Chapter 12

295 12 0
                                    

WARNING: Medyo SPG


Halos malunod na ako sa mga halik ni Jasper nang ihatid niya ako sa condo. Ito ang unang pagkakataon na pinapasok ko siya sa kwarto ko. First time din na hindi ako tumanggi sa paglalim ng mga halik niya sa akin. Hinayaan ko din siya sa paghaplos niya sa katawan ko.

Ewan ko pero simula nang magpropose si Jasper kanina, nag-iba bigla ang pakitungo ko sa kanya. Bigla akong naging super sweet at sobrang inlove ng pakiramdam ko ngayon. Ang tagal na din nang huli kong maramdaman 'yun. Ginayuma ata ako ni Jasper, eh.

Ikinuwento niya sa akin kanina kung paano niya pinagplanuhan ang surprise marriage proposal niya sa akin. Nagdinner kasi kami after nang nangyaring proposal. Umalis na ang lahat ng tao at kaming dalawa na lang ang natira sa bar at iilang waiter na nagserve sa amin para sa isang candlelight dinner.

Nalaman ko na ang kababata niyang si Cheska pala ay isang event planner at sa kanya siya nagpatulong sa buong setup na mangyayari. Kaya siguro ako kinutuban sa kanya. Kasagwat naman pala kasi ni Jasper. Kaso wala naman si Cheska do'n kanina. Masama daw ang pakiramdam kaya 'yun assistant niya ang nag-asikaso ng lahat.

Mag-asawa pala 'yun couple kanina na umarteng nagpropose. Hindi niya daw alam kung saan kinuha ni Cheska 'yun pati na din ang iba pang nagpanggap na family and friends ng dalawa. Basta gusto lang daw talaga niya maging successful 'yun plano. Kaya sobrang nataranta daw siya kanina nang hindi niya ako mahanap. Akala daw niya hindi pa matutuloy.

Napag-usapan din namin na t'yaka na lang namin sasabihin sa family ko at sa Lola niya ang plano namin pagpapakasal. Pagbalik na lang daw niya siguro galing Boracay. I-schedule na lang daw namin kung kailan sila p'wede mamanhikan.

Tumawa ako nang bigla niya akong halikan sa tenga. Ngayon ko lang nadiscover na may kiliti pala ako do'n. "Babe, stop it." Hindi ko na alam kung paanong iwas ang gagawin ko pero parang nananadya siya na hindi niya tinigilan ang paghalik niya sa akin do'n. Sinubukan kong itulak siya sa bandang dibdib niya pero nakadagan siya sa akin kaya hindi din ako masyado makakilos. "Babe! 'Wag d'yan!" Hindi na talaga ako makatiis. Halos sipain ko na siya at pilit ko pa din siyang tinutulak dahil ayaw niyang tumigil. Parang mamamatay ako sa sobrang kiliti na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya.

Tumigil siya sa paghalik sa akin at tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko para iangat niya ang katawan niya sa pagkakadagan sa akin. "I love you." Ngumiti siya at muli niyang inangkin ang mga labi ko.

Yumakap ako sa likod niya at gumanti sa mga halik niya. Maya-maya pa'y naramdaman kong tinataas niya ang dress na suot ko. "Babe!" Napamulat ako bigla at pinigilan ang dalawa niyang kamay sa tuluyang pag-angat no'n.

"Babe, please. Akala ko p'wede na?" Hinawakan niya ako sa pisngi ko at sumimangot na parang nagpapaawa. Naisip niya sigurong dahil hinayaan ko siyang hawakan ako at papasukin sa kwarto ko ay pumapayag na akong may mangyari sa amin dalawa. Hindi talaga. Hindi ko pa 'yun kaya ibigay sa kanya.

"Sorry, babe." Ngumiti na lang ako at hinalikan siya nang mabilis sa labi. Tinulak ko siya at bumangon ako para umupo. Siya naman ay pabagsak na inihiga ang katawan sa kama ko. Nadinig ko pa ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Hinaplos ko na lang siya sa braso niya. "Halika. Kainin natin 'yun cake na binili ko last night para sa anniversary natin sana kaso hindi mo naman ako sinipot."

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti. "Okay." Bumangon siya at nauna nang tumayo sa akin palabas ng kwarto. "CR muna ako, babe. Ang sakit ng puson ko sa'yo. Grabe ka! Kung hindi lang talaga kita mahal." Tumatawa pa siya habang naglalakad patungo sa pinto ng kwarto ko. Nasa labas kasi ang CR.

Namula na lang ako sa sinabi niya. Wala talagang kahihiyan sa'kin 'tong lalaking 'to. Ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong unan pero mabilis siyang nakalabas ng pinto. "Siraulo!"

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon