HEAVEN'S GATE

2.2K 74 31
                                    

CHAPTER 26


   Nanlaki ang mga mata nina Luisa, Pong at Ashley nang nabuksan na nila ang kabaong ni Catherine.
   Umabot ng halos limang oras ang paghuhukay ng libingan ni Catherine. Pa sikreto lang kasi nila itong ginawa.
   "Hindi.. hindi.. hind iyan ang katawan ng anak ko! Hindi iyan si Catherine!" Gulat na gulat na sinabi ni Luisa.
   Ang mga kalalakihan na nag hukay ng lupa ay nagkakatinginan sa isa't isa.
   "Pero tama naman po ang hinukay namin. Dito po naka libing ang anak niyo Ma'am." Sagot ng isang lalake.
   Lumapit si Ashley kay Pong. "Pong, anong ibig sabihin nito? Nasaan ang katawan ni Catherine? May idea ka ba?"
   Ngumiti si Pong. Lumapit ito sa kabaong ni Catherine. "Ashley, Ma'am Luisa.. tama po kayo. Hindi ito ang katawan ni Catherine Chen."
   "Kung ganon.. Eh nasaan ang anak ko?" Si Luisa.
   Nag buntong hininga muna si Pong bago siya sumagot. "Tignan niyo.. ito pa rin ang suot ni Catherine nung nilagay ang katawan niya sa kabaong. Pero titigan niyong maigi ang patay na ito. Tignan niyong maigi ang mukha niya. Anong napapansin niyo?"
   Lumapit si Luisa sa kabaong. "Wala akong ibang napapansin kundi.. itong nasa gilid ng mukha niya."
   "Tama po kayo Ma'am Luisa. Itong nasa gilid ng mukha ng babaeng ito ay wax. Ibig sabihin, ginaya at kinopya ang mukha ni Catherine gamit ang wax na ito. Madaling matunaw ang wax kaya ito ang unang natunaw bago man kainin ng mga uod ang buong katawan at mukha ng babaeng ito." Paliwanag ni Pong.
   "So.. hindi katawan ni Catherine ang pinaglamayan ng mga tao? Hindi si Catherine ang nasa kabaong nung mga araw na binurol siya? Kundi.. ito?" Tanong ni Ashley.
   "Tama ka Ashley. Pero nung araw na natagpuang patay si Catherine Chen sa hotel niyo.. nandoon din ako. Hindi ko napansin na hindi pala si Catherine ang patay na iyon kundi ito. Tss.. magaling mag tago ng kasalanan niya ang gumawa ng krimen na ito."
   Unti unting lumuluha si Luisa. "Kung ganon.. nasaan ang katawan ng anak ko?"
   "Iyon po ang hindi natin alam. Kung hindi po ako nag kakamali, si Sir Carlos po ang nag asikaso ng lahat ng ito. Tama po ba ako?"
   "Tama ka. Siya na ang lahat ng nag asikaso ng burol, libing at lahat lahat dahil masyado akong nalulungkot nung nalaman kong patay si Catherine. Pong, sigurado akong si Carlos ang pumatay sa anak ko!"
   "Iyon din po ang sinasabi ng instinct ko."
   "Hulihin mo na si Carlos! Kailangan siyang makulong sa mga kasalanan na ginawa niya!"
   "Huwag po kayong mag madali Ma'am Luisa. Hindi pa po ito ang tamang oras para hulihin si Carlos!"
   "At kelan pa? Kelan ang tamang oras Pong? Sabihin mo sa akin!"
   "Hindi ko rin po alam kung kelan ang tamang oras! Pero sigurado akong hindi ito ngayon at bukas. Ma'am Luisa, maaring buhay po ang anak niyo! At maaring hawak siya ni Carlos!!!"
   Kumunot ang noo ni Ashley. "Buhay si Catherine??"
   "Pong, ulitin mo ang sinabi mo. Buhay ang anak ko?"
   "Hindi po ako sigurado pero maaring buhay po si Catherine dahil hindi naman po natin alam kung nasaan siya! Wala tayong balita tunkol sa anak niyo. Masyado tayong napaniwala na itong patay na ito at si Catherine ay iisa. Isang bagay lang na nakakasiguro ako, hawak ni Carlos si Catherine."
   Napaupo sa sahig habang umiiyak si Luisa. "Anak ko.. sana buhay pa ang anak ko. Catherine.."
   "Ma'am Luisa. May isang pabor lang sana akong hihingin sayo. Huwag niyo po sanang sasabihin sa asawa niyo ang tungkol dito. Mag panggap po kayo na walang alam. At kayo." Tumingin si Pong sa mga kalalakihang nag hukay. "...ihatid niyo sa morge ang patay na ito para maimbistigahan ko ang identity ng babaeng ito. Ibalik niyo ang kabaong sa ilalim at tabunan niyo ulit ng lupa. Taniman niyo agad ng damo bukas ng umaga para hindi halatang hinukay ito. Naiintindihan niyo ba?"
   "Opo Sir! Opo Sir!" Sagot ng lahat at pagkatapos ay nag simula na silang kumilos.
   "Detective Pong. Maraming maraming salamat. Sana ay matulungan mo pa ako na mahanap ang anak ko! Sana ay buhay pa ang anak ko! Catherine!!! Nasaan ka? Miss na miss ka na ni Mama.." Umiiyak na sinabi ni Luisa.
   "Huwag po kayong mag alala Ma'am Luisa. Ginagawa ko po ang lahat ng makakaya ko. Huwag na huwag po kayong mawawalan ng pag asa. At hinihingi ko lang po sana ang konting pagtitiwala niyo sa akin."
   Lumapit si Ashley kay Luisa at pagkatapos ay inalalayan itong tumayo. "Huwag na po kayong umiyak Ma'am Luisa. Tutulong din po ako sa pagsulba sa kaso ni Catherine."
   "Maraming salamat Anak. Maraming salamat Detective Pong. Maraming salamat sa inyo.."
   "Wala pong anuman Ma'am Luisa." Nakangiting sagot ni Ashley.

My Ghost GirlfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