Chapter 70

238 16 0
                                    

Awa, galit, pag-aalala at pagkabigla.. 'yan ang mga emosyon na nakita ko sa mukha ng mga pinsan kong sina Paula, Margareth at Gemma nang ipagtapat ko sa kanila ang problemang pinagdadaanan ko ngayon nang dumiretso kami ni Toffee sa bahay nina Margareth pagkatapos nang pagkikita namin ng lola ni Jasper. Sa bahay na lang nila napagkasunduan na magkita-kita dahil umalis ang Mommy niya.

Panay ang iyak ng tatlo kong pinsan at sabay-sabay pa akong niyakap kaya mas lalo tuloy akong naiyak. Kaya ayoko talaga minsan na kino-comfort ako dahil imbes na tumahan ako ay mas lalo lang bumibigay ang emosyon ko. Si Toffee at Amboy ay tahimik lang na nakaupo sa sofa habang nagdadramahan kaming magpipinsan.

Para akong baliw na tumatawa habang nagpupunas ng sariling luha nang pakawalan nila ako.

"Ano? P'wede na bang entry sa MMK? Kikita pa tayo ng 10K." Biro ko sa kanila. Ayoko na talaga umiyak.

"Gaga ka! Ako ang magpapasa. Kailangan ko ng pera." Sinakyan na lang ni Gemma ang biro ko.

"Bruha ka talaga, zuc! Hatian mo 'ko!" May paghampas pa si Marge sa braso ni Gemma at nagtawanan na lang kaming tatlo habang pare-parehas pa din kaming nagpupunas ng mga luha namin.

Alam ko naman na kahit nasasaktan din sila sa nangyari sa akin ay ayaw nilang mas lalo akong malugmok at mamroblema. Hangga't maaari ganyan sila. Gusto nila na pagaanin na lang ang sitwasyon lalo na kung alam naman nilang hopeless case na ang problema.

"Okay ka lang ba talaga, zuc?" Ito lang talagang si Paula ang sobrang affected sa pangyayari sa buhay ko. Hindi niya minsan kayang biruin ako kapag alam niyang sobrang nasasaktan na ako. Minsan nga iniisip ko kung pinsan ko ba talaga siya o siya ang tunay kong ina. Kaso hindi naman siguro niya ako pinagbuntis no'n two years old pa lang siya.

"Okay lang, zuc. Kaso nahihirapan ako sa pinapagawa sa'kin ni Lola. 'Di ko alam kung kaya ko pa makita si Jasper, eh. Kaso naaawa din ako sa kanya. Ayoko naman masira ang buhay niya nang dahil lang sa'kin."

"Anong dahil sa'yo? Kung magpakasira siya hindi mo 'yun kasalanan. Bakit mo sisisihin ang sarili mo? Siya naman ang gumawa ng problema.. hindi naman ikaw!" Galit na naman si Paula. Natahimik na lang ang iba at nanatiling nakikinig sa amin dalawa.

"Zuc naman.." Wala na akong masabi. Hindi ko alam kung ano bang tamang sagot ko sa sinabi niya.

"Mas okay na 'yan, zuc.. bago pa kayo ikasal nalaman mo na 'yun gawain niya.. grabe siya! Wala siyang respeto sa babae! Kahit higad 'yun Cheska nakakaawa din naman siya 'no?!" Asar na sabi pa niya.

Natahimik ako saglit. Naisip ko 'yun kasalanan nagawa ko dati. Kaya hindi din sobrang tindi ng galit ko kay Jasper kasi alam ko sa sarili ko na nagkulang din ako sa kanya kaya niya 'yun nagawa at may nagawa din akong hindi katanggap-tanggap at wala akong balak na ipaalam pa 'yun sa kanila.

"'Wag ka na makipagkita kay Jasper." Hindi ko malaman kung pakiusap ba 'yun o inuutusan ako ni Paula na 'yun ang gawin ko. Kaso may parte sa puso ko na gusto ko pa din makita talaga si Jasper. Ang gulo-gulo ko talaga. Sobrang gulo dahil hindi magkasundo palagi ang puso't isip ko.

"Bahala na, zuc.. pag-iisipan kong maigi.." Pero nakaoo na ako sa lola ni Jasper. Ayokong biguin si Lola pero sana maintindihan ako nina Paula kung sakaling makipagkita nga ako.

"Sayang si Justin.. three days pa lang ata siya nakakaalis nang maghiwalay kayo ni Jasper.. kung nandito pa sana siya isa siya sa nagco-comfort sa'yo.. o 'di ba?! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.." Nagsimula na naman manukso si Gemma. Ayaw talaga niya makakita ng sobrang madrama.

"Yeah right.. what if kayo nga talaga ni Justin kasi ang meant to be, zuc?" Nakangising sabi pa ni Margareth.

Napasulyap na lang ako kay Paula at Toffee. Sila lang dalawa ang nakakaalam sa pagtataksil namin noon. Pero kaagad lang din ako nagbawi ng tingin sa kanila bago pa mahalata ng iba na may tinatago kami.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon