THE NEW BEGINNING

1.2K 40 9
                                    

CHAPTER 41

   Napansin ni Catherine na para bang nanginginig ang kamay ni Andrei habang hawak hawak nito ang kamay niya. Alam niyang natatakot ito sa sobrang dami ng mga lalakeng gustong makuha siya.
   Napapangiti si Catherine sa kabila ng lahat.
   "Miss Catherine, sumama ka na sa amin ng maayos! Wala kaming masamang binabalak sa'yo! Wala kaming masamang gagawin sa'yo, mag tiwala ka lang sa amin." Sambit ng isang lalake.
   "Okay, sasama ako sa'yo pero subukan mo munang maligo. Ang dugyot mong tignan, my G!" Maarteng sagot ni Catherine.
   Nag tawanan ang lahat.
   Napa hiya kasi ang lalakeng iyon.
   "Catherine, huwag kang sasama sa kanila. Dito ka lang sa akin. Please?" Maluha luhang sinabi ni Andrei.
   "Ikaw naman. Ineechos ko lang sila no! Ba't ako sasama sa kanila eh I already found you." Biro ni Catherine.
   "Catherine, hindi ito tamang oras para mag biruan. Okay? Don't worry. Tatakas tayo! Hahanap at mag iisip ako ng ibang paraan."
   "Bakit? Natatakot ka ba sa kanila? MyG!!"
   "Hindi ako natatakot sa kanila!"
   "Sige nga, hawakan mo nga yung tenga ng lalakeng iyon. Ayun oh! Yung mahaba yung baba."
   "Catherine naman.."
   "Miss Catherine. Sumama ka na sa amin, wala ka naman ng ibang magagawa eh! Hindi naman din kayo makakatakas dahil dead end na ang lugar na ito." Singit ng isang lalake.
   "Dead end? Eh ano ito?" Tinuro ni Catherine ang bangin.
   Napa lunok ng laway si Andrei. "Ca.. Catherine. Don't tell me, tatalon tayo diyan?" Mahinang binulong ni Andrei.
   "Bakit? Natatakot ka ba?"
   Hindi sumagot si Andrei. Halata sa mukha nito na natatakot ito.
   "Akala ko ba, eh poprotektahan mo ako sa kanila? Bakit ka natatakot diyan ng bongga?"
   "Catherine... ang.. ang lalim kasi eh."
   "Malalim nga. And I want it malalim. Kasing lalim ng pagmamahal mo sa akin."
   Napa ngiti si Andrei. "Talaga? Eh yung pagmamahal mo sa akin? Malalim din ba?"
   "We will see." Nakangiting sagot ni Catherine.
   Humarap ang dalawa sa bangin. Mag kahawak ang mga kamay nila.
   Natakot naman ang mga lalakeng iyon. Natatakot sila na baka tumalon ang dalawa dahil sobrang lalim ng bangin na iyon. Maaring hindi na mabuhay ang sinomang malaglag o tumalon sa bangin na iyon.
   "Te.. teka! Huwag kayong tatalon diyan!" Sambit pa ng isang lalake.
   "Mahal na prinsesa, are you ready?" Tanong ni Andrei.
   "Yes Mahal na Prinsipe. How about you? Are you ready?"
   "Yes, I am ready."
   "Super duper over ready ba talaga? As in.. to the highest level ang peg mo?"
   "Yes, baby." Nakangiting sagot ni Andrei. Kumindat pa ito.
   "Alright to the bright!" Sigaw ni Catherine.
   At hindi na nag sayang pa ng oras ang dalawa. Nag pasya na silang tumalon sa malalim na bangin na iyon.
   Mag kahawak ang mga kamay nilang dalawa.
   Walang kasiguraduhang mabubuhay pa sila sa oras na bumagsak na sila sa ilog na iyon.
   Wala ng nagawa ang mga lalakeng humahabol sa kanila. Nanlalaki ang mga mata nila dahil sa lakas ng loob ng dalawa na tumalon sa malalim na bangin na iyon.
   Hindi na nila nagawang pigilan sina Andrei at Catherine.
   Mag kahawak ang mga kamay nina Andrei at Catherine nang tumalon sa bangin. Sabay din silang bumagsak sa malalim na ilog na iyon.
  Nag pasya si Andrei na umangat muna sa ibabaw ng tubig para kumuha ng konting hangin ngunit hinila ni Catherine ang kanyang kamay.
   Alam kasi ni Catherine na naroon pa ang mga lalakeng humahabol sa kanya, nag aabang sa kanila na umahon sa ilog na iyon.
   Habang nasa ilalim ng tubig, hindi pa rin naalis ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay. Nag titigan ba ang dalawa sa ilalim ng tubig.
   Tinitigan ni Andrei ang mukha ni Catherine. Hinawakan pa niya ang pisngi nito. Pumikit, at pagkatapos ay hinalikan ang labi ni Catherine.
   Nag halikan ang dalawa sa ilalim ng ilog na iyon. Sobrang tagal ng kanilang paghahalikan, na para bang hindi nila naisip na maaring maubusan sila ng hangin. Ni hindi nila inisip na maari silang mamatay ng sabay sa ilalim ng ilog na iyon.
   Hindi alam ng dalawa na konektado ang ilog na iyon sa dagat, para bang may sariling isip at lakas ang tubig na pilit silang pinaghihiwalay.
   Nag taka ang dalawa, tinutulak sila ng tubig papalayo hanggang sa nabitawan nila ang kamay ng isa't isa.
   Pilit man nilang languyin at sisirin ang tubig para makalapit sa isa't isa, lalo naman lumakas ang agos ng ilog.
   "Catherine!" Boses ni Andrei sa ilalim ng tubig. Palayo ng palayo sa kanya si Catherine.
   Wala na din nagawa si Catherine. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na itulak ng tubig papalayo kay Andrei.
   Nauubusan na sila ng hangin, kailangan na nilang umahon.
   Pero paano? Huli na ang lahat. Hindi nila inaakala na sobrang lalim ng ilog na iyon.

My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now