Chapter 28

247 13 0
                                    

Grabe 'yun kaba ko nang magising ako sa tawag ni Daddy kinabukasan. Sobrang aga pa. Hindi ko na nga ginising si Jasper. Lumabas na lang ako ng kwarto para kausapin siya.

Pinagalitan ako ni Daddy. Bakit daw ba kami nagmamadali magpakasal ni Jasper? Ganyan din ang unang reaction ng mga pinsan ko no'n sinabi ko 'yun sa kanila. Nadinig ko pa ang pag-iyak ni Mommy habang kausap ko si Daddy. Sure ako na nakaloudspeaker sila do'n habang kausap ako.

Akala ko tanggap na nila si Jasper pero parang hindi pa din pala. Pinapapunta niya kami sa bahay mamaya. Kakausapin daw niya si Jasper. Umoo na lang ako kahit 'di ko sure kung makakapunta ba talaga kami.

Sumilip ako sa kwarto nang matapos kami mag-usap ni Daddy. Mahimbing pa din ang tulog ni Jasper. Nagluto muna ako ng breakfast namin at naligo. Yayayain ko uli si Jasper magsimba mamaya. Maaga pa naman, eh. Tapos pupunta kami sa bahay. Sana lang wala siyang lakad. Kailangan niya magpagood shot sa parents ko talaga.

Nanonood ako ng TV habang hinihintay ko magising si Jasper nang biglang tumunog ang doorbell. Kinabahan ako bigla. Sino naman kaya 'to? Kung kailan talaga nandito si Jasper t'yaka biglang may bumibisita sa akin na sobrang aga. Mag-a-alas nuwebe pa lang ng umaga.

"Uy! Anong ginagawa n'yo dito?" Ang lakas ng kaba ko. Konti lang ang pagkakabukas ko ng pinto. Sinilip ko lang talaga kung sino ang bumisita sa'kin nang ganito kaaga.

Tinaasan ako ng kilay ni Paula. "Walang balak magpapasok?" T'yaka ko lang nilakihan ang pagkakabukas sa pinto para makapasok sila.

Medyo natataranta na ako pero hindi ako masyado nagpahalata. 'Wag muna sana magising si Jasper. Lagot ako kay Paula.

"Wow! Ready na pala ang breakfast. Pakain kami, zuc. Hindi man lang kami pinakain nitong si Justin, eh." Tumatawang sabi pa ni Paula habang binubuksan niya ang mga nakatakip na pagkain sa lamesa. Kumuha pa siya ng plato para sa aming apat. Feel at home talaga 'tong babaeng 'to, eh.

"Sorry, Andie. Aga namin mambulabog. Kanila Justin kasi kami natulog kagabi. Eh hindi pala nakapaggrocery si Justin kaya nagyaya 'tong si Paula dito dahil panigurado daw may pagkain ka dito." Tumatawa pero nahihiyang sabi naman ni Amboy.

"See? Tama ako 'di ba? Ang daming pagkain kahit siya lang mag-isa. Iba talaga kapag matakaw." Ngumisi pa sa amin si Paula. Inilapag na niya sa lamesa ang mga plato at kubyertos na kinuha niya. Umupo na silang dalawa ni Amboy do'n.

Nanatili akong tulala. Hindi ako makapagsalita agad. Napatingin lang ako kay Justin na nanatiling nakatayo at nakatingin din sa akin. Ngumiti siya nang makita niya akong tumingin sa kanya. Nagbawi na lang ako ng tingin at para akong natauhan. Kumuha ako ng baso para sa kanila.

"Gusto n'yo ba ng kape? O juice na lang?" Tanong ko sa kanila.

"Kahit ano, zuc." Sagot ni Paula. "Justin, umupo ka na. Hindi mo ba namiss ang luto ni zuc?"

Siraulo talaga 'tong si Paula. Kunwari na lang 'di ko nadinig ang sinabi niya. Binuksan ko ang ref para kumuha ng pineapple juice. 'Yun na lang ipapainom ko para hindi na ako magtitimpla. Inilapag ko 'yun sa lamesa pati ang mga baso na kinuha ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Paula nang mapansin niyang nakatayo lang ako habang pinagmamasdan silang tatlo na kumakain. Para sa amin dalawa sana ni Jasper 'yun, eh. Buti na lang talaga madami akong niluto for breakfast. Malakas talaga kami kumain kasi ni Jasper lalo kapag breakfast.

"H-Hindi pa. Ayos lang. Ubusin n'yo na. Magluluto na lang uli ako." Tumalikod na ako sa kanila at kumuha ng corned beef at egg para iluto. 'Yun na lang ang kakainin namin ni Jasper. Magsasaing na lang din ako dahil mukhang mauubos nila 'yun sinangag ko. "Pumunta lang talaga kayo dito para kumain? Grabe kayo 'ha? Ang daming resto sa labas o kaya fastfood do'n na sana kayo nagbreakfast." Reklamo ko.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon