DOG AND SNAKE

1.8K 58 16
                                    

CHAPTER 36

   "So, yung unang guy na tinutukoy mo na nanakit sa'yo ay si Troy? Yung bestfriend ni Andrei?" Tanong ni Catherine kay Ayna.
   Nag uusap ang dalawa sa isang coffee shop malapit sa Crimson School. Hindi na sila pumasok ng next subject at nag pasya na lang silang mag usap tungkol sa mga pinag dadaanan ni Ayna. Halos dalawang oras na rin silang nag uusap.
   "Tama ka, siya nga. Siya ang unang lalakeng minahal ko, pero siya din ang unang lalakeng sinaktan ako ng sobra."
   "Hmm.. pero ang tanong. Mahal mo pa ba?"
   Napaisip si Ayna. Hindi ito sumagot sa tanong ni Catherine.
   "...mahal mo pa ba Ayna? Nasasaktan ka pa rin ba sa tuwing iniisip mo yung ginawa niya sa'yo? Nasasaktan ka pa rin ba sa tuwing nakikita mo siya?"
   "Ganun na nga. Nasasaktan pa rin ako, siguro ay dahil mahal ko pa."
   "Naiintindihan ko girl, first love never dies naman eh. Pero, napakinggan mo na ba yung side niya kung bakit niya sinabi sa'yo ang mga salitang iyon?"
   "Hindi pa, Catherine. Ayoko ng pakinggan eh, baka kasi lokohin niya lang ako. Baka kasi, makuha niya ulit ang loob ko tapos ay iwanan niya ulit ako sa huli."
   "Pero Girl, kailangan mo pa rin siyang bigyan ng chance para ma explain niya ang side niya. Kung may unfair man sa inyong dalawa, ikaw yun. Kasi you're not giving him the chance to explain his side. At kung natatakot ka talaga ng bongga na lokohin ka niya, then let it be. Mas maganda naman na tayong mga babae ang niloloko kesa tayo ang nanloloko. Gets mo?"
   "So hahayaan na lang natin ang mga boys na iyan na lokohin tayo?"
   "That's not my point. Girl, ang ibig kong sabihin.. mas malaking kasalanan naman ang manloko eh kesa sa naloloko. Atleast tayo, we're real? Hindi tayo fake. And at the end of the day, yung mga manloloko na iyan ang magsisisi. Naiintindihan mo ba ako ng bongga? Sumasakit ang bangs ko sa'yo kahit wala naman akong bangs!"
   Ngumiti si Ayna. "Salamat, Girl. Though hindi kita masyadong maintindihan, but atleast naikwento ko na ang gusto kong ikwento. Kasi, parang sasabog na talaga ako kanina eh. Hindi ko na kakayanin."
   "Hmm.. tama ka diyan Girl. No man is an island naman di'ba? Kahit kelan, kailangan natin ng someone na magpapagaan ng loob natin, sasamahan tayo, tutulong sa atin para maka move on or maka forget.." Nakangiting sagot ni Catherine.
   Walang kaalam alam ang dalawa na nasa kabilang table lang sina Andrei at Troy. Naka suot ito ng mga sumblero at shades para hindi sila mahalata at mamukhaan nila Catherine at Ayna.
   "So.. kamusta naman si Andrei? Kamusta naman ang buhay kasama si Andrei sa iisang bahay?" Nakangiting tanong ni Ayna.
   "Ayos lang naman. Second day ko pa lang naman sa bahay niya kaya hindi ko din naman alam kung mabait ba talaga siya or nagpapakitang tao lang."
   "Mabait si Andrei. Sobrang bait niya. At.. hmm.." Napaisip si Ayna.
   "At tsaka what Girl?"
   "May naalala lang ako. Naikwento sa akin ni Troy before na may girlfriend siyang multo. Catherine din ang pangalan. What a coincidence."
