GIFT FROM HEAVEN

2K 75 18
                                    

CHAPTER 32

   "Wowwwwwww!! Ang sarap sarap talaga ng luto ng Misis ko! Napaka swerte ko talaga! Ang swerte swerte swerte ko! Wooh!" Masayang binanggit ni Andrei pagkatapos niyang tikman ang mga pagkain na niluto pa ni Catherine para sa kanya.
   Madaming pag kain ang nasa ibabaw ng lamesa, iba't ibang potahe ng ulam at matatamis na desserts.
   Hindi sumagot si Catherine. Nakangiti lang ito habang tinitignan ang kanyang Boyfriend.
   Hinawakan ni Andrei ang mga kamay ni Catherine. "Thank you for everything Catherine. I'm so blesed because of you, you’re the best gift that I ever eveeer had in my life. Wala ng hihigit sayo Catherine. Mahirap makahanap ng tulad mo. You are the reason behind my smile."
   "Hmm.. mahirap talaga makahanap ng tulad ko dahil isa akong Beautiful Ghost."
   "Nope. kakaiba ka dahil.. hnm.. kung baga PERFECT in my life. Sabi ko nga di ba, hinding hindi na kita pakakawalan Catherine. Kung wala ka, hindi ako magiging ganito kasaya sa buhay ko, kung wala ka parang di kumpleto ang buhay ko. Kung wala ka wala akong inspiration ngayon sa buhay ko, INSPIRED nga eh. You always make me smile, kahit sa maliliit na bagay, sa pangungulit mo sa akin, sa mga maaarte mong salita.. Parang kang magic sa buhay ko. Isang ILOVEYOU mo lang, sobrang naka smile na ako. Salamat Catherine sa pagmamahal mo sa akin, sa pag aalaga mo sa akin, sa pagpapalakas ng loob, hinding hindi ako mawawala sayo. Kahit anong mangyari. AKIN KA LANG ha?"
   "Opo, Sa'yo lang ako forever! Mahal na prinsipe."
   Muling napangiti si Andrei. "Nakikita mo ba itong smile sa mukha ko? From the moment I know you until this very moment, you never cease to put smile on my face. I want this feeling to last until forever and if forever isn’t enough, I would cross oceans just to extend it. Your smile brighten ups my day, your voice makes my bad mood away and I find it very cute when you say MAHAL NA PRINSIPE, BONGGA.. Tss.."
   "Thank you din because you are always there and you love me and I thank God because he gave me more than I asked for. I love you Mahal na prinsipe."
   Inilagay ni Andrei ang isang kamay ni Catherine sa kanyang dibdib. "We are still in the beginning of our journey mahal na prinsesa. Many trials, problems, complications, and people that will try to break us apart. But I know we can stand all of it as long as we have each other, love each other and hold each others heart. At kung dumating na ang oras na bumalik ka na sa iyong katawan at hindi mo na ako maalala, itong puso ko.. ipaparinig ko palagi sayo itong tibok ng puso ko. Dahil makalimutan man ako ng isip mo, hindi naman ako makakalimutan ng puso mo."
   "Promise me, Andrei.. gagawin mo ang lahat para.. para maalala ko ang lahat ng ito. Gagawin mo ang lahat para makabalik ako dito sa bahay mo." Tumingin tingin si Catherine sa buong paligid ng bahay. "...gusto kong bumalik dito. Hindi ko alam kung bakit pero parang sobra na akong napa mahal sa bahay mo."
   "Oo na. Gagawin ko ang lahat and I promise that. Wala ka bang tiwala sa akin?"
   "Meron naman. Pero.."
   Hindi na nakapag patuloy sa pagsasalita si Catherine nang bilga siyang hinalikan ni Andrei sa labi.
   "Wala ng pero pero. Basta. Huwag kang mag alala. Ibabalik kita dito sa bahay ko. Ibabalik ko si Jeho dito. Magiging isang masayang pamilya tayo dito kasama si Yaya Teressa." Nakangiting sagot ni Andrei.
   Tumunog ang cellphone ni Andrei.
   "...tss. Istorbo naman ito." Nasabi ni Andrei at pagkatapos ay kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
   Nag taka siya nang makita ang pangalan ni Troy sa screen ng kanyang cellphone. Tumatawag ito.
   Agad niya itong sinagot. Pinindot pa niya ang loudspeaker para marinig ni Catherine ang kanilang magiging usapan.
   "Hello, Troy? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ilang beses kitang tinawagan at tinext ha? Anong problema? Galit ka ba sa akin Troy?"
   "Andrei! Makinig ka sa sasabihin ko. Kasama ko ngayon ang katawan ni Catherine."
   Nanlaki ang mga mata ni Andrei.
   Ganun din si Catherine. "Ano daw?"
   "...kasama ko ngayon si Catherine. Andrei, nagawa ko siyang itakas sa mga kamay nina Marcos at Rica!"
   "Troy, an.. anong ibig mong sabihin? Pa.. paano mo nalaman ang mga.."
   "Andrei! Wala na tayong oras! Puntahan mo kami dito sa Quezon Province! Dito sa Daigan Street, dulo ng province na ito."
   "Teka lang Troy, sagutin mo muna ang tanong ko. Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"
   "*ang ina Andrei! Wala ng oras! Hinahanap kami ngayon nina Marcos at Rica, wala akong ibang mapuntahan! 2% na lang din ang battery ng cellphone ko! Hindi ko na magagawang tumawag ng mga pulis, kaya ikaw na ang humingi ng tulong sa kanila! Mamaya ko na ikukwento sayo ang lahat pag nagkita na tayo!"
   "Troy, pupunta ako ngayon diyan kasama ang kaluluwa ni Catherine. Mag iingat ka diyan. Saan kayo mismo nag tatago?"
   "Dito sa.."
   Toot.. toot.. toot..
   Naputol na ang linya.
   "Damn it! Damn it!" Nabanggit ni Andrei. "Mukhang na lowbat na siya!"
   Hindi naman makapag salita si Catherine. Masyado yata itong nabigla sa mga nalaman.
   "Catherine, ito na ang tamang oras!"
   Napa buntong hininga muna si Catherine. "Hayy.. sa wakas. Nakita na ang katawan ko, mabubuhay na ako Andrei! Mabubuhay na ako.."
   Hinawakan ni Andrei ang mga pisngi ni Catherine. "Kaya natin ito, okay? Wala na tayong oras. Kailangan na nating puntahan si Troy doon. Kailangan na natin mailigtas ang katawan mo bago pa tayo maunahan ng step father mo."
   "Opo, Mahal na prinsipe."

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now