Chapter 8

318 11 1
                                    

"Kailangan ko pa bang ipaalam sa'yo? Naghanap ng condo, edi inalok ko. 'Yun naman ang trabaho ko. Sure buyer naman kaya grab ko na. Pera din 'yun, 'no?!"

Pagkagaling ko sa trabaho ay dumiretso na ako sa condo nina Kuya para komprontahin siya. Tutal weekend naman na at wala kaming pasok bukas kaya do'n na lang din ako matutulog. Namimiss ko na din kasi si Yanyan.

Umiiwas din ako na makita ko pa si Justin sa condo. Ayoko talaga siyang makita. Medyo windang pa din ako sa mga kwento niya kagabi. Super turnoff talaga. Akala ata niya kinamacho niya lalo 'yun.

Ayoko din makita si Jasper. Nagpaalam lang ako umuwi nang maaga kanina kaya hindi na niya ako naabutan sa office. Nagtext siya sa akin kanina na nasa basement carpark siya ng building namin pero hindi ako nagreply. Tumawag din siya pero hindi ko sinagot. Manigas siya do'n. Nagpunta din siya kagabi sa condo para suyuin ako, hindi ko talaga siya pinagbuksan ng pinto. Pinalayas ko lang siya nang tumawag siya sa akin kagabi para pagbuksan ko siya. Tama lang talaga ang desisyon ko na hindi ipaalam sa kanya ang passcode ng condo unit ko.

Muntik ko na ibigay talaga sa kanya dati nang binigay niya sa akin ang passcode ng unit niya para daw 'wag na ako magduda na nagdadala siya ng babae sa condo niya. Pero, never naman ako nagsurprise visit sa kanya para bistuhin siya if ever. 'Di din naman ako tanga para maniwalang wala siyang babae talaga. S'yempre sa iba niya na 'yun dadalhin at hindi sa mismong condo niya.

"Ang daming condo, Kuya. Same tower pa talaga ang inalok mo 'ha?" 'Di ko alam bakit ako naiirita. Pero gusto ko lang talaga malaman kung sinadya ba ni Justin na do'n siya tumira.

Tinidnan lang ako ni Kuya habang nagtitimpla ng gatas ni Yanyan. Nakaupo ako sa dining chair habang kinukulit siya. Naiinis kasi talaga ako. "Ano bang problema? Akala ko ba nakamove on ka na eh bakit affected ka pa din?" Ngumisi lang siya sa akin kaya lalo akong naasar. Tinakluban na niya ang lalagyan ng gatas at inalog na ang feeding bottle habang naglalakad papunta sa living room kung saan karga ni Lana si Yanyan para patulugin. Sinundan ko siya hanggang do'n.

Bakit nga ba affected pa din ako? Hindi ko din alam. Feeling ko kasi may binabalak 'tong mga 'to palibhasa ayaw nila kay Jasper. O sadyang paranoid lang ako? Nabubuhay na naman kasi 'yun nilubog kong pagmamahal kay Justin. At ayokong umusbong uli 'yun. Hangga't maaari, pipigilan ko ang nararamdaman ko. Lalo na ngayon na alam ko na kung anong klaseng pagkatao na ang meron siya ngayon. Okay na ako kay Jasper.

"Ipasok ko na muna sa kwarto si Yanyan para makatulog na." Paalam ni Lana sa amin nang iabot sa kanya ni Kuya ang tinimplang gatas nito.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin uli kay Kuya na umupo sa sofa at nagbukas ng TV.

"Hindi ako affected. Naiirita lang ako na ikaw pa ang nag-alok para do'n siya tumira." Umupo ako sa tabi niya at sinuntok ko ang braso niya. As usual, tinawanan niya lang uli ako.

"Andie, alam mo naman in demand ang condo ngayon. Nagkataong may isa pang available sa tower n'yo at malapit lang do'n ang business niya kaya 'yun ang inalok ko. 3-bedroom unit ang hinahanap niya eh sakto. Edi do'n na."

3-bedroom talaga? Ang laki naman ng unit na kinuha niya. Balak na ba niya mag-asawa? Pero paano siya mag-aasawa eh niloloko lang naman niya 'yun girlfriend niya. Sa kanya na nanggaling, kung kani-kaninong babae siya pumapatol at nakita ko pa nga siya isang beses na pumasok ng motel. Kadiri talaga.

"Anong business niya?" Bigla ko na lang naitanong.

"Construction firm ang alam ko. Nagrerent sila ng office space around BGC area. T'yaka ang alam ko kasosyo din niya si Amboy sa auto repair shop sa Makati."

Napanganga na lang ako sa impormasyong nalaman ko. Malaki 'yun auto repair shop ni Amboy. Kasosyo pala niya si Justin do'n? Saan building naman kaya sila nagre-rent para sa construction firm nila?

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon