BACK TO LIFE

1.6K 39 7
                                    

CHAPTER 40
(SPECIAL CHAPTER)

***************

February 13, 2017.

   May hawak na baril si Marcos. Nakatutok ito sa likod ni Catherine. Si Catherine naman ay naka tayo lang at hindi kumikilos, natatakot sa kahit anong oras na pwedeng iputok ni Marcos ang hawak na baril.
   Kahit si Andrei na nasa harapan ni Catherine ay hindi maka galaw, ni hindi magawang maka lapit kay Catherine.
   Walang naalala si Catherine. Wala siyang kaalam alam na ang lalakeng nasa harapan niya ay ang kanyang boyfriend.
    "Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong ikaw ang maunang mamatay!" Boses naman ni Pong mula sa likuran ni Marcos.
   May hawak na baril si Pong, nakatutok naman iyon kay Marcos. Kasama ni Pong sina Ashley at Troy.
   Napangiti si Marcos. "Tss. Nandito na naman ang pakielamerong Detective."
   "Ibaba mo ang baril mo! Inuulit ko Marcos, ibaba mo ang baril mo. Hindi ako magdadalawang isip na iputok itong hawak kong baril sa ulo mo!" Si Pong.
   Hindi na sumagot si Marcos. Ni hindi niya binababa ang nakatutok na baril kay Catherine.
   "...Marcos, wala ka ng kawala." Dagdag pa ni Pong.
   Napansin ni Marcos ang mga pulis sa paligid. Nakatutok ang mga baril nito sa kanya. Tama si Pong, wala na siyang kawala.
   "...kaya sumuko ka na Marcos at huwag mong susubukan na saktan pa si Catherine."
   "Bakit Pong? May magbabago ba kung hindi ko papatayin si Catherine? Makaka takas pa ba ako kung hindi ko siya papatayin? Edi mas maganda na sigurong patayin ko siya at makulong ako para maging fair ang lahat." Galit na sagot ni Marcos.
   "Sige. Subukan mong barilin si Catherine, sasabihin ko sayo Marcos, hindi ka mabubulok sa kulungan dahil sa libingan ang bagsak mo."
   "Tss. Isa din palang mamamatay tao ang detective na gaya mo eh? Akala ko ba ay hustisya lang ang hanap mo? Eh bakit ngayon? Papatayin mo ako?"
   "Nakuha na namin ang hustisyang matagal na naming hinahanap. Ikaw at si Rica ang nag tangkang pumatay kay Catherine, sinagasaan ni Rica si Catherine gamit ang starex van na pagmamay ari niyo. Pinalabas niyo sa lahat na patay na si Catherine pero ang totoo ay itinago niyo siya sa probinsyang ito. May mga taong nadamay, ang mag Lolang sina Natasha at Liwayway. Alam na namin ang lahat Marcos."
   Hindi na sumagot si Marcos. Napalunok na lang ito ng laway.
   Habang sina Andrei at Catherine ay patuloy na nagtititigan. Patuloy silang nakatingin sa isat isa. Hindi gumagalaw at halos takot na takot sa baril na hawak ni Marcos.
   Muling nagsalita si Pong. "Marcos, ito na ang huling beses na sasabihin ko sayo ito. Ibaba mo ang baril mo."
   Napabuntong hininga na lang si Marcos. Wala na siyang ibang magagawa. Hindi na siya makakatakas pa. Hindi na siya makaisip pa ng ibang paraan.
   Maya maya pa ay hindi na nagdalawang isip pa si Marcos. Pinutok niya ang baril na hawak niya sa likod ni Catherine.
   Nagulat ang lahat.
   Tumahimik ang buong paligid. Kahit ang mga ibon sa himpapawid ay nag siliparan papalayo dahil sa maingay na putok ng baril.
   Kahit si Andrei. Tumalsik pa sa kanyang mukha ang dugo ni Catherine.
   Pero hindi tumumba si Catherine kahit na tinamaan siya ng baril sa kanyang likod. Patuloy itong nakatitig kay Andrei.
   "HINDEEEEEEEE!" Sigaw ni Pong at pagkatapos ay pinutok naman niya ang hawak niyang baril kay Marcos.
   Tinamaan si Marcos sa ulo. Bumagsak ito sa sahig. Nag kalat ang kanyang dugo sa buong paligid.
   Sina Ashley at Troy ay hindi rin makapaniwala.
   Napaluhod pa si Troy habang pinagmamasdan si Catherine. "Catherine. Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi. Hinde!!"
   Si Ashley naman ay nananatiling nakitingin kay Catherine, nakatulala at maluha luha ang mga mata.
   Nanlalaki naman ang mga mata ni Andrei. Para bang tumahimik ang kanyang mundo habang pinagmamasdan si Catherine.

 Para bang tumahimik ang kanyang mundo habang pinagmamasdan si Catherine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now