THE PRINCE AND ME

2.1K 57 23
                                    

CHAPTER 34

    "Asahan ko iyan ha? I'm sorry kung medyo mabilis ako pero.. hindi ko naman hahayaan na masayang ang pagkakataon na ito. Baka makawala ka pa eh!" Nakangiting sinabi ni Jeho. Sobra siyang nagagandahan kay Catherine kaya gusto pa niya itong kilalanin pa. Sobrang interesado siya sa babae. At isa pa, sobrang pamilyar ang mukha nito sa kanya.
   "Yup. Asahan mo."
   "Well. Kaya din gusto kitang makilala pa kasi.. para talagang nag kita na tayo before eh. Malay mo, nagkita na nga tayo. Baka may mutual friends tayo."
  "Hmm.. we'll see." Nakangiting sagot ni Catherine.
   Ngumiti na lang din si Jeho habang tinititigan ang mukha ni Catherine.
   Nag buntong hininga si Catherine. "Alright. Then, Ahmm.. Mauuna na ako. Wala kasing kasama ang Mama ko eh. She's waiting for me."
   Hindi sumagot si Jeho. Nanatili itong nakatingin kay Catherine. Nakangiti.
   "...Jeho? Are you alright? Jeho?"
   "Oh Yea! What is it again?"
   "Ang sabi ko.. mauuna na ako. Wala kasing kasama yung Mama ko."
   "Alright. Maraming salamat Catherine and again, it is so nice meeting you."
   Napatingin si Catherine sa likuran ni Jeho.
   Nandoon kasi si Andrei. Nakatayo, pinagmamasdan silang dalawa.
   "Tss.. siya na naman." Nabanggit ni Catherine.
   Kumunot ang noo ni Jeho. "I'm sorry?" Lumingon si Jeho. Ngumiti si Jeho nang makita ang kanyang kapatid na si Andrei.
   "Andrei! What's up!" Agad na lumapit si Jeho kay Andrei at niyakap ito ng mahigpit. Masayang masaya ang mukha nito. "Grabe! Andrei! Ang laki na ng pinag bago mo ha? At tsaka.. Wow! Mas gwapo ka na yata sa akin ngayon ha?"
   "Jeho, ba.. bakit biglaan ang pag uwi mo?" Si Andrei.
   "Ha? Nag sabi ako kay Yaya Teressa ha? Hindi niya ba nasabi sayo? At tsaka.. you're here para sunduin ako dito sa airport right?"
   Nag taka si Catherine. Lumapit ito sa dalawa. "Magkakilala kayo?"
   Nakangiting humarap si Jeho kay Catherine. "Yup! Mag kapatid kami. Kapatid ko itong si Andrei. Catherine, si Andrei nga pala. Andrei, i'd like to introduce to you my new friend, Catherine."
   Napalunok ng laway si Catherine. Mukhang hindi alam ni Jeho na scam ang kapatid niya o kaya naman may problema sa utak.
   Ganun din si Andrei, hindi alam kung makikipag shake hands ba siya kay Catherine. Lalo siyang naguguluhan, paano niya mapipigilan si Catherine na umalis? Anong ipapaliwanag niya kay Jeho? Paano na? Walang maaalala ang dalawa na naging multo sila at nag kasama sama sa iisang bahay.
   "Ahmm.. guys? May problema ba?" Tanong ni Jeho sa dalawa.
   "Ehem. Ahmm. Jeho, tama ka. I'm here para sunduin ka." Si Andrei.
   Inakbayan ni Jeho si Andrei "haay. Na miss kita ng sobra. Alam mo ba? Dito na ako mag sstay sa Pinas kasama ka."
   "Ganun ba?"
   "Oh bakit parang hindi ka masaya?"
   "Masaya ako. Sobrang saya ko." Nakatingin lang si Andrei kay Catherine habang nakikipag usap kay Jeho.
   Nag crossed arms pa si Catherine habang pinagmamasdan ang magkapatid. "Kung magkapatid kayo, bakit hindi kayo magkamuka?"
   "Ahh.. ano kasi. My Father married her Mother." Si Jeho ang sumagot.
   "Okay. Pero alam niyo? Parang.. tama ka Jeho. Parang nakita ko na kayo before.." Humaba pa ang nguso ni Catherine.
   Nanlaki ang mga mata ni Andrei. Umaasa siyang maalala ni Catherine ang lahat.
   "Sabi ko sayo eh. Parang nagkita na tayo before. Hindi ko lang din maalala kung kelan at saan." Si Jeho.
   Bigla naman lumapit si Luisa sa kanila. "Catherine!! Nandito ka lang pala Anak! Kanina pa kita hinahanap! Tinatawag na tayo sa eroplano. Tara na at baka maiwan pa tayo!" Agad na hinawakan ni Luisa ang kamay ng anak at pagkatapos ay hinila na ito papalayo.
   Hinayaan nalang ni Catherine na hilahin ng kanyang Ina ang kanyang kamay. Habang naglalakad, nanatili itong nakatingin sa magkapatid.
   "Te.. teka lang." Si Jeho. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang mag Ina.
   Si Andrei naman ay nanatiling nakatitig kay Catherine habang naglalakad na ito papalayo. Hindi niya maintindihan ang sarili,  para bang nagkaroon ng mga mabibigat na bato ang kanyang mga paa. Hindi niya magawang humakbang at maglakad para pigilan si Catherine sa pag alis.
   "Catherine. Huwag kang umalis. Huwag mong iwan ang mahal na prinsipe." Nabanggit ni Andrei habang nakatingin kay Catherine. Maluha luha ang mga mata nito.
   "Anong pinagsasabi mo diyan? Oy Andrei. Mag kapatid tayo pero ang kay Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro." Si Jeho.
   Tumingin si Andrei kay Jeho. "Jeho, pigilan natin si Catherine na umalis! Pakiusap! Tulungan mo ako Jeho! Pigilan natin siya!"
   "Tumigil ka nga. Sino ka ba para pigilan siya? Ngayon lang natin siya nakilala Andrei. She's cute. Diba?"
   Hindi na sumagot si Andrei. Napaupo ito sa sahig habang nakatingin sa kawalan.
   "Andrei! Andrei! Anong nangyayari sayo? Andrei!!" Sigaw ni Jeho.
   "Mahal na prinsesa.. mahal na prinsesa.." Paulit ulit na sinasabi ni Andrei habang umiiyak.
   "Andrei! What's happening to you??"
   Lumapit naman ang mga staffs sa airport para alalayan si Andrei.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon