LOVING A GHOST

1K 29 7
                                    

CHAPTER 45

   "Hello? Rica. Mission accomplished." Seryosong sinabi ni Jeho kay Rica sa cellphone.
   "Alright. Good Job. And I knew it, hindi ka papalpak sa mga planong inutos ko sa'yo." Si Rica mula sa kabilang linya.
   "Maari na ba akong umuwi ha? At maari mo na bang.."
   "Oooops. Hindi pa tayo tapos, Jeho."
   "An.. anong ibig mong sabihin na hindi pa tayo tapos?"
   "Gusto kong patayin mo silang dalawa diyan!"
   "Ano??" Napalunok ng laway si Jeho.
   "Patayin mo si Pong at si Anna."
   "Paano kung ayoko?"
   "Paano kung hindi mo ako susundin? Edi mapapahamak ang kapatid mong si Andrei.. pati na rin ang Yaya mo."
   "Pwede ba Rica? Tama na! Tama na ang mga kasamaan na ito! Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko! Huwag na huwag mo din idadamay si Yaya Teressa dito!"
   "Madali naman akong kausap kung sasabihin mo lang naman sa akin kung nasaan si Catherine eh?" Gaya ng ginawa ni Rica kay Senji, hawak niya sa leeg si Jeho. Ginagamit ni Rica sina Andrei at Yaya Teressa para sundin ni Jeho ang lahat ng kanyang mga ipag uutos.
   Napahinto si Jeho. "Hindi ko nga alam kung nasaan si Catherine. Ni hindi ko nga kilala ang sinasabi mong iyan eh!" Palusot ni Jeho.
   "Talaga? Wala ba talaga sa bahay niyo? Paano kung.. ako mismo ang mag check ng bahay niyo para hanapin si Catherine?"
   Kinabahan si Jeho. Ano ang dapat niyang gawin? Nakatira si Catherine sa bahay nila, pero dapat na ba niyang sabihin iyon kay Rica? Pero alam niya ang mangyayari sa oras na sabihin niya iyon kay Rica, papatayin ni Rica si Catherine.
   Pero paano naman sina Andrei at Yaya Teressa? Sila naman ang mapapahamak kung hindi niya sasabihin kay Rica ang totoo.
   Muling sinilip ni Jeho sina Pong at Anna sa baba ng bahay. Naroon pa rin ang dalawa, nagpapakabasa sa ulan.
   Kung papatayin na niya ngayon din sina Pong at Anna, matatapos na ang usapan nilang dalawa ni Rica. Hindi na mapapahamak si Catherine, Si Andrei o kaya naman si Yaya Teressa.
   "Buwahahahahahaha! Buwahahahahahahahahahahaha!" Humahalakhak na naman na para bang dimonyo si Rica mula sa kabilang linya.
   Inilabas ni Jeho ang kanyang baril mula sa kanyang bulsa. Itinutok iyon mismo sa ulo ni Pong.
   "Pa.. patawarin mo ako, Pong." Napapapikit na lang si Jeho. Pinag papawisan ng malamig, nanginginig ang mga kamay.
   "Shoot them Jeho, don't be scared. C'mon. Shoot them!"
   Naguguluhan na si Jeho. Hindi alam ang kanyang gagawin.
   "Patayin mo na sila! Patayin mo na! Ngayon na Jeho! Ngayon na!"
   Idinilat ni Jeho ang kanyang mga mata. Ibinaba ang baril at pagkatapos ay pinatay ang kanyang cellphone.
   Nasa isip man niya na maaring mapahamak sina Andrei at Yaya Teressa, maari naman na may iba pang paraan para makatakas sa mga kamay ni Rica.
   "Tama na, na nadungisan ang mga kamay ko. Ako ang nag libing ng buhay kay Senji, tama na ang isang beses na sinunod ko siya. Ka.. kailangan ko ng umuwi. Andrei, Yaya Teressa. Hin.. hintayin niyo ako." Binanggit ni Jeho sa kanyang sarili at pagkatapos ay mabilis itong tumakbo at lumabas sa abandonadong bahay na iyon.

...

   Gabi na at hindi pa rin umuuwi ng bahay sina Andrei at Catherine.
   Nag pasya muna silang pumunta sa isang sikat na people's park malapit sa village nila Andrei.
   Nakahiga ang dalawa sa mga bermuda grass, mag katabi, mag kahawak ang mga kamay habang nakatingin sa langit.
   Pinag mamasdan nilang dalawa ang mga bituin, sinusulit ang araw na itinuturing nilang isang DATE.
   Wala silang kaalam alam sa mga nangyayari, na pati ang mag inang sina Fatima at Senji ay patay na rin dahil sa kagagawan ni Rica.
   "Catherine, bukas na ng umaga ang libing ng Mama mo. Umuwi na tayo, para makapag pahinga ka na at maka tulog tayo ng maaga." Mahinahon na sinabi ni Andrei habang nakatingin sa langit.
   Maganda ang panahon, walang ulap kaya kitang kita nila ang bilog na bilog na buwan pati na rin ang mga bituin sa gilid nito.
   "Ayokong pumunta sa libing ng Mama ko." Malamig na sagot ni Catherine.
   Tinignan ni Andrei ang mukha ng kanyang ghost girlfriend. "Ayaw mong pumunta sa libing mismo ng Mama mo? Pero Catherine naman. Ba.. bakit?"
   "Basta. Ayoko lang. Dahil hindi naman siya ang Mama ko. Katawan lang iyon ng Mama ko, nandoon ang Mama ko!" Habang nakahiga, tinuro ni Catherine ang langit.
   "Ahh.. tama ka, nasa Langit na ang Mama mo. I wonder, ano kaya ang itsura ng langit?"
   "Hmm. Ilang beses na akong pabalik balik sa Purgatoryo, sobrang ganda doon Andrei. Sobra! Hindi ko maipaliwanag. So what if pa kaya sa Langit? Ang sabi nila, wala ng mas gaganda pa sa langit."
   "Kaya kung iisipin mo, ang Mama mo, Si Ashley, Si Marco.. hindi mo maituturing na malas sila, maswerte sila dahil nasa langit na sila ngayon."
   "Andrei, ayoko pang umuwi sa bahay niyo." Seryosong sinabi ni Catherine.
   "Ba.. bakit naman?"
   "Alam kong may nangyari na namang hindi maganda. Nararamdaman ko iyon. Kaya ayokong malaman muna, ganito muna tayo Andrei. Ganito muna tayo, masaya, walang problema, sandaling nakakalimutan ang mga sakit at hapdi, nakakalimutan ang realidad dito sa Mundo." Mula sa pagkakahiga ay umupo si Catherine.
   Umupo din si Andrei.
   "...Andrei, masama ba maging selfish?"
   "Pa.. paano ka naman nagiging selfish?"
   "Dahil ginusto ko pa rin na makasama ka kahit aware tayong dalawa tungkol sa sumpa."
   "Pero wala ka na sa katawan mo, wala ng sumpa."
   "Paano kung hindi napuputol ang sumpa?"
   Napa lunok ng laway si Andrei. Hindi ito makapag salita.
   "...Andrei, patawarin mo ako.  Patawarin na rin sana ako ng mga taong nasa paligid natin, patawarin nawa ako ng Langit pero gusto kitang makasama. Mahal na mahal kita at magiging selfish ako ngayon, hindi ko muna iisipin ang sumpa."
   Pinunasan ni Andrei ang mga luha ni Catherine. "Huwag kang mag alala, mahal na mahal kita at hindi na tayo mag kakalayo. Kahit ang sumpa ay hindi tayo mapag hihiwalay. Okay?"
   Muling tumingin ang dalawa sa langit.
   "Ang ganda ng buwan." Pinilit na ngumiti ni Catherine.
   "Kasing ganda mo."
   "Talaga? Kasing ganda ko ang buwan?"
   "Yup." Hinigpitan ni Andrei ang pagkakahawak niya sa kamay ni Catherine. "Catherine, huwag naman sanang mangyari ito pero.. sa oras na wala na ako.. at sa oras na nalulungkot ka at nag iisa. Tignan mo lang ang buwan, okay?"
