Chapter 51

217 12 4
                                    

WARNING: SPG


"Honey.." Umiiyak na sinundan ako ni Justin nang magtuloy-tuloy ako pumasok sa kwarto niya.

Kanina ko pa siya hindi kinikibo sa sasakyan nang pauwi na kami. Tahimik lang akong umiiyak kanina. Ayoko siyang kausapin. Hindi ako galit sa kanya. Wala akong dapat ikagalit. Kung may dapat ako sisihin sa mga nangyayari, ako lang naman dapat 'yun. Kung hindi ako naging marupok, hindi ko naman papatulan si Justin uli. Masyado kong inisip ang sarili ko bago ibang tao sa paligid namin. Ang dami ko nang nasasaktan. Okay na siguro na kaming dalawa na lang ni Justin ang masaktan. Tutal alam naman namin ang pinasok namin. Kung 'di man ngayon ay dadating din naman kami sa punto nang paghihiwalay. Papaagahin ko lang naman tapusin ang relasyon namin bago pa mas dumami ang makaalam at maapektuhan. Ayoko nang lumala pa masyado. Nakakatakot na. Sobrang nakakatakot na.

Binuksan ko ang closet na pinaglalagyan ko ng mga damit ko. Kinuha ko din ang sports bag at backpack na pinaglagyan ko dati ng mga gamit ko. Hindi kakasya ang lahat ng 'yun sa dalawang bag na ito sa sobrang dami na ng gamit ko dito.

"P'wedeng pahiram ng kahit anong malaki mong bag? Isasauli ko na lang." May nakita ako do'n malaking luggage na nasa loob ng ilalim na bahagi ng cabinet. Kinuha ko 'yun. Siguro naman kakasya na lahat ng gamit ko dito. "Pahiram ako, Justin, 'ha?" Malumanay ang pagsasalita ko. Ingat na ingat akong mabasag ang boses ko dahil magtutuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko.

Ayoko magpakita ng emosyon kay Justin. Ayokong maawa sa kanya. Ayoko din umiyak sa harap niya. Ayokong maramdaman niya na p'wede pa mabago ang desisyon ko kasi desidido na ako. Iiwan ko na siya.

"Honey.. 'wag mo naman gawin sa'kin 'to.." Lumapit siya sa akin habang kinukuha ko ang mga damit ko at nilalagay ko sa bag. Niyakap niya ako mula sa likod. "Bakit mo ba kinukuha mga gamit mo? 'Wag mo naman akong iwan.." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Mahal na mahal kita, honey.."

Saglit akong natigilan pero pinagpatuloy ko pa din ang ginagawa ko kahit patuloy pa din ang pagyakap at pag-iyak niya sa likod ko. Napalunok na lang ako para mapigilan ko ang pag-iyak ko. Ayoko na muna umiyak. Baka bumigay na naman ako at hindi ko na ituloy ang pag-iwan ko sa kanya.

"Justin.. kailangan. Hindi ko din gusto pero kailangan.." Huminga lang ako ng malalim at pilit kong tinanggal ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. "Please.. umupo ka muna. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko. Inaantok na din ako. Gusto ko na matulog." Hindi ko siya nililingon. Pinagpatuloy ko lang ang pag-iimpake.

Naramdaman ko ang paglayo niya at paglabas sa kwarto. Hindi niya sinara ang pinto nang lumabas siya. Sinamantala ko na din na wala siya dito kaya iniiyak ko na ang kanina ko pa pinipigilang mga luha sa mga mata ko. Sobrang sikip na ng dibdib ko. Sobrang labag sa kalooban ko itong ginagawa ko na ito. Bakit ba kasi naghiwalay pa kami dati? Bakit ba nagkabalikan pa kami ng mga oras na may nagmamay-ari na sa akin? Bakit kailan namin uli maghiwalay ngayon samantalang siya naman ang mahal ko? Ang dami kong tanong pero alam ko din naman ang sagot. Ito kasi ang tama. Ang pag-iwan sa kanya ang tama. Para wala nang madamay. Wala na masyadong masasaktan.

Ipinatong ko ang sports bag ko sa luggage ni Justin. Isinakbit ko na din sa likod ko ang backpack ko at hinila ko na ang luggage palabas. Medyo mabigat pero kaya naman.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Justin na nakadapa sa sofa. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya para magpaalam o sasamantalahin ko nang tulog siya para umalis na. Dumiretso ako sa pinto. Bubuksan ko na sana 'yun para lumabas na pero biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na hindi ko man lang magawang magpaalam ng maayos kay Justin.

Ibinaba ko ang suot kong backpack at ipinatong sa lapag katabi ng luggage na dala ko. Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad palapit kay Justin. Sa bawat pagpunas ng luha ko ay patuloy pa din ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga 'yun.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon