SNAKE

2.7K 74 5
                                    

CHAPTER 8

   Tumungga si Andrei ng isa pang alak bago ulit nag salita. "Teka lang ha.. nasa heaven bar ka kasama si Marco at yung Senji nung gabing bago ka namatay. Kelan iyon?"
   "Hmmm.. 4 nights ago Andrei."
   Napa isip si Andrei. "Anong date iyon??"
   "September 26." Sagot ni Catherine.
   "September 26.. yung gabing nakipag cool off sa akin si Anna. Tama! Nasa heaven bar din kami nung gabing iyon! Tama.. tama! Ikaw yung babaeng nakita ko na sobrang lasing na lasing! Tapos.. tapos binuhat ka ni Marco at nung kaibigan niya papalabas ng Bar." Sagot ni Andrei.
   "Nakita mo ako sa bar nung gabing iyon kasama si Marco at si Senji??"
   "Oo. Sigurado akong ikaw yung nakita ko. Nasa loob pa kami ni Anna ng bar nung nakita ko kayo. Napansin kita dahil sobrang lasing na lasing ka.. akala ko nga baliw ka eh. Nasa gitna ka kasi ng dance floor at sumasayaw ka habang umiiyak. May hawak kang bote ng beer."
   Biglang sumakit ang ulo ni Catherine. "Arayyyy... aaaaahh.."
   "Anong nangyari sayo Cathy? Okay ka lang ba??"
   "Ang sakit ng ulo ko.. may.. may naalala na naman ako." Hawak hawak ni Catherine ang ulo niya.
   "Kahit multo ka na ay sumasakit pa rin ang ulo mo?" Tanong ni Andrei.
   "May naalala ako Andrei. Nung gabing iyon. Nasa ginta ako ng dance floor, sumasayaw habang umiiyak ako. May hawak akong bote ng beer. Pero bago iyon, bago ako nag pakalasing ng todo ay dahil iyon kay Marco. Nakikipag break sakin si Marco nung gabing iyon. Nakikipag hiwalay siya sakin dahil may bagong girlfriend na raw siya at sobrang mahal na mahal niya daw iyon. Hindi ko matangap ang mga sinasabi niya sakin kaya nag pakalasing ako ng todo. Pero.. hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari pag katapos ko malasing ng sobra."
   Hinawakan ni Andrei ang kamay ni Catherine. "Tutulungan kita. Huwag kang mag alala. Tutulungan kita lutasin ang misteryo ng pag kamatay mo. Basta, ang naalala ko ay si Marco at yung Senji ang kumuha at nag hatid sayo sa Crimson Hotel. Dapat nilang pag bayaran ang ginawa nila sayo. Dapat silang makulong."
   "Pero Andrei. Wala pa tayong proweba na may kinalaman sila sa pag kamatay ko."
   "Madali lang mag hanap ng proweba Cathy. Yung mga CCTV records ng heaven bar at ng crimson hotel."
   "Andrei. Nawawala ang mga cctv records. Maaring naunahan at tinatago na ni Marco at ni Senji." Malunkot ang mukha ni Catherine.
   "Tss.. huwag ka nang malunkot. Alam kong marami pa tayong mahahanap na pruweba. Hindi lang ang mga Cctv records na iyon."
   "Wala na akong maisip na iba pang paraan Andrei."
   Ngumiti si Andrei. "Uminom ka pa. Samahan mo akong uminom. Mag pakalasing tayo ngayong gabi. Cheers??"
   Ngumiti na lang din si Catherine. "Cheers!!!"
   Nag cheers sila at sabay ulit nilang tinungga ang mga hawak na bote ng beer.
   "Andrei. May dapat ka pa palang malaman."
   Inubos muna ni Andrei ang isang beer at nag bukas pa ng isa pa. "Ano iyon Cathy?"
   "Yung lalakeng pumalo ng baseball bat sayo kanina.. yung lalakeng naka bonet. Alam ko kung sino siya."
   Napalunok ng laway si Andrei. Naging malunkot ang mukha niya. "Ayoko ng malaman kung sino Catherine. Please, huwag mo ng sabihin sakin. Masasaktan lang ako."
   "Pero kailangan mong malaman kung sino."
   "Shhh.. please. Cath."
   "Hindi si Troy ang nag tangkang pumatay sa'yo!"
   Nag taka si Andrei. "Hindi si Troy??"
   "Hindi ko pa nasasabi sayo na meron pang isa na tumutulong sakin para mag imbistiga ng pagkamatay ko. At iyon ang guardian angel ko na si Tenjo. Nahuli niya kung sino ang lalakeng nag hampas sayo ng baseball bat. Si Senji Morales. IT student. 4th year. Yung nakita mong kasama ni Marco nung gabing iyon sa heaven bar."
   "Kung ganon.. hindi si Troy ang nag tanka na patayin ako." Tulala si Andrei.
   "Walang kinalaman si Troy. Pero si Troy ang lalakeng nag sumbong sa mga pulis na may drugs dito sa bahay niyo. Siya rin ang nag sumbong sa mga reporters. Siya rin ang kumuha at nag upload ng mga videos mo sa mga social media. Si Troy din ang nag print ng mga pictures mo sa school. Si Troy din ang nag papadala ng mga letters kay Mrs.Diosmia. Si Troy ang naninira sayo."
   Napa buntong hininga si Andrei. "Bakit ginagawa ni Troy sakin ito? Malaki ang tiwala ko sa kanya. Siya lang ang tinuturing kong kaibigan. Pero.. bakit? I never ever expected na gagawin niya sakin ang mga ganung bagay."
   "Hindi ko alam Andrei. Pero si Marco.. si Marco ang nag utos kay Senji na patayin ka. Buti na lang ay.."
   Hindi na nakapag patuloy sa pag sasalita si Catherine nang bigla siyang yakapin ni Andrei.
   "Andrei.."
   "Maraming salamat Catherine. Maraming salamat."
   "Para saan?"
   Pag katapos yakapin ni Andrei si Catherine ay hinawakan niya ang mga kamay nito. "Maraming salamat sa lahat. Sa mga tinulong mo sa akin. Sa pag ligtas mo sa akin kanina. Salamat."
   "Wala ka dapat ipag pasalamat sa akin Andrei. Ako itong may kasalanan sa'yo. Nang dahil sakin.. napag kakamalan kang baliw ng maraming tao."
   Umiling iling si Andrei. "Wala kang kasalanan. Hindi ko rin kasalanan. Kasalanan nila iyon. Kasalanan nilang lahat."
   Hindi na sumagot si Catherine. Ngumiti na lang siya habang nakatingin kay Andrei.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon