SOMEDAY

2.7K 56 1
                                    

CHAPTER 12

   Halos alas tres na ng madaling araw ay hindi pa rin makatulog si Andrei. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya kasi maalis sa isip niya si Catherine.
   Dahil sa sobrang inis, mula sa pagkakahiga sa kama ay napa upo siya at ginulo ang buhok. "Ano ba! Andrei. Matulog ka na. Madami pa kayong gagawin bukas ni Catherine. Madami pa kayong pupuntahan. Kailangan mo siyang mapasaya!"
   Nag pasyang tumayo si Andrei at tinignan ang sarili sa salamin. "Andrei. Tandaan mo ito. Hindi ka pwedeng mainlove kay Catherine. Hindi pwede. Paano kung.. paano kung bigla na lang siyang sunduin ng guardian angel niya papunta sa langit? Sino ang magiging kawawa? Ikaw. Sa huli.. ikaw din ang magiging kawawa. Ikaw ang magiging talunan. Tandaan mo iyan."
   Inangat ni Andrei ang kamay. Tinignan ang suot na singsing. "Ano pa ba ang silbi ng singsing na ito kung.. wala naman talagang forever?"
   Nag pasyang pumunta muna si Andrei sa balcony para mag paantok. Malamig ang simoy ng hangin. Maganda ang view ng karagatan at bilog na bilog din ang buwan.
   Umupo muna siya saglit para tignan ang buwan. Nag sindi ng isang sigarilyo.
   Maya maya pa ay pumunta din si Ashley sa kabilang balcony. Agad niyang pinatay ang yosi.
   Tinignan niya si Ashley. Halata sa mukha ni Ashley ang lunkot.
   "Bakit gising ka pa?" Tanong niya kay Ashley.
   Nagulat si Ashley. "Ay Titeng malaki!"
   Natawa si Andrei. Tumingin ulit sa buwan. "Haha! Nasaan yung titeng malaki?"
   "Ewan ko sa'yo! Eh bakit ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?"
   "Hindi ako makatulog eh. Ikaw?"
   "Hindi rin ako makatulog." Sagot ni Ashley at tumingin din sa buwan.
   Tumahik ang buong paligid. Tanging ang mga alon lang sa dagat ang naririnig.
   "Catherine."
   "Hm? Ano iyon Andrei?"Tumingin si Ashley kay Andrei. Pansin niya rin na malunkot ang mukha nito."
   "Natatakot ako."
   "Saan ka naman natatakot Andrei?"
   "Natatakot ako kasi.. habang tumatagal.. napapamahal na ako sa'yo. Habang tumatagal.. nababaliw na ako sayo. Natatakot ako na baka dumating sa point na masanay na ako na lagi kitang kasama.. tapos bigla kang mawawala dahil kukunin ka na ng langit."
   Nakaramdam din ng lunkot si Ashley sa sinabi ni Andrei. Ngumiti na lang ito. "Ano ka ba? Edi.. huwag mo na lang akong mahalin. Andrei.. ano.. hmm.. matutulog na ako. Matulog ka na din. Para maaga tayong magising bukas.. para.. madami tayong mapuntahan at madami tayong magawa bukas. Andrei. Goodnight." Sinabi ni Ashley at pagkatapos ay agad na pumasok ng kwarto.
   Tumayo si Andrei mula sa pagkakaupo. Gusto niya sanang pigilan si Ashley pero mabilis itong pumasok sa kwarto niya.
   Nag pasya si Andrei na pumunta sa balcony ng kwarto ni Ashley. Gamit ang sliding window, sinilip ni Andrei kung ano ang ginagawa ni Ashley. Nakita niya itong nakadapa na sa kama at nakatakip na ng unan ang ulo. Pahikbi hikbi ito kaya alam niyang umiiyak si Ashley.
   "I'm sorry. Catherine. I am sorry." Sinabi ni Andrei sa sarili.

...

    Halos isang oras din na pinagmamasdan at binabantayan ni Andrei si Ashley. Mukhang nakatulog na si Ashley sa kakaiyak kaya nag pasya naman si Andrei na pasukin ang kwarto ni Ashley. Hindi naka lock ang sliding window kaya madali lang din nakapasok si Andrei.
   Nilapitan ni Andrei si Ashley. Hinawakan ang kamay nito. "Patawarin mo ako Catherine. Hayaan mo. Makakabawi din ako sa'yo. Hahanapin natin kung sino ang pumatay sa'yo. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay mo. At hanggang nandito ka pa sa lupa.. gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kita."
   Nag buntong hininga si Andrei. Napansin ni Andrei na malamig ang simoy ng hangin. Kumuha ng makapal at malaking blanket si Andrei mula sa cabinet at pagkatapos ay ikinumot ito kay Catherine.
   "Gumising ka ng maaga Catherine. Dahil bukas.. madami tayong gagawin. Madami tayong pupuntahan. Okay ba?"
   Nag pasya ng lumabas si Andrei sa kwarto ni Ashley. Sa dalawang balcony ng kwarto nila ulit siya dumaan.

...

    Isang maingay na tunog ng cellphone ang gumising kay Andrei. Bigla siyang napa bangon ng nasilayan niya ang liwanag mula sa mga bintana ng kwarto niya.
   "What the hell!" Bigla niyang naalala na may usapan sila ni Catherine.
   Agad niyang pinatay ang alarm ng cellphone niya. Naka hinga siya ng maluwag nang makitang alas ocho pa lang ng umaga.
   Hinawakan niya ang ulo niya. "Aw.. aray.. ang sakit naman ulo ko." Halos tatlong oras lang ang itinulog ni Andrei dahil sa pagbabantay niya kay Catherine kagabi.
   Iniisip niya na gising na si Catherine gamit ang katawan ni Ashley at naghihintay na sa kanya. Agad siyang tumayo mula sa kama at pumunta ng cr, nag toothbrush, nag hilamos at nag palit ng damit.
   Tumingin siya sa malaking salamin para ayusin naman ang buhok nang biglang tumunog ang doorbell ng kwarto niya.
   "Tsss.. sobrang excited naman niya! Teka lang!!! Mag hintay ka!!!" Sigaw ni Andrei.
   Nag patuloy ang tunog ng doorbell habang inaayos niya ang buhok niya. Napa buntong hininga na lang siya at nag pasyang buksan na ang pintuan.
   Laking gulat niya nang ibang tao ang nakita niya. Hindi si Catherine o Ashley.. kundi si Anna.
   "Anna!???"
   "Andrei.. si Ashley ba? Si Ashley Crimson ba ang bago mo?" Maluha luhang tanong ni Anna.
   "Hindi.. Anna! Please! Huwag kang gagawa ng iskandalo dito. Nag makakaawa ako sa'yo."
   "Hindi ako gagawa ng iskandalo o isyo sa'yo. Sagutin mo lang ng maayos ang tanong ko. Si Ashley ba ang bago mong nililigawan ngayon?"
   "Anna naman. Huwag mo idamay ang ibang tao sa problema natin."
   "Hindi ko siya dinadamay. Tinatanong lang kita." Unti unti nang lumuluha ang mga mata ni Anna.
   "Kaibigan ko lang si Ashley Crimson."
   "Since when? Nung nag break tayo?"
   "Alam ko na nabalitaan mo ang nangyari sakin last week. Alam kong alam mo na may pumalo ng baseball bat sa ulo ko. Alam kong alam mo din kung sino ang gumawa at may kagagawan noon. Ang boyfriend mo at ang bestfriend ng boyfriend mo. Tama ako? Si Ashley lang naman ang nagdala sa akin sa hospital. Nasagot ko na ba ang tanong mo?"
   "Andrei..."
   "Ako naman ang magtatanong. Paano mo nalaman na nandito ako sa Crimson Resort?"
   "Nalaman ko lang kay Yaya Teressa. Sinadya talaga kita kagabi sa bahay ninyo pero ang sabi ng Yaya mo ay umalis ka daw kaagad at pumunta dito."
   "Then why? May kailangan ka ba?"
   "Andrei. Hindi mo ba muna ako papapasukin sa kwarto mo as a guest bago tayo mag usap?"
   Ngumiti si Andrei. "Well. Nakakalimutan mo yata ang ginawa mo sakin just two nights ago. Pinainom mo ako ng pang patulog. Palagay mo ba ay nakalimutan ko na iyon kaya pwede na kitang papasukin dito?"
   "Andrei naman.."
   Sinara ni Andrei ang pintuan ng kwarto niya. Hinawakan ang kamay ni Anna at hinila ito. "Sa labas tayo mag usap."

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now