Chapter 66

226 14 3
                                    

Thanks po QueenieeKitty sa pagsupport ng Book 1 at itong Book 2.. naaaliw ako sa'yo kaya keep it up! Charot! Haha! Thanks din po sa mga nagparamdam sa notifs ko.. salamat sa pagvote mihhuquihportia, CristyLaurente4 & zaiamz mababaw lang talaga kaligayahan ko.. haha! Salamat! Sa mga nagbasa.. patuloy na nagbabasa.. at magbabasa pa lang.. maraming-maraming salamat po pati sa silent readers... :)


"Happy monthsary uli, babe!"

"Happy monthsary din." Ngumiti ako kay Jasper at tinanggal ko na ang pagkakakabit ng seatbelt ko.

Sinundo niya ako kaninang lunchbreak para daw sabay na kami maglunch dahil monthsary namin. May aasikasuhin daw kasi siya mamaya sa bar kaya pagkasundo niya sa akin mamaya ay kailangan na din niya agad umalis. Nagpareserve daw siya sa isang resto malapit sa office kaya no need na maghintay pa kami ng food. Muntik na kasi ako hindi sumama nang magtext siya kanina para yayain ako kasi baka malate ako pagbalik. One hour lang kasi ang lunchbreak namin.

"May ten minutes pa. Sabi ko sa'yo hindi ka male-late, eh." Bahagyang tumawa pa si Jasper pagkatapos ay hinawakan ako sa pisngi at mabilis akong hinalikan sa labi. "Sunduin na lang kita mamaya."

"Okay." Ngumiti na lang uli ako sa kanya at binuksan ko na ang pinto. "Iwan ko na 'to dito 'ha?" Tukoy ko sa bouquet na bigay niya kanina na iniwan ko sa backseat. Ayoko talagang nagdadala ng flowers sa office. Nahihiya ako dahil paniguradong kakantyawan ako ng officemates ko.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti. "I love you. See you later, babe."

"I love you too." Pagkasabi ko no'n ay tuluyan na akong bumaba at dumiretso na agad ako papasok ng lobby ng building. Sa harap na lang kasi niya ako ibinaba at hindi na sa basement.

Hindi ko alam kung nahalata ba ni Jasper ang pagiging matamlay ko ngayon. Sobrang affected pa din kasi ako sa nalaman ko kanina. Nasasaktan talaga ako. Hindi ko dapat maramdaman ito kaso hindi ko naman mapigilan. Ang kaya ko lang gawin ay magpanggap na okay lang ako kahit hindi talaga.

"Andie! Nandito ka na pala!" Masayang bati sa akin ni Melissa nang makita niya ako pagkapasok niya ng CR.

Binuksan ko na muna ang gripo at yumuko ako para magmumog. Kakatapos ko lang kasi magtoothbrush. "Bakit?" Kunot-noong tanong ko habang pinupunasan ko ng tissue ang labi ko at nilagay ko na sa pouch ang mga ginamit ko.

"Nasa canteen kanina si Justin." Kinikilig na balita ni Melissa. Kahit alam na niyang may nakaraan kami ay hindi pa din niya mapigilan hindi kiligin lalo na kapag wala si Charlie. Seloso kasi 'yun. Isa pa, ang akala naman niya wala na talaga akong feelings kay Justin dahil may Jasper na'ko.

"Oh?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Parang bigla akong nanghinayang. Kung hindi kami naglunch together ni Jasper, malamang nagkita kami ni Justin. Wala naman akong balak na guluhin pa siya pero gustong-gusto ko lang talaga siya makita.

"Yeah.. kaso ibang table sila. Kasama kasi niya 'yun girl na nakita ko kanina. May kasama din silang isang lalaki hindi ko kilala kung sino."

Hindi ako makapagsalita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko talaga. Tumabi lang ako at hinila sa gilid si Melissa nang nag-excuse sa'kin ang isa namin officemate para gumamit ng sink. Tuloy-tuloy lang sa pagkukwento si Melissa kaya hindi niya pansin na apektado ako sa kinukwento niya.

"Lumapit lang siya sa amin kanina ni Charlie para mangamusta. Tapos nagbigay ng pasalubong. Grabe! Ang bait niya talaga. Kahit ang tagal niya nawala, hindi nakalimot. Ang daming chocolates. Kaso mas madami nga lang 'yun sa'yo." Ngumiti pa siya sa akin nang nakakaloko.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon