21: Draylen Mafia

11K 200 7
                                    

Someone's POV


"Draylen Mafia needs a new leader, master. Sa tingin po namin ay hindi nyo na kakayanin pa ang mga suliranin dito. " ani Victor isa sa pinaka matandang Reaper na mayroon kami.

"Then, find Sam. He's a guy. He's the one who's fitted on my throne. "  bahagyang tumawa si dad kaya agad akong naalarma. Agad kong tinignan si daddy.

"He's out there. Paano natin sya ibabalik kung pinagtabuyan nyo na sya?! " sigaw ko kay dad at itinuro ang pintuan. Umiling lang sya at matalim akong tinitigan.

"Kung ganon... ibalik mo sya rito. I'll teach him how to— " I cut his words. I won't let him! Not again. Nakapatay na ng isang beses ang kapatid ko para patunayan ang sarili nya pero hindi ko na ulit hahayaang mangyari yun.

"No way dad! He's happy now. Please, wag na natin syang guluhin. " kulang nalang ay lumuhod ako at magmakaawa kay daddy para wag nang ituloy ang binabalak nya. Pero mukang desidido na talaga sya.

Tumayo sya at marahas akong hinawakan sa aking mga braso.

"Ano?! Patuloy parin ang paghawak nya sa makapal nyang libro?! Ililista ang mga nambu-bully sa kanya at ikaw naman ang papatay?! He need to learn how to fight for himself! " marahas ulit akong binitawan ni daddy at halos itapon nya na 'ko sa sahig.

"Please dad. Sam didn't deserve this kind of life--- "

"He is a man, Sandy! For pette's sake just shut your mouth up! " sigaw sakin ni daddy at bumalik sa kanyang pwesto. Tumingin ako sa mga mata nya at nagbabakasakaling makita ko ulit dun yung dating sya. Yung mga panahon na nabubuhay pa si mommy.

Pero wala na.

I took a deep breath and try to gain my energy to shout on his face.

"What dad? Pagdudusahin mo si Sam dahil sa nangyari noon?! Fuck! That was not his fucking fault! Twelve years old lang sya nun! Wala pa syang alam, dad! Please, set him free! " agad na dumapo sakin ang malakas na sampal ni daddy. Halos dumugo ang aking labi sa sobrang lakas nun. Hindi na ko magtataka kung bakit sya ang leader ng organisasyong ito.

Wala syang puso.


"Wag na wag mong isali dito si Seira--- "

"Bakit dad?! Sa tingin mo ba ay matutuwa sya pag nalaman nya ito?! " pumikit sya ng mariin dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Nagulat nalang ako nang linuhod nya ang isa nyang binti para maging kapantay ko sya at tinutukan ako ng baril sa aking ulo.

"Shut up Sandy. I'm your dad, I'm the rule. I rule this organization. " aniya at tumayo at tuluyan na nga akong iniwan. I can't believe him. Lahat ay gagawin nya para lang sa organisasyon na ito. Para sa pera at kapangyarihan. Na pati anak nya ay kaya nyang isugal?! Ako ang panganay! Dapat ako nalang! Wag lang si Sam..

Ayaw ko ng masangkot pa rito si Sam. Nakita ko kung gaano sya kasaya sa bago nyang mga kaibigan. Ayaw ko na syang magdusa at maligo sa dugo ng ibang tao. Hindi ko na hahayaang makapatay sya ulit. Ayaw ko nang maulit nang maulit ang nangyari noon. Mas ayos na sakin na ako nalang ang pumapatay para sa kanya. Basta wag lang muling marumihan ang kanyang mga kamay.

"I need to protect him. " kausap ko sa sarili ko. Agad akong tumayo at dinaluhan ang aming mga kasama sa organisasyong ito. At habang nag lalakad ay naririnig ko pa ang bulungan ng aming mga kasambahay na walang ibang ginawa kundi ang mag tsismisan. 

"Ang batang lalaking iyon talaga ay sakit ng ulo dito. "

"Tama ka. Dahil sa kanya ay nag aaway ang ate nya at si Master. "

"Balak pa syang gawin na bagong leader dito. Baka sya pa ang maging dahilan nang pag bagsak ng organisasyon nila. "

"Tama ka, mukha namang mas malakas pa ang ate nya kaysa sa kanya. Paniguradong mahina ang batang — "

"Anong sinabi mo?! " nandilim ang paningin ko at agad kong nasakal ang isa sa kanila. Hindi ko gustong nilalait nila si Sam. Kapatid ko si Sam. May lahi syang Draylen! Mafia kami! Malakas ang kapatid ko!

"Hindi mahina si Sam! " sigaw ko sa muka nya at agad na nilabas ang hook na hawak ko. Walang pwedeng mang-maliit sa kapatid ko.

"Stop it! " napatingin ako sa pintuan at nagulat ako sa aking nakita. Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw.


Bakit sya nandito? Hindi ito maaari. Kailangan nyang umalis kaagad.

--

NOTE:

This are all for today! Thank you.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon