THE PROMISE

2.4K 42 1
                                    

CHAPTER 20

******************

August 3, 1991.

   Tinititigan ni Luisa ang sarili niya sa salamin. Sadyang napakaganda ni Luisa, singkit ang mga mata nito, may magandang labi at matangos na ilong.
   Lumapit sa kanya ang kanyang Ama. "Luisa. Pwede pang mag bago ang isip mo. Hindi pa naman huli ang lahat!"
   "Pero Dadddddd.. si Tenjo ang mahal ko. Siya lang ang tinitibok ng puso ko at wala ng iba."
   "Luisa. Walang kang mapapala kung ang pu**ng inang puso na iyan ang susundin mo. Mag isip isip ka nga.. anong mapapala mo kay Tenjo! Mahirap ang pamilya nila Luisa. At isa pa.. anong buhay ang ibibigay ng isang sundalong tulad niya?"
   "Anong masama sa pagigising sundalo Dad? Isang marangal na trabaho ang pagiging sundalo!"
   "Anak naman.. hindi sa minamaliit ko ang trabaho niya.. pero ikumpara mo ang magiging buhay mo kapag si Marcos Chen ang pakakasalan mo! Tsk.. mayaman ang pamilya ni Marcos! Madami silang ari arian.  Madami silang business. Naiintindihan mo ba? Magandang kinabukasan ang maibibigay niya sa'yo."
   "Tama na Dad! Hindi ako nag hahangad ng magandang buhay! Ang hinahangad ko ay ang pakasalan ako ni Tenjo! At isa pa.. siya ang ama ng dinadala ko!"
   "Kaya nga hindi pa huli ang lahat! Hindi alam ni Tenjo na siya ang ama niyan! Hindi mo pa nasasabi sa kanya na nagdadalang tao ka. Ipalabas na lang natin na si Marcos ang ama niyan!"
   "Tama na! Dad. Wala ka nang magagawa. Hindi mo na kami mapipigilan mag pakasal. Mag papakasal na kami ni Tenjo once na makauwi na siya dito sa Pinas."
   "Makinig ka sa akin Anak."
   Tumalikod si Luisa sa kanyang Ama at pagkatapos ay agad itong lumabas ng bahay.
   "Luisa!! Luisaaaa!" Wala nang magawa ang kanyang Ama at hindi na siya nagawang pigilan nito.

...

   Nakaupo lang sa duyan si Luisa habang nagbabasa ng libro. Nasa tapat lang sila ng bahay nila. Wala pa siyang trabaho nung mga oras na iyon. Huminto din kasi siya sa pag aaral.
   Lumapit sa kanya ang kaibigan niyang si Lea. "Luisa! Aalis ako ng bahay. Pakibantayan naman ang bahay hangat wala ako. Sandali lang naman ako. May bibilhin lang ako sa palenke."
   "Ganun ba? Eh hindi ba ay makikigamit ako sa inyo ng telepono mamaya? Tatawag kasi ngayon ng alas tres ng hapon si Tenjo."
   "Huwag kang mag alala. Babalik din naman kaagad ako bago mag ala una. O kaya naman ay pwede kang pumasok ng bahay ko kung mangyaring wala pa ako ng alas tres."
   Ngumiti si Luisa. "Maraming salamat Lea. Napaka buti mo talaga."
   "Walang anuman! Ikaw naman. Parang hindi naman tayo mag kaibigan niyan. Nakakainggit ka talaga Luisa! Sobrang inlove na inlove ka ha! Kelan ba uuwi iyan si Tenjo?"
   "Sa webes ang uwi niya at sa byernes naman ang kasal namin."
   "Aba! Eh hindi ba ay lunes ngayon? Naku! Huwag na huwag mo akong kakalimutan na bigyan ng lechon ha? Tyak ay madaming handa sa araw na iyon!" Masayang sinabi ni Lea.
   "Huwag kang mag alala Lea. Ikaw pa ba? Makakalimutan ko? Eh ikaw nga itong nagiging tulay namin ni Tenjo para makapag usap kaming dalawa. Maraming salamat dahil lagi mo akong pinapayagan na gamitin ang telepono ninyo."
   "Walang anuman Luisa!" Nakangiting sagot ni Lea.
   Maya maya pa ay may isang magarang kotse ang pumarada sa harapan nila.
   "Naku! Makaalis na nga. Nandito na ang kontrabida. Mauuna na ako Luisa! Mag iingat ka diyan sa asong iyan!" Masungit na sinabi ni Lea at pagkatapos ay agad na umalis ito.
   "Lea! Teka lang!" Hindi na nagawang pigilan ni Luisa si Lea dahil mabilis itong naglakad papalayo.
   Tumayo si Luisa mula sa pagkakaupo sa duyan at pagkatapos ay tinignan ng masama ang magarang sasakyan.
   Mayabang na bumaba si Marcos ng sasakyan. May dala itong mga bulaklak. Nakangiti itong lumapit kay Luisa.
   "Anong ginagawa mo dito Marcos? Hindi ba ang sabi ko sa'yo ay ayoko nang makita ang pagmumukha mo?" Si Luisa.
   "Nabalitaan ko na malapit ka na palang ikasal kay Tenjo."
   "Oo. Nabalitaan mo na rin ba na nagdadalang tao ako at si Tenjo ang ama?"
   Biglang naging malunkot ang mukha ni Marcos. "Totoo ba ang sinasabi mo Luisa? Nagdadalang tao ka? At.. at si Tenjo ang Ama?"
   "Oo. Totoo ang sinasabi ko. Gusto mo ba na ipakita ko pa sa'yo ang mga nireseta sa akin ng Doctor?"
   "Hindi mo na kailangan gawin iyon Luisa. Naniniwala ako sa'yo."
   "Eh ano pa ba ang ginagawa mo dito? Pwede ka nang umalis."
   "Luisa. Hindi pa naman huli ang lahat eh. Hindi pa kayo kinakasal ni Tenjo. Pwede.. pwede naman ako ang tumayong ama ng dinadala mo."
   Napangiti si Luisa sa sobrang asar. "Nag papatawa ka ba? At bakit ko naman gagawin iyon? Hintayin mo munang pumuti ang uwak bago ako magpakasal sa taong tulad mo."
   "Isusumpa ko Luisa. Mapapasa akin ka din!"
   "Isumpa mo! Mag sumpaan tayo. Isusumpa ko na kahit kelan ay hindi ka magiging masaya sa piling ko kung mangyari man na ako ang babaeng mapapakasalan mo!"

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon