Chapter 103

241 14 14
                                    

Mahigit isang linggo na akong hindi kinukulit ni Justin. Sobrang pinagpapasalamat ko 'yun. Pero hindi ko maitatanggi na nami-miss ko din siya. Hindi ko na siya nakikita sa office building. Sabi ni Melissa, hindi na daw kumakain si Justin sa canteen kaya do'n na uli ako kumakain. Sa totoo lang, nagbabaka-sakali din ako na bigla siyang pumunta sa canteen para kumain. Gusto ko talaga siya makita kahit hindi ko naman siya papansinin. Okay na ako na masilayan ko man lang siya kahit saglit lang. Last weekend, tumambay kami sa bahay nina Paula. Sinadya kong magpunta dahil inasahan kong pupunta din siya pero hindi siya uli nagpakita. Sobrang nadismaya ako. Ang weird ko talaga.

-"Zuc, sama ka sa Sabado. May nakita ng venue si Justin para sa wedding namin sa Batangas. Do'n na gaganapin ang kasal at reception. Kasama sina Paula at Marge pero sabi ni Paula ako na daw magsabi sa'yo."-

Na-excite ako kahit papaano sa binalitang 'yun ni Gemma kahit na medyo kumirot ang puso ko na ito na talaga.. malapit na talaga silang magpakasal. Pero ang kagandahan no'n.. makikita ko uli si Justin. Kaso hindi ko p'wedeng ipakita na masaya ako sa posibilidad na 'yun.

"Bakit? Anong gagawin namin do'n?" Nakaharap ako sa laptop ko at bina-browse ko isa-isa ang mga pictures namin ni Justin na nakasave sa folder ko do'n.

Halos gabi-gabi kong tinitidnan ang pictures namin simula nang hindi na ako kulitin ni Justin. Sobrang nami-miss ko na kasi talaga siya kaya nakukuntento na ako do'n. Hindi ko kasi magawang i-save sa iPad o cellphone ko dahil baka mapakialaman pa ng mga pinsan ko at makitang may tinatago pa akong pictures namin dalawa.

-"Edi do'n kayo magbonding this weekend para maiba naman. Bibisitahin nila 'yun venue. May free accommodation si Justin do'n. May complimentary siya kasi nag-invest na daw siya do'n. Bagong tayong resort daw kasi 'yun. Sobrang ganda daw talaga. In-offer-an daw siya na maging shareholder. Mura lang naman daw kaya grab agad ang lolo mo! Atleast magandang investment 'yun 'di ba? May free vacation na sa beach na hilig naman natin lahat, kikita pa kami. Sabi nga ni Justin kapag mas nakaipon pa kami, bibili daw siya ng property na malapit sa beach then papatayo kami ng sariling bahay do'n. Oh 'di ba bongga?!"-

"Talaga?" Hindi ko maiwasan na hindi mainggit. Beach. Pangarap kong tumira sa tabi ng beach. Ang swerte ni Gemma. 'Yun mga pangarap ko dati na kasama si Justin, kay Gemma niya tinutupad ngayon.

-"Yup. So 'yun nga! Bale 'yun kasal sa tabing dagat gagawin tapos 'yun reception, may function hall do'n. Malaki daw. Maganda daw."-

Ang saya-saya magkwento ni Gemma. Hindi ko na nga masyado iniintindi dahil naiinggit na talaga ako.

Pumayag na lang ako sa gusto niya. Sasama ako kahit medyo labag sa kalooban ko. Tingin ko naman hindi pa 'yun masyadong masakit dahil wala naman si Gemma do'n. Isa pa, ayoko din maisip pa ng mga pinsan ko na iniiwasan ko si Justin.

Dumating ang araw ng Sabado. Maaga kaming umalis. 'Yun van nina Gemma ang ginamit namin para isa na lang daw ang dalhin at mas komportable kami dahil maluwag. Ipinaalam daw niya 'yun sa Dad niya at pumayag naman. Si Justin ang kumuha no'n sa kanila kagabi. Ang usapan ay sa bahay nina Paula ang meeting place kaya do'n na ako nakitulog sa kanila kagabi pagkagaling ko sa trabaho. Sina Marge at Toffee naman ay maagang dumating kanina.

Mag-isa ako sa pinakalikod ng van. Nasa unahan ko ang tulog na si Paula at katabi niya ding natutulog si Guian. Nakahiga ito at ginawang unan ang mga hita niya. Sa bandang unahan ni Paula nakaupo sina Toffee at Marge na mukhang mahimbing na din ang tulog. Si Justin ang nagda-drive. Katabi niya si Amboy para siya naman daw ang magdrive kapag napagod na siya. Medyo malayo kasi ang beach resort na pupuntahan namin. Sa may San Juan, Batangas pa daw.

Ang tahimik sa van. Tanging music lang na nagmumula sa car stereo ang nadidinig kong ingay. Mukhang nakatulog na din si Amboy. Gusto ko sana matulog pero hindi naman ako inaantok. Nakatingin lang ako sa labas.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon