"Okay ka lang ba?" Tanong nito na ikinatigil niya
"O-oo naman. Okay lang ako," sagot niya. Hindi niya nga lang ito matingnan sa mata.
"Sigurado ka ba? You look tense, Hyde. May nangyari ba sa 'yo sa opisina?"
"Wala. Ano ka ba? Masyado ka namang nag-aalala," sagot niya na sinabayan ng mahinang pagtawa.
Bago pa makahalata si Jake kinuha niya rito ang hawak saka nagtungo sa kusina. Inabala niya ang sarili sa paglabas ng mga pagkain sa paper bag. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Jake sa baywang niya. Niyakap siya nito mula sa likuran. Natigil siya sa ginagawa.
"May gumugulo sa 'yo, Hyde. Sabihin mo sa akin kung ano 'yan," anito.
"May gumugulo nga sa akin pero hindi mo na kailangan mag-alala doon. I can mangae, Jake."
"Sigurado ka ba? Iba ka ngayong araw, eh."
"Oo. Sigurado ako," he answered. Hinawakan niya ang mga braso nito na nakayakap sa kanya saka inalis. Humarap siya kay Jake na seryoso ang ekspresyon sa mukha.
"What's with the serious face, Jake?"
"Nothing," sagot nito.
"Are you sure na wala lang 'yan?"
"Yeah. May naisip lang ako."
"Ano naman?"
"About you, about us."
Natigilan siya. "Anong tungkol sa atin?"
"I love you," sagot nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka siya hinalikan sa labi. Buong puso naman na ginantihan niya iyobn. Gusto niya na sa pamamagitan ng paghalik dito ay mawala ang kung anuman na iniisip nito pati ang iniisip niya. Dapat niyang iwaksi ang mga bagay na pwedeng makasira sa mayroon sila ni Jake.
HABANG HIMBING sa pagtulog si Hyde kabaliktaran naman iyon ni Jake. HIndi siya makatulog pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw. Hanggang ngayon kasi nasa isipan pa rin niya ang mga sinabi sa kanya ni Devin. HIndi niya maiwasan ang kabahan. Dinagdagan pa iyon ng reaksyon kanina ni HYde nang dumating siya. Hindi man nito sabihin at aminin alam niya na may bumabagabag dito. Kung anuman ang bagay na iyon hindi niya alam. Mula nang dumating siya hanggang sa maghanda sa pagtulog dama niya ang malalim na pag-iisip ni Hyde. Pasimple niya ring binabantayan ang bawat kilos nito at napansin niya na natitigilan ito.
Sa totoo lang gusto pa niyang usisain ito. Iginalang na lang niya ang kagustuhan nito na huwag sabihin sa kanya. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang mapaisip. Nang tanungin naman siya nito kanina kung bakit seryoso siya hindi rin naman niya nasabi dito ang totoo.
Both of them agreed not to keep secret with each other but he thought that they already committed a thing against it. Alam niya ang dahilan sa side niya. Ayaw niyang malaman ni Hyde na may ugnayan silang dalawa ni Devin. Ayaw niyang malaman nito ang relasyon nilang dalawa lalo na ang pagiging mahina niya kapag si Devin ang usapan.
Ang tungkol naman sa bumabagabag dito, iyon ang hindi niya alam kung ano ang dahilan. Pero kahit na ganoon malaki ang tiwala niya sa sinabi nito na hindi na niya iyon concern. Maybe things in Hyde's work did't go well after his long vacation. Siguro marami itong ginawa at nanibago sa mga dapat gawin kaya ganoon na lang ang reaksyon nito. Gusto man niya itong tulungan para maibsan ang mga isipin nito hindi naman niya magawa dahil sa kagustuhan na rin nito.
Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi niya maiwasan na dumukwang para halikan ito sa labi. Napapangiti siya sa ginagawa.
"I'll do everything for us, Hyde. Hindi kita basta-basta papakawalan." He said.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Twenty-Three
Start from the beginning
