PRICE IS RIGHT

2.4K 42 10
                                    

CHAPTER 17

****************

SEPTEMBER 26, 2016.
7:25 pm

   Nasa loob ng kotse sina Marco at Anna. Naka park lang ang sasakyan nila sa likod ng Heaven Bar.
   "Hanggang kelan tayo ganito?" Seryosong tanong ni Marco.
   "Anong ibig mong sabihin Marco?" Tanong ni Anna.
   "Hanggang kelan tayo ganito? Hanggang kelan mo ako itatago Anna? Halos anim na buwan na tayong ganito.. nag tatago."
   "Hindi ko alam."
   "Paanong hindi mo alam?"
   "Tatanungin kita Marco. Kayo ba ni Catherine? Nag break na ba talaga kayo?"
   "Matagal na akong nakipag break sa kanya Babe."
   "Paanong matagal na? Eh bakit lagi ka niyang tinatawagan? Bakit lagi kayong nag uusap sa cellphone?"
   "Anna naman. Wala ka bang tiwala sa akin?"
   "Sagutin mo ang tanong ko Marco. Kayo pa ba ni Catherine?"
   Napa buntong hininga si Marco bago ulit nagsalita.. "Nakipag break na ako sa kanya. Matagal na. Si Catherine lang itong habol ng habol sa akin. Gabi gabi daw na umiiyak si Catherine. Halos araw araw daw eh hinahanap niya ako. So palagay mo ba? Bilang ex boyfriend niya? Madali ba sa akin na iwasan siya? Oo. Hindi ko na siya mahal at ikaw na ang mahal ko. Pero bilang tao.. Anna, naaawa din ako sa kanya. Babae din ang Nanay ko kaya kung maaari ay ayaw kong makasakit ng babae." Paliwanag ni Marco.
   "Ganun ba? Edi balikan mo siya."
   Hinawakan ni Marco ang kamay ni Anna. "Yun nga ang problema ko. Ang sabi ni Senji ay balikan ko daw si Catherine pero.. pero hindi ko kaya eh. Paano ako makikipag balikan sa kanya kung ikaw na talaga ang mahal ko? Paaano? Isipin mo ito Anna.. Kung babalik ako kay Catherine.. siya lang ang masasaktan ko sa huli dahil mahihirapan lang siya na mahalin ako. Bakit? Kasi ikaw na ang nandito sa puso ko."
   Paniwalang paniwala si Anna sa mga palusot ni Marco. Hinawakan niya ang pisngi ni Marco. "I'm sorry."
   "Kaya Babe. Maniwala ka na sa akin. Okay? Nakipag break na ako sa kanya. Matagal na iyon. Hindi ko na nga maalala kung kelan eh. Sa tuwing mag kasama kami ay isipin mo na lang na.. na para sa atin itong ginagawa ko. Dinadahan dahan ko lang si Catherine at masasanay din siya eventually. Okay?"
   "Pero ipangako mo sa akin Marco na totoong nakipag break ka na sa kanya."
   "I promise. Nakipag break na ako kay Catherine. Eh ikaw? Kelan ka makikipag break kay Andrei?"
   Napa lunok ng laway si Anna. "Marco.."
   "Kelan ka makikipag break sa kanya?"
   "Marco kasi.. hindi madaling iwan si Andrei.. hindi ko rin alam kung ano ang mga ipapaliwanag ko sa kanya eh."
   "Edi sabihin mo sa kanya na may iba ka na. Ipakilala mo ako."
   "No.. Marco. Please."
   "Okay? Edi huwag mo na lang ako ipakilala sa kanya. Sabihin mo na lang na.. na may iba ka ng mahal at hindi mo na siya mahal. Easy as that!"
   "Thats not gonna be easy Marco. Kilala ko si Andrei. Aalamin niya ang lahat kung bakit at paano at kung sino. Kukulitin lang ako ni Andrei."
   Naging malunkot ang mukha ni Marco. "Tss.. it isn't fair. Nakipag break na ako kay Catherine pero.. pero ikaw? Kelan? Gusto ko nang mabuhay tayo ng normal.. yung nayayakap kita at nahahawakan ko ang kamay mo in public. Yung mga nagagawa namin ni Catherine dati.. gusto ko nang gawin sa'yo pero.. hanggang kelan tayo ganito? Hanggang kelan mo ako itatago?"
   "Marco naman.."
   "Please Anna. Nahihirapan din naman ako eh."
   "Oh sige. Sisimulan ko na tonight. Makikipag cool off muna ako sa kanya dahil alam kong hindi niya kakayanin kapag binigla ko siya. Okay?"
   "An.. ano naman ang ipapaliwanag mo kay Andrei?"
   "Ako na ang bahala mag rason sa kanya. Ako na ang bahalang mag paliwanag. You just have to trust me because I trust you Marco. Okay?"
   "Okay. Sige. Basta.. Baby. Makikipag cool off ka muna sa kanya then later on makikipag break ka na. Okay?"
   Ngumiti si Anna. "Okay."
   At hinalikan nila ang isat isa.
   Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Marco. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya. "Babe. Wait lang ha? Babasahin ko lang yung text."
   Halata naman sa mukha ni Anna ang pagkadismaya. Halatang nabitin siya sa halikan nilang dalawa ni Marco.
   "Anna. Nag text si Catherine eh. Nasa loob na daw siya ng heaven bar."
   "Tsk. Edi pag hintayin mo siya! Mas pipiliin mo pa ba ang ex girlfriend mo kesa sa girlfriend mo?" Masungit na sinabi ni Anna.
   "Anna naman. Please understand. Okay? May sasabihin lang din ako sa kanya." Tumingin si Marco sa suot na relo bago ulit nag salita. "Mag kita tayo mamayang alas onse. Okay lang ba?"
   "At saan naman tayo pupunta mamaya?"
   "Kahit saan.. gusto mo bang mag check in muna tayo sa heritage hotel mamaya?"
   Napangiti si Anna. "Ikaw talaga. At anong gagawin natin doon?"
   "Secret.. rawrr." Hinalikan ulit si Anna. "Okay Babe. See you later? Pupuntahan ko lang si Catherine."
   "Okay. Bilisan mo ha? Ayoko ng pinaghihintay ako."
   At sabay silang bumaba ng sasakyan.
  
...

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now