyang narinig. Napalingon ito. Nakita niya si Catherine na tumatakbo papalapit kasama si Jeho.
   Pumilit si Limuelle.
   Maya maya pa ay bigla itong nawala na parang bula.
   "...My G! Yung pink na wallet ko!!" Patuloy na sumisigaw si Catherine.
   Napahinto sina Catherine at Jeho nang makalapit na sila sa posteng kinaroroonan ng dalawang lalake kanina.
   "Oh my super G Jeho!! Nakawala na sila!" Malungkot na sinabi ni Catherine.
   Hingal na hingal naman si Jeho at halos habulin ang bawat pag hinga dahil sa mahabang pagtakbo. "Catherine.. Catherine.. ang bilis mong tu.. tumakbo. Hold on.. teka lang."
   "Anong gagawin ko Jeho? What to do now? Nasa wallet na iyon ang lahat ng pera ko! Budget ko iyon for four months ko dito sa Pilipinas. Hindi na ako pwedeng humingi sa Mama ko eh. Magagalit lang iyon ng bongga!"
   "Sabi ko sa'yo eh. Dapat sinumbong na lang natin sila sa mga Pulis."
   "Tss.. haay. Paano na kaya ang magiging life ko dito sa Pinas?"
   "Hindi ka ba talaga pwedeng humingi ng pera sa Mama mo?"
   "Hindi talaga pwede. Alam kong magagalit iyon. Alam mo ba kung paano magalit ang Mama ko? Nagiging sangre kaya iyon pag nagagalit!"
   Kumunot ang noo ni Jeho. "Sa.. sangre??"
   "Oo. Hindi mo alam iyon?"
   "Ano yung sangre?"
   "Haay. Never mind na Jeho. Tss. Anong gagawin ko nito? Hmm.. ibenta ko kaya itong hermes bag ko para magka money ako? What do you think Jeho?"
   "Huwag! Huwag mong gagawin iyon. Huwag na huwag kang mag bebenta ng kahit anong gamit na meron ka. Dahil once na mabenta mo na iyan sa iba, once na meron nang nag mamay ari ng mga gamit mo.. hinding hindi mo na ito mababawi."
   "Charutero.. gumuguhot ang Lolo ko." Biro ni Catherine.
   "Bakit hindi ka na lang muna mag stay sa bahay namin?"
   "Sa bahay niyo?" Napaisip si Catherine. Naalala niya kasi kung ilang beses niyang pinagtabuyan si Andrei. Pati narin ang pag sipa niya sa tuhod nito.
   "Oo. Actually, bahay talaga ng kapatid ko iyon. Si Andrei. Do you remember him? Nakilala mo rin siya sa Airport."
   "Yes. I remember him. Pero Jeho, Thank you na lang. Bu.."
   "Don't worry. Mababait naman kaming tao eh. Tsaka hindi lang ikaw ang mag iisang babae doon, nakatira din sa amin ang Yaya namin. Si Yaya Teressa. Almost 20 years na siyang nagtatrabaho sa amin."
   "Pero.. Jeho. Thank you na lang but hindi.."
   "Please Catherine? Hindi kakayanin ng kunsyensya ko na hindi kita matulungan." Seryoso na ang mukha ni Jeho.
   "Pero Jeho. Si Andrei kasi.."
   "Don't worry about Andrei. He's a good guy. Medyo may topak lang siya minsan but he's really a good guy. Trust me, trust us. Hindi kami masasamang tao. Wala kaming gagawing masama sa'yo Catherine."
   Hindi makapag desisyon si Catherine. Sobra talaga siyang nahihiya kay Andrei. Pero ano nang gagawin niya? Kailangan niya ng tulong sa mga oras na iyon. Wala na siyang kapera pera. "Sige, four months. Apat na buwan lang akong mag iistay sa bahay niyo Jeho."
   Hinawakan ni Jeho ang kamay ni Catherine. "Ganyan nga Catherine. Hindi naman masamang mag tiwala sa ibang tao kahit minsan eh. Pinapangako ko.."
   "Ahmm. Jeho. Yung.. yung kamay ko." Medyo naiilang na si Catherine kay Jeho.
   Agad na binitawan ni Jeho ang kamay ni Catherine. "I'm sorry."
   "Okay lang. So ang sabi mo, kasama niyo sa bahay yung Yaya Teressa?"
   "Tama. Kaya may ibang babae din na makakasama ka sa bahay namin."
   "Saan ba yung bahay niyo?"
   "Sa Batanggas. Don't worry about kay Andrei, okay? Papayag iyon at walang magiging problema. Sobrang bait ng kapatid ko at isa pa.. ako na ang nag babayad sa lahat ng bayarin sa bahay namin. Kaya medyo.. may karapatan na rin ako."
   Napa buntong hininga si Catherine. "Sige. Kung.. mapilit ka talaga." Napapangiti si Catherine.
   "Tara na, kuhain muna natin sa Crimson Hotel yung mga gamit mo. Ako na rin muna ang magbabayad sa hotel."
   "Pero.."
   "Wala ng pero pero.. sige, utang. Utangin mo muna sa akin yung perang ipangbabayad natin sa Crimson Hotel. Okay?"
   "Hmm.. okay. Salamat talaga Jeho. Maraming salamat sa help mo. Makakabawi din ako sa iyo ng bongacious, Jeho."
   "Walang anuman, Catherine." Abot tenga ang ngiti ni Jeho.
   At sabay silang naglakad papalayo.
   Parang kabute naman si Limuelle na sumulpot sa lugar nang makalayo na ang dalawa.
   Napaisip si Limuelle. "Titira na naman si Catherine sa bahay ni Andrei??????"

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon