Chapter 110

187 10 14
                                    

Thanks for reading roancalma salamat sa pagpaparamdam mo sa notif ko.. charot! Hehe! Mga demanding kong readers.. as you wish! Ito na po! Haha! Enjoy! Mahal ko kayo kahit binabalahura ko kayo minsan hahahaha!😘


"Zuc, wait!"

Mabilis akong nahabol ni Gemma. Kahit galit ako'y hindi ko naman tinangka na tumakbo palayo sa kanila. Alam ko sa sarili kong may pagkalampa ako minsan at ayoko naman biglang madapa at baka mapano pa ang baby ko.

Naiinis ako. O tamang term na nagagalit ako. Galit na galit ako talaga kay Gemma. Paano niya nagagawang lokohin si Justin sa mismong lugar kung saan sila ikakasal? Dito pa talaga niya naisip maglandi. Hindi man lang siya natakot na mahuli siya ni Justin. Marahil iniisip niya na dahil maaga ang kasal nila bukas ay tulugan na ang lahat. At kung minamalas nga naman.. of all people, ako pa talaga ang nakahuli sa kanila.

Nasasaktan ako para kay Justin. Hindi ko siya tinanggap uli sa buhay ko dahil iniisip kong mahal siya ni Gemma. Tapos niloloko lang din naman pala siya? Kahit kailan hindi ko ginawang lokohin si Justin kahit ilang beses niya inisip na niloko ko siya na naging resulta ng palagi namin paghihiwalay dati. Pero ngayon, matatali pa si Justin sa totoong manloloko. Hindi ko matanggap na pinsan ko pa ang gagawa no'n sa kanya.

"Zuc naman.."

Tumigil ako sa paglalakad nang hawakan niya bigla ang braso ko. Humarap ako sa kanya. Pinakita ko ang galit at pagkadismaya sa mukha ko. Pag-aalala lang ang nakita ko sa mukha niya. Hindi ko man lang nakitaan na guilty siya. Nagpupumilit pa nga siyang ngumiti na para bang gusto niya ipaintindi sa akin na walang ibig sabihin ang nakita ko.

"Ano 'yun?! Bakit ka nakikipaghalikan do'n?!" Pinipigilan ko magtaas ng boses. Ayoko may makarinig sa amin dahil medyo malapit kami sa ilang villa.

"Gemma.."

Napatingin ako sa lalaking nakatayo pa din sa kung saan ko sila nahuli kanina. T'yaka ko lang namukhaan na 'yun boss niya na si Thyllis 'yun. Shet lang! May affair siya sa boss niya?! Kaya ba siya pa ang nagsundo sa airport? Do'n din 'yun nagstay ngayon sa villa nila ng family niya. Kaya siguro sila lumabas para hindi sila makita do'n. Grabe talaga si Gemma! Hindi ko na maintindihan kung saan niya kinukuha ang kakapalan ng mukha niya.

"Okay lang ako dito.. mauna ka na.." Sabi pa ni Gemma sa lalaking 'yun. Hinintay niya muna ito makalayo bago ako muling harapin. Sinikap niya uli na ngumiti sa akin. "Ano ba, zuc? Wala lang 'yun. It's just a kiss. Para naman 'di mo ako kilala. There's nothing serious about it. Hindi na 'yun big deal."

Sarap sampalin ng pinsan ko. Hindi ko gusto ang sinagot niya. Napailing na lang ako at sarkastikong tumawa. "Hindi big deal?! Wow! Hindi kita kinakaya, zuc! Ikakasal ka na bukas, nakuha mo pa makipaghalikan sa iba?!"

"Exactly! Ikakasal na ako bukas.. kaya ngayon ko ginagawa.. last na 'to, zuc.. hindi na mauulit.. after the wedding.. I promise! Magpapakatino na ako, zuc.. I will be forever loyal to Justin.. trust me!"

"Fudge! Ibang klase ka talaga!" Hindi ko mapigilan ang pag-iling ko habang nakaawang ang bibig ko. Pikon na pikon ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ganyan niya dedepensahan ang sarili niya. "Kapag ito nalaman ni Justin.."

"Bakit? Sasabihin mo?" Para bang naghahamon pa siya sa akin. Nakangiti pa din siya na para bang nang-iinis pa. "Sige, zuc.. sabihin mo kay Justin.. isumbong mo sa kanya na nakikipaghalikan ako kay Thyllis para magalit siya sa akin at umayaw na siya sa kasal namin.. 'yun naman ang gusto mo 'di ba? 'Yun naman talaga ang gusto mo.."

"What?!" Mas lalo akong naaasar sa mga pinagsasabi niya. Bakit parang ako pa 'yun may ginawang kasalanan kung makabintang siya? Okay, may kasalanan nga ako sa kanya pero pinigilan kong ipaglaban 'yun pagmamahal ko kay Justin para sa kanya.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon