Chapter 94

235 12 20
                                    

Thanks po sa floodvotes roselyncandidato :)


Naging normal ang takbo ng mga sumunod na araw para sa akin taliwas sa inaasahan ko. Walang nangahas na tanungin ako tungkol sa mga nasabi ko no'n nakaraang birthday party ko. Hindi ko alam kung pinag-uusapan ba nila ako kapag hindi ako nakaharap pero ayos lang naman. Hindi na naman maaalis sa ugali ng mga tao na pag-usapan ang ilang taong kakilala nila lalo na kung curious sila sa nangyayari. Naiintindihan ko 'yun at hindi naman sumasama ang loob ko. Ayos lang.. ayos lang talaga.

Isa lang naman ang hindi ayos sa akin. Wala na talaga si Justin. Hindi na niya ako kinakausap. 'Yun ang pinakanakakadurog ng puso na kinahinatnan ng desisyon ko. Akala ko p'wede na maging magkaibigan kami kahit wala na kami kaso hindi pala lahat ng tingin kong p'wedeng mangyari ay p'wede talaga. Minsan, ang akala kong tama ay hindi katanggap-tanggap sa iba. Iniintindi ko na lang. Nasaktan ko ng sobra si Justin, eh. Nasaktan ko na naman siya ng sobra.

"Bukas na alis niya." Bulong sa akin ni Gemma habang nakatingin siya kay Justin na karga si baby Guian habang nagpapapicture sa may bandang harap ng simbahan.

Kakatapos lang ng seremonya ng binyag ni Guian. Isa-isa kasi kaming mga ninong at ninang na nagpapapicture dito. Si Justin ang huling nagpakuha ng litrato.

"Hmm?" Kunwari'y hindi ko nadinig ang sinabi niya. Niwala ko ang tingin ko kay Justin at binaling ko na lang kay Gemma. Marahil napansin niyang kanina pa ako nakatingin dito. Pasimple nga din akong kumuha ng picture ni Justin kasama si baby Guian kanina. Hindi ko lang alam kung may nakakita ba sa akin sa ginawa kong 'yun. Gusto ko lang naman na kuhanan siya ng larawan habang nandito pa siya. Hindi ko na kasi alam kung hanggang kailan ko pa siya makikita. Hindi ko pa nga alam pero nalulungkot na ako. Pero ngayong alam ko nang huling araw na ito na masisilayan ko ng personal si Justin ay nagpabigat na naman sa nararamdaman ko. Kaso, ayokong umiyak. Tapos na birthday ko. Hindi na dapat ako maging ganapera. Ayoko na magdrama.

"Bukas ng umaga flight niya pa-Singapore. Tinanong ko siya kanina."

"Okay.." Mahinang sagot ko na lang at tumalikod na ako. "Xia.." Tawag ko pa dito na panay ang kuha ng litrato sa mga nagpapapicture kay baby. Nauna na akong naglakad palabas ng simbahan dahil tapos na din naman magpicture-an.

Papunta na kami sa reception. Si Xia ang kasabay ko sa sasakyan ko. Invited din kasi siya nina Paula. Para kasing inampon na din namin siya sa magpipinsan simula nang maging close siya sa akin.

"Ate.. ang dami kong kuha kay Kuya Justin. Send ko sa'yo?" Parang nanunukso pang sabi ni Xia sa akin habang nagda-drive na ako papunta sa reception.

"Baliw!" Napapangiting sabi ko lang. Alam naman kasi ni Xia na mahal ko pa din talaga si Justin. Nasabi ko din sa kanya ang tungkol sa pag-alis nito nang magkwentuhan kami kagabi dahil sa condo siya natulog. Saglit akong sumulyap kay Xia. "Send mo sa Viber."

"Ayieeehhh! Talaga naman! Akala ko ayaw mo gusto mo din pala." Nang-aasar pang sabi niya habang panay ang pindot sa screen ng cellphone niya. Marahil ay sinesend na sa akin ang pictures.

"Memories... bakit ba?" Nangingiting sabi ko na lang kahit sa kaloob-looban ko ay nalulungkot ako. Last na 'to, eh. Baka hindi ko na uli siya makita.

Habang nasa reception kami ay panay lang ang palihim kong sulyap kay Justin. Dalawang table ang pagitan nang inuupuan namin. Dati-rati'y katabi ko siya sa ganitong mga event pero ngayon ay kasama niya ang mga barkada nila ni Amboy. Mukha naman siyang masaya. Nakikitawa siya sa kwentuhan ng barkada niya. Well, at least tumatawa na siya. Hindi naman na siguro siya masyadong malungkot dahil sa paghihiwalay namin.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon