Tumango siya at pinagpatuloy ang kinakain. "Umiinom naman ako pero isa hanggang dalawang bote lang."

"You can get wasted tonight. Babantayan nalang kita." natatawang sabi ni Brent sakanya.

Siya rin ay natawa. "Hindi na. Pabigat pa ako sa'yo."

Napangiti si Brent. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ka naman mukhang mabigat. I think kaya naman kita buhatin kung sakaling malasing ka." biro nito sakanya.

Ngumiti siya rito at umiling. "Hindi na. Feeling ko rin kasi, hindi ko kaya. Para ba na automatic na hindi na ako iinom pagkatapos ng dalawang bote."

"Because you're thinking about not getting drunk." sabi nito. Uminom ito ng tubig at pinunasan ang bibig gamit ang tissue. Tapos ay tinukod nito ang mga braso sa lamesa at tinignan siya. "What did I said to you? Let go of your thoughts. Overthinking can ruin your happiness. Have fun. Let go of your inhibitions. Besides, nasa Ibiza tayo where party is life."

Natawa siya sa huling sinabi nito. Pero tumatak sa isip niya ang mga payo nito. Inaamin niya na madalas siyang mag-overthink. Pinapangunahan niya ang mga iniisip niya. Na bago niya gawin ang isang bagay, iniisip niya kung ano ang magiging resulta nun pagkatapos. Tulad nalang ng pag-inom, iniisip niya kaagad na malalasing siya at sasakit ang ulo pagkatapos ng hang-over kaya ang tendency ay hindi siya iinom ng marami.

Bakit ba lagi siyang natatamaan sa mga sinasabi ni Brent? As in lahat ng payo nito ay akmang-akma sakanya.

Ten pm ay dumiretso na silang dalawa sa paggaganapan ng party. Naglalakihang stereos ang naka-set up. May bonfire sa kalayuan pero tanaw sa pwesto nila. May mga LED lights na nakapalibot sa paligid, sa mga puno, poste at stage.

Colors of pink, red, violet and blue illuminated the whole area. Nagdadagsaan na rin ang mga tao, karamihan ay mga nakabikini ang mga babae tapos ay nakaboard shorts lang ang mga lalaki. Ang iba ay tulad niya na nakashorts lang at cropped shirts.

"I'll take right side, you take left. Then let's meet here after an hour. Okay?" sabi ni Brent sakanya.

Tumango siya at aalis na nang tawagin ulit siya nito. "Don't accept drinks from strangers." paalala nito.

Tumango siya ulit at tinandaan ang sinabi nito. Iyon din lagi ang paalala sakanya ng mga kuya niya sa tuwing lalabas sila nila Ailee para uminom. Hindi kasi alam na baka mamaya ay may drugs na hinalo sa inumin.

Inadjust niya na ang camera niya at kinuhanan ang mga taong nagsasaya sa gitna. Ten palang pero hype na ang mga tao. May DJ na kasing tumutugtog na sinasabayan ng MC para mas lalong iinvolve ang mga tao.

Drinks were overflowing. Halos lampas lima ata ang mobile bar na nakapalibot sa area. She was recording the scene, may mga willing pa nga na magpose sa camera niya at kumaway-kaway pa.

She went to the bar and sat on one of its high stools there. She checked the videos she took.

She watched the people dance and party really hard. Maraming mga umiinom at sumisigaw dahil sa saya. May mga nagpipicture. Ang iba naman ay nasa gilid at nakikipag-usap lang pero bakas sa mga mukha ng mga ito na nag-eenjoy sila.

Hinanap niya sa crowd si Brent pero hindi niya ito makita. She checked her watch and decided to head back to her room to leave her camera behind. She took her phone and some bills with her and went back to the party.

Saktong one hour ang lumipas bumalik siya sa sinabing lugar ni Brent para magkita sila. Nakita niya ito doon. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa shorts at may hawak itong bote ng beer sa isang kamay. She tapped his shoulder.

"Saan ang camera mo?" tanong niya.

"Ha?" he asked. Inilapit nito ang tenga sakanya dahil hindi sila magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now