   "Titingin ako sa Buwan?"
   "Yup. Isipin mo na ako ang buwan. Kahit saan ka mag punta, naroon lang ako."
   "Andrei, huwag mo akong iiwan."
   "Hanggang sa makakaya ko, hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi tayo mag kakalayo, lalaban ako at gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita. Catherine, mahal na mahal kita. Hinding hindi ako mag sasawa na sabihin sa'yo na mahal na mahal kita dahil mahal na mahal talaga kita."
   Ang kaninang umiiyak si Catherine, ngayon ay nakangiti na dahil sa mga matatamis na salita na kanyang naririnig mula kay Andrei. "Mahal mo talaga ako ha? Sabi mo iyan ha?"
   "Oo! Gusto mo bang isigaw ko pa dito?"
   "Huwag na. Pagkakamalan ka lang nilang baliw."
   "Eh totoo naman eh! Baliw naman talaga ako simula nang nakilala kita. Baliw na baliw na ako sa'yo."
   "Hehe! Grabe ka naman. Sige nga, kung baliw ka. Kaya mo bang umiyak habang tumatawa?"
   "Ayan na naman tayo eh. Gusto mo na naman na pag laruan ako." Kinurot ni Andrei ang isang pisngi ni Catherine. "Pero kahit ilang beses mo akong paglaruan, hinding hindi pa rin kita iiwan. Dahil, mahal na mahal kita."
   Walang kaalam alam ang dalawa na nasa likod lang nila si Ayna.
   Lubos na nag tataka.
   Hindi kasi naka bukas ang third eye nito, hindi niya nakikita si Catherine.
   Iniiisip na nagsasalita mag isa si Andrei.
   "Huwag mong isipin na baliw siya." Boses naman ni Troy mula sa likuran ni Ayna.
   Napalingon si Ayna. Si Troy nga ang nasa kanyang likuran, nakatayo ito habang nakatingin sa kanya. Pero ang kapansin pansin kay Troy ay ang hawak nitong chocolate ice cream.
   Nag taka si Ayna, napaisip, naalala niya ang mga nakaraan. Doon din sa park na iyon, unang nag date at nag kaayos silang dalawa dati, pati ang chocolate ice cream na binili niya at ibinigay kay Troy. Naalala niya na halos mamatay na si Troy dati nang pinakain niya ito ng chocolate ice cream dahil meron pala itong allergy sa chocolates.
   Lumapit si Troy kay Ayna.
   Seryoso ang mukha at muling tumingin si Troy kay Andrei. "Akala ko din dati... na nababaliw na ang kaibigan kong 'yan."
   "Kung hindi siya baliw? Ano siya? Bakit nag sasalita siya mag isa?"
   "Hindi mo ba naaalala ang naikwento ko sa'yo dati? Na may girlfriend na multo si Andrei?"
   "Naaalala ko. Naikwento rin sa akin 'yon ni Catherine at pinag pipilitan niyong si Catherine ang multong girlfriend ni Andrei! Paano ako maniniwalang multo si Catherine eh buhay nga siya di'ba?"
   Kumunot ang noo ni Troy. Paano niya nga ba ipapaliwanag kay Ayna ang lahat. "Ayna, makinig ka. Totoo ang sinasabi ko. Minsan na naging multo si Catherine nung na comatose siya, muli siyang nabuhay at bumalik sa kanyang katawan dahil nailigtas ko siya sa mga kamay ni Rica. Nailigtas namin si Catherine. Ngayon, hindi ko alam kung bakit nahiwalay muli ang kaluluwa ni Catherine sa kanyang sariling katawan. I have no idea."
   Huminga ng malalim si Ayna. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya. "Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa'yo. Dahil minsan na rin ako naniwala sa'yo pero sinaktan mo ako."
   "Hindi ko gustong saktan ka, Ayna!"
   "Pero sinaktan mo ako. Nag bitaw ka ng mga hindi magagandang salita, pinagtabuyan mo ako na parang aso!"
   "Kung hahayaan mo lang sana akong ipaliwanag ang side ko Ayna! Miintindihan mo ang naging kalagayan ko nung sinabi ko sa'yo ang mga salitang iyon sa cellphone!" Seryosong sagot ni Troy.
   Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagawang ipaliwanag kay Ayna ang dahilan kung bakit niya ito pinag tabuyan, dahil gusto niyang maiwas sa gulo si Ayna laban kay Rica.
   "Ayokong makinig sa'yo. Alam kong kalokohan na naman iyan! Kinukuha mo lang ulit ang loob ko. Ganyan naman kayong mga lalake di'ba? Lalong lalo ka na! Troy!"
   "Ayna, please. Hayaan mo naman akong magpaliwanag oh! Totoong ginusto na kita, totoong minahal na kita." Maluha luhang sagot ni Troy.
   Napalunok ng laway si Ayna. Sa totoo lang ay lumalambot na ang kanyang puso dahil sa sobrang tagal na panahon na rin ang panunuyo sa kanya ni Troy. Naaawa na siya sa lalake. Pero pinipilit niyang maging pusong bato upang hindi na muling masaktan. "Hindi mo ko minahal."
   "Minahal kita, Ayna! Alam mo bang parang dinurog ang puso ko nung gabing pinagtabuyan kita? Nung gabing hinayaan ko na lumayo ka at umuwi ng Korea? Hindi ko nagawang ipaliwanag sa'yo ang lahat dahil kasama ko si Ric.."
   "Tama na! Ayokong makinig sa'yo! Kaya please! Huwag na huwag mo na akong lalapitan! Huwag na huwag mo na akong kakausapin, ni tignan mo lang ako ay huwag na din. Please, Troy. Sariwa pa dito sa puso ko ang mga araw na iyon." Seryoso at lumuluhang sagot ni Ayna.
   "Pero Ayna.."
   Tumalikod si Ayna at nagsimula nang mag lakad papalayo kay Troy.
   "Ayna! Hahayaan mo akong mag paliwanag o kakainin ko ang hawak kong chocolate ice cream?" Lakas loob na tinanong ni Troy.
   Napa hinto si Ayna sa paglalakad.
   Muling napaisip.
   Allergy si Troy sa chocolates at maaring ikamatay ni Troy ang pagkain nito.
   Pumikit si Ayna sa sobrang inis. Hindi alam ang kanyang gagawin.
   Nung dati, siya ang nag pumilit kay Troy na kainin ang binili niyang chocolate ice cream, dahil kung hindi ay siya na ang lalayo. Pero kinain ni Troy ang ice cream na binili niya na naging sanhi ng pagkaka hospital ng ilang araw ni Troy dahil sa allergy sa chocolates. Iyon din ang naging sanhi nang pangalawang pagkakahiwalay ni Troy sa kanyang sariling katawan, at dahilan na maalala ang lahat tungkol kay Catherine, tungkol sa pagpupumilit ni Catherine sa kanya na bumalik sa sarili niyang katawan.
   Huminga ng malalim si Ayna. Muling humarap kay Troy. Galit na galit ang mga mata. "Ano ba kasing gusto mo Troy?" Malakas na isinigaw ni Ayna.
   "Gusto kong hayaan mo akong ipaliwanag sa'yo ang lahat! Bigyan mo ako ng chance! Please? Ayna! Nag mamakaawa naman ako sa'yo oh!" Pasigaw din na sagot ni Troy.
   Pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa people's park din. Ang iba ay kinikilig pa, sumisigaw ng "second chance". Ang iba ay pinapalakas ang loob ni Troy at sumisigaw na "kaya mo yan!",  at iba pa.
   Hindi rin pansin ng dalawa na nakatingin na rin sa kanila si Andrei, kasama si Catherine.
   "Huwag kang choosy girl! Give him a chance! Go go go sago!" Maarteng sinigaw pa ni Catherine kahit alam naman niyang walang ibang makakarinig sa kanya kundi si Andrei lang.
   Wala nang magawa si Ayna. Nahihiya na rin siya dahil halos lahat na ng mga tao doon ay nakapaligid at pinalilibutan na sila.
   Huminga ng malalim si Troy bago ulit nag salita. "Alam mong may allergy ako sa chocolate, at chocolate ang flavor ng hawak kong ice cream. Sa oras na kainin ko ito, maaring ikamatay ko na. Ayna, makinig ka. Mahal na mahal kita!!"
   Nag hiyawan ang lahat ng taong naroon dahil sa sobrang kilig. "Wooooohhhhhh!"
   Ganun din si Catherine. "Ayyy! Nakakakilig! Wooohh! My G! Kantutin na 'yan! Go go go!"
   Nanlaki ang mga mata ni Andrei at napatingin kay Catherine.
   Ngumiti naman si Catherine kay Andrei. "Char Char lang! Ikaw naman mahal na prinsipe! Charot lang iyon! Hindi naman nila ako naririnig no!"
   Nagulat pa ang lahat ng biglang lumuhod si Troy sa sahig. "Ayna, bibigyan kita ng choice. Pag umatras ka, ibig sabihin ay hindi mo ako hahayaan na mag paliwanag at kakainin ko itong ice cream na hawak ko."
   "Troy naman.. ano bang kalokohan ito?" Nag aalalang tanong ni Ayna.
   "...pero may isang choice ka pa. Pwede mong kunin sa akin ito at kainin mo itong ice cream na ito sa harap ng maraming tao. Ibig sabihin 'non ay you're giving me the chance to explain."
   "Troy.. I'm begging you! PLEASE! Don't do this to me!"
   "And I am begging you to give me a chance! Ayna! Please!" Maluha luha nang sinabi ni Troy.
   Hindi makapag isip si Ayna ng ayos, may halong pag kataranta na rin ang kanyang nararamdaman dahil baka biglang kainin ni Troy ang ice cream.
   Pwede naman niyang hintayin na matunaw ang ice cream pero talagang natatakot si Ayna na baka hindi tuluyan na matunaw ang ice cream at bigla na lang kainin ito ni Troy.
   Unti unting inilapit ni Troy ang hawak niyang ice cream sa kanyang bibig.
   "Troy.." Si Ayna.
   Ibubuka na sana ni Troy ang kanyang bibig para kainin ang ice cream nang makita niya na nag lakad papalapit sa kanya si Ayna.
   Hinablot ang hawak na ice cream at pagkatapos ay kinain ito at nilunok ng biglaan na para bang maliit na pagkain. Ni hindi na yata ninguya ni Ayna ang ice cream pati na rin ang apa nito.
   "Bwisit ka!" Galit na sinabi ni Ayna.
   Muling nag hiyawan ang lahat sa sobrang kilig. "Wooohhhhhhh!"
   Ang iba ay nag papalakpakan pa.
   Ang iba ay inilabas pa ang kani kanilang mga cellphone para kuhaan ang dalawa ng videos at pictures.
   Naging masaya ang mukha ni Troy. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod. "Ayna, ang ibig bang sabihin nito ay bibigyan mo na ako ng chance na mag paliwanag?"
   Hindi sumagot si Ayna, namumula ang mukha na para bang nahihiya at hindi maintindihan ang nararamdaman. Hinawakan ang kamay ni Troy at pagkatapos ay hinila ito. Mabilis silang nag lakad papalayo mula sa maraming tao.
   Patuloy na nag sinisigawan ang lahat.
   Patuloy din na kinikilig si Catherine. "Woohhhh! Sabi na eh! Kantutan na 'yan!"
   "Catherine pwede ba?" Si Andrei.
   "Oh! Charot lang ulit! Ikaw naman!"
   "Ang panget kasi sa pandinig eh! Nakakairita! Akala mo kung sino kang birhen! Virgin harap at likod pa ha? Ngek ngek mo! Tss.." Pailing iling ang ulo ni Andrei at pagkatapos ay nag lakad na rin papalayo.
   "Wait lang Mahal Na Prinsipe! Where are you going? Wait for meeee!" Maarteng sinabi ni Catherine at pagkatapos ay mabilis na nag lakad din upang sundan ang kanyang boyfriend na si Andrei.

My Ghost GirlfriendDär berättelser lever. Upptäck nu