Chapter Twenty-One

Magsimula sa umpisa
                                        

Tumango siya saka niyakap ito. "Salamat, Clyde."

Natawa ito. "Walang anuman," anito. "I'm hoping for your happiness, Hyde. Tandaan mo na kahit malayo ako sa 'yo isang tawag mo lang pupuntahan kita agad."

Mas humigpit ang yakap niya sa kapatid. Napakaunawain talaga nito. Thankful siya na nagkaroon siya ng kapatid na katulad nito. Hindi lang basta-basta kapatid kundi kakambal pa. He is hoping for Clyde to find the love of his life.

NANG MAIHATID nina Jake at Hyde si Clyde ay agad na dumiretso si Jake sa kwarto ni Hyde. Kanina pa niya gustong makita ang loob ng kwarto nito kaya naman iyon ang una niyang titingnan lalo pa na sila na lang na dalawa ang nasa bahay. Nang makapasok siya agad na sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. Tamang-tama para sa dalawang tao ang kutson na nasa sahig. He knew that the two of them will fit there. Simula ngayong gabi ito na ang magiging kwarto niya kasama ang taong mahal niya. The room will be their love nest.

Lumapit siya sa cabinet na nandodoon saka iyon binuksan. May espasyo sa loob na para yata sa kanya. Well, he knew that he was sounding assuming but he don't care. Alam naman kasi niya na para sa kanya ang espasyong iyon. Mukhang nakalaan para sa kanya. Lumabas siya ng kwarto para kunin ang bag niya na nasa sala. Nang makuha ang pakay ay agad siyang bumalik sa loob.

Naabutan niya si Hyde na abala sa pag-aayos ng higaan nila. Kasalukuyan nitong inilalapat ang bed sheet.

"Aayusin ko lang ang gamit ko," imporma niya rito.

"Okay," sagot nito. "Pagkatapos ko rito tutulungan na kita dyan."

"Hindi na. Kaunti lang naman ang dala kong damit. Asikasuhin mo na lang ang sarili mo," aniya.

"Sige. Ikaw ang bahala."

Nang matapos ito sa pag-aayos ng higaan nila, lumapit ito sa kanya para kumuha ng damit na pamalit sa cabinet. Habang abala siya sa paglalagay ng damit niya hindi niya maiwasan na tingnan si Hyde. Namalayan na lang niya ang sarili na yakap ito mula sa likuran. Sumandal nman sa kanya si Hyde saka hinawakan ang braso niya na nakapulupot sa baywang nito.

"Masayang-masaya ako na nandito tayo sa iisang kwarto. Para na rin tayong mag-asawa. Natupad na rin ang hiling ko noon pa man."

"Masaya rin ako na nandito ka na sa tabi ko," sabi nito.

Pinaharap niya ito sa kanya saka tiningnan ng maigi sa mukha. "Hindi ako magsasawa na tingnan ang mukha mo, Hyde. Hindi ako magsasawa na mahalin ka."

Sa halip na sumagot hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka siya hinalikan sa labi. Gumanti naman agad siya.

"Salamat sa pagmamahal mo, Jake. Mahal na mahal din kita."

Ngumiti siya saka niyakap ito ulit. Ito na rin ang unang kumalas sa yakapan nila para pumunta sa banyo at maghilamos doon. Naiwan naman siya na inaayos pa rin ang damit. Nang matapos hinubad niya ang T-shirt pati ang pantalon. Tanging boxer short na lang ang suot niya. Pahiga na sana siya nang maagaw ang pansin niya ng isang kahon na medyo malaki na nasa tabi ng cabinet. Lumapit siya roon at binuksan iyon. Nagulat siya nang makita ang laman niyon na bumungad sa kanya. Isa-isa niyang nilabas ang laman ng kahon at mas lalo siyang nagulat nang makita ang isang bracelet na nasa loob ng plastic. Kinuha niya ang stuff toy na palaka pati ang bracelet. Ibinalik naman niya ang ibang gamit sa kahon.

Hawak-hawak ang dalawang bagay na naupo siya sa higaan. Nandoon ang atensyon niya ng bumalik si Hyde. Tiningnan niya ito at halatang nagulat nang makita ang mga bagay na hawak niya.

"Buhay pa pala 'to," aniya na ang tinutukoy ang stuff toy.

"Oo naman. Matagal kong itinago ang stuff toy na 'yan para sa memories na bigay niyan sa 'kin."

String from the Heart Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon