Chapter Twenty-Three

Start from the beginning
                                        

Napangiti siya sa naisip. Instead of making food for Jake's lunch later why not making him snack. Kinuha niya ang loaf bread at nilagyan ng palaman. Nang maihanda na niya ang simpleng pagkain para kay Jake at gagamitin nila para sa almusal, agad siyang kuwarto nila. Naabutan niya si Jake na nagsusuot ng polo nito. Lumapit siya rito at malawak na napangiti.

"Ako na ang gagawa niya," prisinta niya. Ikinabit niya ang mga butones sa ohales ng suot nitong polo.

"Kapag ganito tayo araw-araw parang gusto ko na palaging magpa-alaga sa 'yo," sabi nito.
Kahit hindi siya nakatingin, alam niya na malawak ang pagkakangiti nito.

"Gustong-gusto mo naman na alagaan kita. Huwag kang echusero."

He heard him chuckled. Sa marahang pagkilos nag-angat siya ng paningin. Their eyes meet. Ang makitang masaya si Jake ay labis na nagbibigay din ng kasiyahan sa kanyang puso. Having Jake beside him brought so much happiness and contentment to his being. Sana nga lang hindi magtapos ang kasiyahan na nararamdaman niya kasama ito lalo na ngayon na ang bumabagabag sa kanya ay wala pang solusyon.

"Naman! Who am I to resist this kind of pampering from my beloved. Alam ko rin naman na matagal mong hinintay ang ganitong bagay," mayabang na saad nito.

Napasimangot siya. "Oo na . Masaya naman talaga ako na ginagawa ang ganitong bagay lalo na sa mahal ko," sabi niya. "O, ayan, tapos na."

Nagulat si Hyde ng bigla na lang siyang yakapin ni Jake. Kahit na sandaling nagulat agad din naman siyang gumanti ng mahigpit na yakap.

"I love you, Hyde," sabi nito sabay halik sa tuktok ng kanyang ulo.

"Mahal din kita, sobra," aniya. Kumalas siya sa pagkakayakap nito.

"Pag-uwi ko mamaya labas tayo."

"Sige ba. Pero saan naman tayo pupunta mamaya?" Tanong niya kay Jake. "Saka maaga ka ba makakauwi mamaya?"

"I don't know. Pero ita-try ko ang best ko para makauwi ng maaga."

"Kahit 'wag na," aniya. "Hindi ko rin naman alam kung makakauwi ako ng maaga mamaya."

"Ganoon ba. Then call me later if you are going home early."

"Mas maganda 'yon," sang-ayon niya. "If ever na maaga akong makakauwi mamaya tatawagan na lang kita."

"That's better." Anito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila magkaakbay na nagtungo sila sa kusina para kumain ng almusal. They spend their morning with wide smile on their lips. Magkasabay na rin silang umalis ng bahay. Hinatid siya ni Jake sa pinagtatrabahuan niya. Pababa na sana siya ng kotse ng pigilan siya ni Jake.

"Bakit?" Taka niyang tanong.

"Your forgetting something," nakangusong sabi nito.

Nangingiting-naiiling na lang siya ng maisip ang gusto nitong iparating.

"Oo nga pala," sang-ayon niya saka lumapit dito. Hinalikan niya ito sa labi. Lalayo na sana siya nito para tapusin ang halik ngunit agad agad siya nitong napigilan sa pamamagitan ng paghawak sa likod ng ulo niya. The simple kiss deepen. Naputol lamang ang kanilang halikan ng pareho silang kapusin ng hininga.

"Loko-loko ka talaga," natatawa niyang saad.

Jake smiled. "For good luck na rin 'yon."

"Oo na," sang-ayon niya. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho. 'Wag masyadong mabilis, ah."

"Yeah, I'll do that. Mag-iingat ka rin. 'Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo."

"Opo. Good luck ulit. Kung nagugutom ka sa pagda-drive may sandwich dyan sa bag mo. Inilagay ko kanina."

Napailing-iling si Jake. "SInabi ko ng 'wag ka nang mag-abala na gawan ako ng pagkain."

"Pagbigyan mo na ako. Gusto kong alagaan at busugin." Pa-cute niyang sabi.

Bago siya bumaba binigyan niya ng mabilis na halik sa labi si Jake. Jake was caught off-guard but smiled sweetly afterwards. Siya naman sa kabilang banda ay natatawang bumaba ng sasakyan bago pa siya mapigilan ni Jake.

MAY NGITI sa labi na sinundan na lamang ni Jake ng tingin si Hyde. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito bago ito bumaba ng sasakyan. Magkaganunpaman masayang-masaya ang puso niya sa ginawa nito lalo na ang pag-aasikaso nito sa kanya. Sa mga simpleng gesture ni Hyde, damang-dama niya ang sobrang pagmamahal nito para sa kanya.

Nang mawala ito sa paningin niya at makapasok ng establisyementong iyon ay unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Ayaw niyang i-spoil ang kasiyahan na nararamdaman niya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. What happened yesterday was still bugging him. Hindi nga siya makatulog ng maayos kagabi dahil sa mga sinabi ni Devin sa kanya. Of course, it wasn't a threat but still his words echoed in his mind. At aaminin niya na nakakadama siya ng takot. Hindi niya rin mapigilan ang sarili na magtanong ng mga bagay-bagay.

Paano na lang kung gumawa ng aksyon si Devin para malayo sa kanya si Hyde? What if Devin seeks revenge from the both of them? Ano na lang ang gagawin niya kung isang araw matanto ni Hyde na mas matimbang pa rin sa puso nito si Devin kaysa sa kanya?

Napailing-iling siya.

Hindi niya dapat alalahanin ang mga bagay-bagay lalong hindi niya dapat kuwestiyunin ang sarili at ang pagmamahal ni Hyde sa kanya. Sa kanya na ito kaya hindi siya dapat mag-alala. Hindi rin makakatulong sa kanya ang pag-iisip at pagtatanong ng kung ano-anong negatibong bagay na magpapababa ng tiwala niya sa sarili. He needed to be strong and keep his self on-guard.

Napatingin siya sa kanyang cellphone ng makitang tumatawag si Rubius. KInuha niya iyon para sagutin ang tawag.

"Nasaan ka na?" Agad na bungad nito.

"I'm on my way. HIntaid ko lang si Hyde sa trabaho niya. Paalis na rin ako dito."

"Good. Just make sure that you will be on time. Ayoko pa namang paghintayin ang kausap natin."

"I know that. Hindi ako male-late. Alam ko naman na first impression last kaya hindi dapat ma-disappoint ang kausap natin. Baka mag-back out pa 'yon."

"Mabuti naman at alam mo. Sige. Tatapusin ko na ang tawag. DRive safely, Jake."

"Yeah. I'll be there in a minute."

Nang matapos ang tawag, agad niyang pinaandar ang sasakyan. He headed his way towards their meeting place. Habang papunta doon si Hyde ang nasa isipan niya, their future together.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now