Namatayan na nga sila ng kaibigan, tapos nag break-up sina Cassiopeia and Crater. And maybe may worse pang nangyari sa kanila aside doon.

Papasok na ako ng classroom nang maabutan naming apat si Cyrus na busy sa pagbabasa ng libro. Tamang-tama ah.

"Cyrus!!" tawag ko sa kaniya.

"Oh Sky, napaaga ka ngayon ah?" bati niya.

Hindi kasi kami magkaklase sa morning class namin ngayon, ewan ko ba shifting-shifting ang classes namin eh biglang nagbabago ang schedule.

"Ah girls, si Cyrus nga pala, classmate ko," pagpapakilala ko ni Cyrus sa mga girls.

"Hello,"

"Nice to meet you Cyrus,"

"Aalis na kami, bantayan mo si Sky ah baka may mambully sa kaniya sa class ninyo,"

Nag-awkward smile nalang si Cyrus tapos tumango, ang kaniyang reaction parang kaharap niya mga famous celebrities ah.

Umalis na sina Oe, Ara at Cass para pumunta sa kanilang classroom, nasa kabilang building pa kasi malayo mula rito, binuksan naman ni Cyrus ang pintuan at pinauna na akong pumasok.

"Hey lovers!" sigaw ng isang kaklase namin tapos nakatingin ang lahat sa amin.

Anong lovers pinagsasabi nya?

"Si Miss Lydia kasi ang guro natin ngayon, tapos gusto niya isulat daw ang mga pangalan ng mga tapos nang nagnominate para sa Zodiac Circle," sabi ng kaklase namin.

"Ah tapos na kami magnominate," sagot ni Cyrus sabay itinaas ang kanang kamay.

"Isulat niyo na ang mga pangalan niyo rito kasi paparating na rin si miss Lydia," dagdag niya.

Pagkatapos naming magsulat ay nakikitsismis ang mga babaeng kaklase namin sa aming dalawa ni Cyrus.

"Anong meron sa inyong dalawa?"

"Kayo na ba?"

Anong bang pinagsasabi nila? Mukha ba kaming magjowa ni Cyrus?

"H-hindi, we're just friends!" tugon ni Cyrus.

"Tama, magkaibigan lang naman kami ni Cyrus," tugon ko rin.

"Little sister lang ang tingin ko kay Sky," dagdag niya.

Biglang pumasok si miss Lydia sa classroom gamit ang kaniyang black dimension ability kaya na alarma kaming lahat.

"Sit down students! Magsisimula na ang klase," bungad pa ni miss Lydia.

Miss Lydia, mabuti naman at siya ang guro namin ngayon, sa wakas makakapag-relax na ako.

"I've seen many familiar faces sa klase na ito ah," miss Lydia.

Ang cute talaga ng hair bun niya, tapos ngayon nakasuot siya ng eye glasses.

"I will be your instructor for a week," dagdag niya.

Ang ibang students ay nasasabik sa sinabi ni miss. Maski ako ay nasasabik na rin kung paano magtuturo si miss Lydia, sana nga maeenhance ko pa ang ability ko.

"I am looking forward for your full cooperation, kasi ayokong maiwan kayo sa beginner-tier," miss Lydia.

At ngayon ang naging unang araw ng klase namin ni miss Lydia, ang pinapagawa niya sa amin ay deep meditation, kagaya ng ginawa namin ni Oe dati.

"Focus class! Feel the presence of nature like it's connected to you, relax your muscles!" Panuto ni miss Lydia.

Kaming lahat pati si miss Lydia ay nakapatong sa mga mesa namin. Dahil nagawa ko na dati yung pagrelease ng inner energy ko, madali na lang sa akin ito, nakakakiliti nga ang tingling na dala ng teknik na ito eh.

"Feel the nature, feel your inner power," dagdag ni miss Lydia.

Nakapikit ang aming mga mata, sinusubukan kong ilabas ang inerhiya ko times two sa nagawa ko na dati kaya mas nag-concentrate ako ngayon.

And I feel burning inside my body, sobrang init. Ano ito?

And I am starting hallucinating things.

Ang daming boses na nag-iingay sa isip ko, iba't-ibang klase ng boses.

"Don't"

Napamulat ako sa aking mga mata, ngunit iba ang nakikita ko, nakalutang ako sa tubig na naka-meditation pa rin. Nanaginip na naman ba ako? Wala akong ibang nakikita kundi napakalawak na katubigan, walang langit o lupa, at halos liwanag lang ang nasa paligid. Nasaan na ang mga classmates ko? Bakit ako nalang mag-isa?

Napalingon-lingon ako sa paligid pero walang tao, wala si miss Lydia, wala si Cyrus.

"Sky," tawag sa akin ng boses na nasa likuran ko.

Agad ko siyang nilingon, nakikita ko na naman ang sarili kong repleksyon, nasa harap ko, gaya ng nasa panaginip ko na nakasuot ng black long dress. Nanaginip nga ba talaga ulit ako?

"Panaginip na naman ba ito?" tanong ko sa kaniya pero wala siyang ekspresyon sa kaniyang mukha at tinitigan lang niya ako sa mata.

"Do not use your powers yet," bukambibig niya na hindi ko marinig, para akong nabibingi. Alam kong nagsasalita siya ngunit wala akong naririnig.

"Huh? Anong sinabi mo?" Pinilit kong dinggin ang mga sinasabi niya.

"Remember, remember Sky, remember everything, we don't have much time left," sabi niya.

"Huh? Hindi kita marinig eh," ako.

Tapos bigla siyang naging duplicate ko, ang hairstyle, uniform, at ang malungkot na mukha. I-It's me, the lonely girl, ganito pala kalungkot tingnan ang sarili ko?

"Sky!!" gising ni Cyrus sa akin habang inaalog-alog ako.

"H-huh?" sagot ko.

"Okay ka lang ba? Iba na kasi ang lumabas sa bibig mo eh," Cyrus.

"O-okay lang," sagot ko at napatingin sa mga kaklase ko at kay miss Lydia.

Nyemas! Anong nangyari sa akin? Nakakahiyaaaaa. Nakatingin silang lahat sa akin.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now