   Si Catherine naman ang napaisip. Bakit ba lahat ng nakakakilala kay Andrei ay nagsasabing may naging girlfriend itong multo at Catherine din ang pangalan. Totoo kaya ang sinasabi sa kanya ni Andrei? "Tss.. pati ba naman ikaw Girl? Naniniwala ka ba sa ghost?"
   "Well, hindi pa naman ako nakakakita ng multo. Hindi ko alam kung totoo ang naikwento sa akin ni Troy or nagsisinungaling lang talaga siya."
   Bigla naman tumunog ang cellphone ni Catherine. Agad niya itong kinuha mula sa dala niyang hermes bag at pagkatapos ay binasa ang text mula kay Jeho.
   "Omg! Girl. Gtg na! Nag text na kasi yung kuya ni Andrei. Nasa tapat na siya ng school para sunduin na ako."
   "Talagang may sundo ka? At kuya pa ni Andrei?"
   "Yup. Actually, nahihiya nga ako eh. Pero, I don't know. Ganun lang talaga siguro kabait si Jeho. Mabait din yung Yaya nila sa bahay, okay.. mabait din naman si Andrei. Mabait sila. All of them." Paliwanag ni Catherine habang inaayos ang kanyang gamit sa loob ng kanyang bag.
   "Ohh.. okay? So Jeho pala ang name ng kuya ni Andrei."
   "Don't tell me, kilala mo din siya Girl?"
   "Nope. Madalas lang sa akin ikwento ni Andrei ang tungkol sa kuya niya nung mga bata pa kami pero I've never met his brother. Cute din ba siya tulad ni Andrei?"
   "Same lang naman silang cute. Pero mas madaming cute sa kanila dito sa School na ito."
   Ngumiti si Ayna. "Tama ka diyan Sis!"
   Tumayo si Catherine. "Okay. Babush na talaga. See you tomorrow? Mag boys hunting tayo!"
   "Ayy. Gusto ko iyan! Tomorrow na lang ha? Mamaya pa kasi ako uuwi, I will wait my driver pa."
   "Okay! Babush!" Paalam ni Catherine at pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng coffee shop.
   Si Ayna ang naiwan mag isa sa table nila. Wala pa rin siyang kaalam alam na nasa kabilang table lang sila Troy at Andrei.
   Bumulong si Andrei kay Troy. "Bro, alis na ako. Pauwi na si Catherine eh!"
   "Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Yung kuya mong si Jeho ang susundo kay Catherine."
   "Alam ko iyon! Pero excited kasi akong makita at makausap kong muli si Catherine sa bahay. At tsaka, may binili din akong rosas eh. Ibibigay ko kay Catherine."
   "Eh paano si Ayna?"
   "Ikaw na bahala sa kanya. Oo nga pala, ito oh." May binigay na sobre si Andrei kay Troy.
   "Ano ito?"
   "Pera, sapat na iyan para makapag paputok ka ulit ng fire works. 7pm Pare, dating gawi. Mag paputok ka ng fireworks, kasabay 'non ay yayayain ko si Catherine na pumunta sa rooftop namin. Tapos, ibibigay ko sa kanya yung binili kong rose, huwag kang papalpak ha?"
   "Andrei naman. May assignme.."
   "Sige na. Ginawa na natin ito before di'ba? Try ulit natin this time baka sakaling maalala ni Catherine yung surpresa ko sa kanya before." Nakangiting sagot ni Andrei at pagkatapos ay mabilis itong lumabas ng coffee shop.
   "Andrei teka.." Hindi na nagawang pigilan ni Troy si Andrei.
   Napailing na lang ito ng ulo at muling tumingin kay Ayna.
   Nakatingin naman si Ayna sa labas ng coffee shop. Mukhang pinagmamasdan ang bawat sasakyan na dumadaan sa labas. Halata pa rin sa mukha nito na malungkot ito.
   Naaawa si Troy kay Ayna. Pero hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Hindi naman siya binibigyan ng chance na mag paliwanag, ni hindi siya kinakausap nito.
   Napa buntong hininga na lang si Troy. Tumayo at naglakas loob ng lumapit kay Ayna.
   Napatingin si Ayna kay Troy. Tumayo pa ito. "Troy?"
   "Ayna."
   Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Walang mga reaksyon at pawang huminto ang pagtakbo ng oras. Tumahimik ang kanilang mundo.
   Sa totoo lang din ay gusto ng makausap ni Ayna si Troy. Pero nalalamangan pa rin ito ng takot na baka saktan siya ulit nito. "Bakit ka nandito Troy? Sinusundan mo ba ako? Hihingi ka na ba ng tawad? Mag papaliwanag ka na ba kung bakit mo iyon ginawa sa akin? Please.. sabihin mo na sa akin ang totoo, I am ready. Papatawarin kita at pipilitin kong intindihin ang mga dahilan na sasabihin mo sa akin." Bulong ni Ayna sa kanyang sarili.
   Hindi rin alam ni Troy ang gagawin. Natatakot siya na baka pagtabuyan siyang muli ni Ayna. Hindi rin siya makapag salita ni hindi rin makagalaw. "Paano kita kakausapin Ayna? Kung patuloy kang nagagalit sa akin. Paano ko sasabihin sa'yo na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita? Mahal na mahal kita simula pa nung una. Patawarin mo ako, Ayna." Bulong naman ni Troy sa kanyang sarili.
   "Mag salita ka Troy. Mag salita ka." Bulong ni Ayna sa sarili.
   "Mapapatawad mo pa ba ako?" Bulong ni Troy sa sarili.
   "Mahal na mahal pa rin kita, Troy." Bulong ni Ayna sa sarili.
   "Mahal mo pa kaya ako?" Bulong ni Troy sa sarili.
   Ngumiti na lang si Ayna at pagkatapos ay nag lakas loob na itong nagsalita. "Bakit Troy?"
   "Ahmm.. ahh.. ano.." Napakamot ng ulo si Troy upang makaisip ng ipapalusot. "Ahm.. napadaan lang ako. Nakita kita. Tapos.. ayun."
   "Nag cutting class ka din Troy?"
   "Ha? Ah.. oo. Ayun. Oo nga! Nag cutting class ako." Napayuko si Troy.
   "Okay. Mauuna na ako. See you when I see you, Troy. Nandiyan na yung sundo ko."
   "TEKA LANG AYNA!" Medyo mataas ang boses no Troy.
   Kumunot ang noo ni Ayna. "Bakit?"
   "Pwede ka bang sumama sa akin Ayna?"
   "Ahmm.. Saan naman tayo pupunta Troy?"
   "Naaalala mo ba yung lugar na pinuntahan natin dati? Yung.. nag paputok tayo ng mga fireworks?"
   "Oo. Malapit sa Village nila Andrei. Right?"
   "Oo. Doon nga. Samahan mo naman ako oh! Gusto ko sanang.. mag paputok ulit ng mga fireworks... kasama ka."
   Napaisip si Ayna. Sssama ba siya kay Troy? Anong binabalak ni Troy? "Troy, I'm sorry. Pero.. may lakad pa kasi ako eh. May iba pa akong pupuntahan." Palusot ni Ayna.
   Naging malungkot ang mukha ni Troy. "Ganun ba? Naiintindihan ko. Maybe, next time na lang."
   "Alright." Malamig na sagot ni Ayna at pagkatapos ay tuluyan na rin itong lumabas ng coffee shop na iyon.
   Wala nang ibang nagawa si Troy kundi pagmasdan na lang si Ayna na lumabas ng coffee shop. Gusto niya itong pigilan pero hindi niya nagawa. Gusto na niyang humingi ng tawad ngunit nag aalangan siya na baka galit pa rin si Ayna sa kanya at hindi pa ito ang tamang oras.

My Ghost GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin