Ito na ba ang mga sagot sa pag-aalangan ko ng damdamin ko para sa kanya?

“Bitawan mo na ang kamay ko.” pabulong niyang sabi ng mapansin na hawak-hawak ko pa pala ito.Iniwas niya ang tingin sa akin ngunit bago niya iyon ginawa,nakita ko ang sakit at ang galit doon.

“I think,okay lang naman siya Tita.” si Abegail na ang bumasag sa katahimikan ng lahat.Nakatingin lang kasi sila sa eksena namin ni Bernice.

Binitiwan ko ang kamay niya.Napalunok pa siya ng tumingin sa akin muli.

“Uy kumain pa kayo.” pukaw ni Tita Cath.'Di ko mawari ang nararamdaman pero pakiramdam ko may tensiyon sa pagitan naming lahat.

'Di ko maintindihan ang aking sarili.Kahit hindi naman sila nakatingin sa akin pero pakiramdam ko,lahat sila ay nagkakaintindihan sa pamamagitan ng tinginan.May hindi ba ako nalalaman?

Nagsimula muli ang kwentuhan nila.Pero kami ni Bernice ay tahimik lang.Walang imikan ni tinginan.

Nang ilang minuto na ang nakalipas,'di na ako nakatiis.Ginagap ko ang kamay niya na nasa hita niya.Napakislot siya nang una pero pagkuwa'y hinayaan na lamang niya ito.

Marahan kong pinisil-pisil ang mga palad niya—ang malambot niyang palad.'Di ko lubos maisip na kahit pala sa paghawak lang ng kamay niya ay pinanabikan ko ito.

Sinulyapan niya ako at gan'on din ang ginawa ko.Nginitian ko siya nang magtama ang aming mga paningin pero wala man lang makikita na emosyon rito.Ni ngiti nga ng bahagya ay 'di niya magawa.Maya't maya pa ay nakita ko na ang lungkot sa mga mata niya.Iyong lungkot na tila ba iiyak.Ah hindi ko maipaliwang.Naiiyak ba siya o nalulungkot.

Muntikan na akong mapatampal sa aking noo nang maalala ko ang mga sagot ko kanina.'Di kaya ay naging dahilan 'yon ng modo niya?

Shit!

Ano na naman ba ang ginawa ko?Sinaktan ko na naman siya.

Pero sinaktan ko nga ba siya o sadyang ayaw niya lang akong katabi at ayaw niya 'yong ginagawa ko.

Nalimutan ko nga pala na iniiwasan na niya ako.So ibig sabihin hindi 'yong sinagot ko kanina ang dahilan kung bakit ganyan ang modo niya ngayon.Ayaw niya lang talaga akong makatabi.

Muli kong pinisil ang palad niya.Nasasaktan ako sa iisipin na ayaw niya akong makita—na iniiwasan niya ako.

Pasimple niyang iwinaksi ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.

“Excuse me.” napatingala ako sa kanya nang tumayo siya.Gan'on din ang lahat.Biglang napalingon sa kinaroroonan niya. “I think I need to rest.Sumakit po kasi ang u-ulo k-ko.” nautal siya sa dalawang huling kataga.

Nakatingin lang ako sa kanya na naka-kunot-noo.Gusto ko siyang pigilan,pero wala akong lakas para gawin iyon dahil narito kami sa harapan ng mga pamilya namin.

Ang duwag ko pala.Ang duwag ko pagdating kay Bernice.

“Go ahead Princess.Ah Bernie...” binalingan ni Tito Arthur ang kakambal ni Bernice. “...ihatid mo muna ang kakambal mo.”

“Ako na po Tito.” bigla akong tumayo.May kung anong nag-udyok kasi sa akin upang i-presenta ang aking sarili.Gusto kong masolo si Bernice.Gusto kong makausap siya.

“Ako na lang dad.Kaya ko naman ang aking sarili.” mabilis na tanggi niya. Excuse me again.” anito at saka tumalima na.

Gustong humakbang ng mga paa ko para habulin siya pero napako na ako sa kinatatayuan ko.

“Oh akala ko ba Vincent ikaw ang maghahatid kay Bernice?Bakit nakatunganga ka diyan?”

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now