BORROWED BODY

2.7K 77 3
                                    

CHAPTER 7

   Mabilis na tumatakbo si Catherine papunta ng school. Malayo layo pa ang kanyang tatakbuhin bago siya nakarating doon. Narinig niya ang lahat ng mga pinag usapan ni Yaya Teressa at ng Mama ni Andrei na si Charlotte kanina sa cellphone kaya sobra siyang nagmamadali para sabihin iyon kay Andrei.
   Maya maya pa ay may humawak ng kamay niya kaya natigilan siya sa pag takbo. "Saan ka pupunta?" Boses ng isang lalake.
   Nilingon niya ito at nagulat nang nakita niya si Tenjo. "Ten.. Tenjo! Oh my G! Ikaw pala! Pupunta ako ng school ngayon eh! May kailangan akong sabihin kay Andrei!"
   "At ano naman ang kailangan mong sabihin sa kanya? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? May kailangan din akong sabihin kasi sayo."
   "Ano iyon Tenjo? Susunduin mo na ba ako ngayon going to heaven knows or hell hell yow?"
   "Hindi pa Catherine.. pero ang sasabihin ko sayo ay tunkol sa pag kamatay mo! Sa taong pumatay sa'yo."
   "Bakit? Nalaman mo ba kung sino ang pumatay sakin?"
   "Nope. Pero.. narinig ko kanina habang nag uusap ang Mama mo at ang detective. Narinig ko na nawawala daw ang mga cctv records ng heaven bar at crimson hotel na pwedeng makatulong satin na hanapin at malaman kung sino talaga ang pumatay sayo." Paliwanag ni Tenjo.
   Naging malunkot ang mukha ni Catherine. "Ibig sabihin ay.. sinasadya talaga ng taong iyon na patayin ako. Dahil kinuha at tinatago pa niya ang mga CCTV records. Teka.. anong sinabi mo? Sa heaven bar?"
   "Oo. Sa heaven bar nga."
   "Heaven bar??? Doon ako nalasing.. tama ba?"
   "Iyon ang sinabi ng detective tapos.. may lalakeng matankad daw na nag sundo sayo at dinala ka sa crimson hotel. May naalala ka na ba?"
   "Hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Pero sigurado akong si Marco ang nagdala sa akin sa crimson hotel." Napabuntong hininga si Catherine. "Pero kung siya ang pumatay sakin.. bakit? Para saan? Hindi ko maintindihan. Kaya.. kailangan ko si Andrei, kailangan ko siya. Siya lang ang taong pwedeng makatulong sa akin sa pag tuklas sa taong pumatay sa akin."
   "Ano ba ang dapat mong sabihin kay Andrei at sobra kang nag mamadali?" Tanong ni Tenjo.
   "Narinig ko kanina ang Yaya at ang Mama niya na nag uusap sa cellphone. Narinig ko na dadalhin na ng Mama niya si Andrei papunta ng U.S at doon na sila titira."
   "Paano mo naman pipigilan si Andrei? Eh ayaw na ayaw ka nga niyang nakikita?"
   "Tulad ng sinabi ko sayo Tenjo. Hindi ako susuko. At hindi ako sumusuko! Gagawin ko ang lahat para.. para matulungan niya ako!"
   "Mabuti kung ganun." Sagot ni Tenjo. At pagkatapos ay pumalakpak ng dalawang beses. Ang buong paligid nila na kalsada ay biglang nabago.
   Ikinagulat ito ni Catherine. "Te.. teka? Nandito na tayo ka agad sa school??? Nag teleport ulit tayo??"
   "Yup. Hanapin mo na si Andrei. Sabihin mo na sa kanya ang mga dapat mo nang sabihin."
   "Maraming salamat Tenjo. Hulog ka talaga ng langit sakin!"
   Napangiti si Tenjo. "Literal akong hulog ng langit sa'yo dahil ako ang guardian angel mo."
   Napatingin sa malayo si Catherine. Napansin niya ang lalakeng nakabonet na mabilis na tumatakbo. May hawak itong baseball bat na may dugo.
   Kinabahan si Catherine. "Tenjo! Tignan mo iyon! Tignan mo ang lalakeng iyon!"
   Tinignan ni Tenjo ang tinuturo ni Catherine. "Mukhang may ginawa siyang masama kaya nagmamadali siyang tumatakbo."
   "Tenjo. Kinakabahan ako. Parang nasa panganib ang buhay ni Andrei ngayon!" Sagot ni Catherine.
   Nagkatinginan sa isat isa sila Catherine at Tenjo bago sila tumakbo para sundan ang lalakeng naka bonet.
   Pero hindi pa sila nakaka layo ay biglang napahinto si Tenjo sa pag takbo. "Catherine. Teka lang! Ako na ang susunod sa lalakeng naka bonet na iyon. Puntahan mo ang lugar na pinangalingan niya. Doon siya galing sa locker room ng mga lalake! Icheck mo kung anong meron o kung may napahamak. Icheck mo kung meron nasaktan."
   "Paano kung.. may nasaktan nga? Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng sumigaw dahil walang makakarinig sakin! Paano akong makakahingi ng tulong??"
   "Ahmm.. ahmm.. Tama! Sumapi ka sa ibang katawan ng tao!"
   "Anoo?? Paano ko naman gagawin iyon? Hindi ko pa nagagawa ang sinasabi mo Tenjo! Never pa talaga!! Goshh naman. Never ever pa."
   "Basta. Pumasok ka lang sa katawan ng ibang tao! Pumikit ka o kaya mag focus ka! Catherine. Wala na tayong oras! Baka maka layo na ang lalakeng nakabonet!" Sagot ni Tenjo at pagkatapos ay mabilis na tumakbo papalayo para sundan ang lalakeng naka bonet.
   "Tenjo!!! Teka lang!!!" Sigaw ni Catherine pero hindi na siya pinansin ni Tenjo.
   Napatingin si Catherine sa pintuan ng locker room. Kinakabahan siya pero para bang may tumutulak sa kanya na pumasok sa loob nito.
   Dahan dahan siyang pumasok. Nakita niya ang mga patak ng dugo mula sa baseball bat na hawak ng lalakeng naka bonet.
   Nang tuluyan na siyang naka pasok ay gumimbal sa kanya si Andrei na nakahiga sa sahig, walang malay at duguan.
   "Andreiiiiiiiii!!!!" Napa sigaw siya at lumapit kay Andrei. "Andrei! Gumising ka! Gumising ka! Anong.. anong nangyari sayo!!?" Sigaw ni Catherine habang sinasampal sampal ang mukha ni Andrei.
   Nakita ni Andrei na sa likod ng ulo ni Andrei nagmumula ang dugo. "Damn it! Andrei! Gumising ka."
   Unti unting minumulat ni Andrei ang mga mata niya. "Catherine? An.. anong ginagawa mo dito?"
   "Andrei. Anong nangyari sayo? Huwag kang matutulog okay? Huwag kang pipikit. Dito ka lang. Okay? Lalabas ako para.. para makahanap at makahingi ng tulong."
   Kahit duguan ay nagawa pa ni Andrei na ngumiti. "Ca..catherine. Mu.. multo na ba ako? Patay na ba ako?"
   "Baliw! Hindi pa. Huwag mong ipagdasal na mamatay ka."
   "Ca..cathe..rine. Gu.. gusto kong tikman yung.. breakfast na nilagay mo sa.. sa lunchbox ko.."
   "Alam mo Andrei ang O.A mo na! Oh best actor!! James Reid! Basta huwag kang pumikit! Maghahanap muna ako ng.. Andrei?? Andrei gumising ka!"
   Hindi na mapigilan ni Andrei ang mga mata niya na pumikit.
   Napatayo si Catherine. "Anong gagawin ko? Anong gagawin ko!" Tanong niya sa sarili at pagkatapos ay lumabas ng locker room para maka hingi ng tulong.

My Ghost GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora