BROKEN HEARTS

4.1K 83 4
                                    

CHAPTER 2

   "Saan nga tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin Andrei???" Tanong ni Catherine kay Andrei. Habang si Andrei naman ay hawak hawak ang kamay ni Catherine habang mabilis silang naglalakad papalayo.
   "Basta. Tumahimik ka na lang! May pupuntahan tayo!" Sagot ni Andrei.
   Kinabahan si Catherine sa sinabi ni Andrei. Agad siyang nag pumiglas hangang sa mabitawan ni Andrei ang kamay niya.
   "Don't tell me Andrei. Dadalhin mo ako sa hotel? No no no!" Tanong ni Catherine at pagkatapos ay tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanyang dibdib. "Hindi pwede. Ayoko! Ayoko! Huwag mo akong pilitin! Huwag na huwag. Gusto mo bang sumigaw ako ng rape dito?"
   Natawa naman di Andrei. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo Catherine, hindi kita type. Okay?"
   "Fine! Hindi mo ako type. Pero walang pinipili ang mga lalakeng horny, malib.."
   "Excuse me? Kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo, hinding hindi ako maglalaway sayo!" Sagot ni Andrei.
   "Eh bakit ba kasi hindi mo sabihin sakin kung saan mo ako dadalhin ng matapos na itong usapan na'to at para sumama na ako sayo."
   Nag buntong hininga si Andrei bago sumagot. "Hindi ka ba talaga sasama sakin kung hindi ko sasabihin sayo kung saan tayo pupunta?"
   "Hindi ako sasama sayo."
   "Hindi ka talaga sasama?"
   "Hindi!"
   "Hinding hindi talaga?"
   "Hindi nga!" Si Catherine.
   "Alright." Sagot ni Andrei at pagkatapos ay mag isang naglakad papalayo.
   Wala naman magawa si Catherine kundi tignan na lang si Andrei na maglakad papalayo sa kanya.

...

   Tahimik na nag mamaneho si Marco ng sasakyan habang si Anna naman ay tahimik din na nakaupo sa passenger's seat. Hindi nag iimikan ang dalawa. Walang gustong magsalita.
   Malalim ang iniisip ni Marco habang nag mamaneho. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya, hindi niya malaman kung dapat ba siyang magalit o mainis sa mga nangyayari. Naguguluhan na rin siya.
   "Paano nangyari na nakita at naka usap ni Anna si Catherine? Hindi kaya.. hindi kaya.. hindi pwede. Hindi pwedeng si Catherine ang nakausap niya. Pero.. paano? Paano?" Tanong ni Marco sa sarili.
   Galit at pagkainis naman ang nararamdaman ni Anna habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
   Nabasag na lang katahimikan sa loob ng sasakyan nang biglang may tumawag sa cellphone ni Anna. Agad naman niya itong sinagot.
   "Hello Troy? Bakit?"
   "Ah.. wala naman. Itatanong ko lang sana kung.. kung.. ano eh. Kung nakita mo si Andrei today?"
   "Ha? Hindi eh. Bakit?"
   "Wala naman. Magkasama kasi kami kanina dito sa school. Meron lang kaming one hour break, pero mag dadalawang oras na siyang nawawala."
   "Ganun ba? Baka naman umuwi na?"
   "Hindi ko alam. Baka nga. Salamat Anna. Ang sabi niya kasi sakin kanina eh pupuntahan ka daw niya sa building nyo kaya ikaw agad ang tinawagan ko. Pero baka nga umuwi na s.."
   "Troy. Cool off kami. And soon, mag bebreak na kami. Kaya huwag mo na akong tanungin regarding Andrei. Okay?"
   "Ah.. okay. Sorry."
   "It is okay." Sagot ni Anna at pag katapos ay binaba ang linya.
Napabuntong hininga si Anna at muli ulit tumingin sa bintana. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya nag pag aalala kung nasaan si Andrei.
   Bigla naman din nagsalita si Marco. "Babe. Gusto mo ba munang kumain bago kita ihatid sa inyo? Nagugutom na kasi ako."
   "Bakit hindi si Catherine ang yayain mong kumain? Siya naman ang girlfriend mo diba?" Mataray na sagot ni Anna.
   "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na wala na kami!"
   "Marco! Ikaw lang yata ang nakakaalam na break na kayo eh! May closure ba? Tell me! Ang gusto ko, mag break kayo!"
   "Hindi pa ba pakikipag break ang ginawa ko sa kanya Anna?" Sagot ni Marco. Sa sobrang inis ni Marco ay inihinto niya bigla ang minamanehong sasakyan sa tabi ng daan. Tumingin kay Anna bago nagsalita. "Anna. Babe. Please? Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. At totoong wala na kami, maniwala ka naman sakin oh."
   Napa buntong hininga na lang si Anna. Tumingin sa mukha ni Marco bago nagsalita. "Hindi ko alam kung maniniwala ako sa'yo. Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala sayo."
   "Alam mo Anna? Gutom lang yan. Kumain muna tayo at pagkatapos natin kumain ay pupunta tayo sa favorite place mo. Okay?" Nakangiting sinabi ni Marco.
   "Bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mong gawin." Mataray na sagot ni Anna.

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now