Chapter 82

273 11 11
                                    

Sorry ngayon lang uli nakapag-update! Sobrang busy lang talaga. Thank you for reading AngelaJaneMagculang at sa pinakabatang reader ko na si jimin1716 salamat kahit ang kulit-kulit mo pero ang cute mo kausap haha! Sa totoo lang parang ayaw kitang pabasahin ng gawa ko nang malaman kong 12 y/o ka pa lang kasi may matured content pero sige lakdawan mo na lang ang SPG scenes. Haha! Try ko na nga gumawa ng teen fiction next time! Hahaha! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Kapit lang! Tatapusin ko na talaga 'to! Max na ang 'til Chap100 hahahaha!


WARNING: SPG


"Honey, 'yun sasakyan mo nga pala kukunin ko mamaya. Kahapon pa daw ayos 'yun kaso wala akong time kunin kahapon." Kasalukuyan siyang nagbibihis ng polo shirt na uniform nila sa office habang ako naman ay nakaharap sa salamin habang nagbo-blower ng buhok.

"Okay lang. Kahit nga hindi mo muna kunin. Hindi ko naman gagamitin kasi nand'yan ka naman. As if naman payagan mo ako humiwalay ng sasakyan sa'yo kapag papasok tayo sa office. Kulang na lang itali mo'ko sa'yo. Paka-clingy mo." Sagot ko sa kanya. Tumawa na lang ako nang makita ko ang reaksyon niya sa reflection niya sa salamin. Pinanliitan niya lang ako ng mata habang nakakunot ang noo. Ayaw niya na tinatawag siyang clingy. Kahit ako naman ayoko pero aminado ako na clingy talaga kami sa isa't isa.

"Honey, 'ha?!" Suway niya sa akin. Pikon din siya talaga tulad ko. "May meeting ako malapit sa shop mamaya kaya dadaanan ko na lang after. Iwan ko na lang muna sa shop 'yun sasakyan ko tapos 'yun car mo na dalhin ko sa office pagbalik ko?"

"Okay." Ngumiti na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Lumapit siya sa akin nang matapos siya magbihis. Kinuha niya sa akin ang blower at siya ang nagblower sa buhok ko. "Ano pong style gusto n'yo, madam?" Pinaliit pa niya ang boses niya kaya hindi ko naiwasan ang pagtawa ko. Pati brush na hawak ko ay kinuha niya at sinimulan niyang ihagod 'yun sa buhok ko habang bino-blower. Marunong naman na siya dahil tinuruan ko siya dati. Palagi kasi ako nagboblower after maligo kapag lalabas ng bahay para tuyo na agad ang buhok ko. Minsan inaagaw niya 'yun sa akin para siya ang magblower pero literal na pinapatuyo lang talaga niya ang buhok ko kaya tinuruan ko siya kung paano habang ginagamit ang brush.

"Kahit ano vaks! Kung anong maganda sa paningin mo." Tumawa uli ako nang makita ko ang muling pagkunot ng noo niya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi niya ata nagustuhan ang pang-aasar ko sa kanya.

"Anong baks? Bakla? Sino bakla?" Nilapag niya ang blower at hairbrush sa table na nasa harap ko at bigla na lang siyang nagtanggal uli ng polo shirt niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Natatarantang sabi ko nang makita ko sa salamin na tinatanggal niya ang pagkakabutones ng pants niya at binababa na niya ang zipper no'n. Humarap na ako sa kanya at tumayo para pigilan siya sa tangka niyang paghuhubad. "Hoy, Justin! Umayos ka nga!" Sita ko sa kanya.

"Maaga pa, honey. Hindi pa naman tayo male-late. Ipapaalala ko lang sa'yo kung sino 'yan baklang sinasabi mo." Ngumisi siya sa akin at napatili na lang ako nang bigla niya akong yakapin matapos niya mahubad ang pants niya.

"Justin!" Umiwas ako sa tangkang paghalik niya sa labi ko pero tinitigan lang niya ako na parang nanunukso at dahan-dahan na hinahaplos ang likod ko. Nabuhay na naman tuloy ang malanding libido ko. "What the fudge?! A-Are you serious?!" Kinakabahan ako talaga. Gagawin ba talaga namin ngayon?! Ano ba 'tong si Justin?! Ang aga!

"We'll just make it quick, honey." Nakangising sabi niya at wala na akong nagawa nang nahuli na niya ang bibig ko para halikan at unti-unti na niya akong naitulak papunta sa kama.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon