Chapter 53

275 16 15
                                    

Thank you po sa ate ni MchLCbraL na fan ko daw. Haha! Charot lang! Kahiya! Pero thank you po talaga! Natuwa po ako sa message mo. Sayang 'di mo po sinabi kung ano name mo sa wattpad para mafollow kita. Nakakataba po ng puso sobra 'yun message mo. Thank you din kay @santiagowheng na madalas magvote sa updates ko. Salamat din po sa mga patuloy na nagbabasa at magbabasa pa. Palambing naman po ng vote. Maawa na po kayo! Huhu! Charot lang! Hehe! Leave lang po kayo ng comment or message. Gusto ko talaga kapag nagbibigay kayo ng opinion. Ang sarap sa pakiramdam na nakakausap ko kayo. Thanks! :)


Halos patakbo akong lumapit sa kotse ko pagkalabas ko sa parking lot ng Market Market. Pinatunog ko agad 'yun nang makalapit ako at pumasok agad. Medyo umaambon na kasi at wala akong dalang payong. Ipinatong ko sa backseat ang pinamili kong cake at ilang materials na binili ko sa National Bookstore.

Balak ko i-surprise si Jasper pagdating niya mamaya galing sa gig niya. Magdedesign ako ng kahit ano sa condo niya dahil monthsary nga namin ngayon. Ito na din 'yun magandang pagkakataon para maipakita ko sa kanya na may halaga din siya sa akin at gusto ko siya mapasaya. Mababaw naman ang kaligayahan no'n. Makitaan lang niya ako ng konting sweetness, tuwang-tuwa na 'yun. Konti lang ang oras ko dahil galing pa ako sa trabaho kaya sinadya ko na puntahan ang isang resto kanina para ideliver na lang ang in-order kong pagkain sa condo unit ni Jasper. Nabayaran ko na din naman 'yun. Isa pa, mukhang sawa na siya sa niluluto ko at wala na din naman akong time para magluto pa. Hindi ko din kasi alam kung anong oras ba siya makakauwi.

Alam ko ang passcode ng pinto ni Jasper kaya nakapasok agad ako. Dumiretso akong kusina para ilagay sa ref ang cake pagkatapos ay nagpunta ako sa living room at inilabas sa ecobag ang mga pinamili ko. Hindi ako p'wede magsayang ng oras dahil gabi na din. Anytime ay dadating na ang pinadeliver ko at posibleng dumating na din maya-maya si Jasper kaya kailangan ko magmadali.

Sa totoo lang hindi ko pa alam kung anong design ba ang gagawin ko. Siguro'y magcutout na lang ako ng mga letters and numbers para i-form ng 'Happy 14th Monthsary Babe!' tapos lalagyan ko na lang ng design sa paligid. Hindi naman siguro siya magagalit kung didikitan ko ang wall niya. Hindi naman heavy duty ang binili kong double-sided tape kaya matatanggal din 'yun agad at hindi masisira ang dingding niya.

Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya tumayo muna ako para pumunta ng kusina at uminom ng malamig na tubig. Pabalik na ako sa living room nang mapansin kong may kalat malapit sa pinto ng kwarto ni Jasper kaya nilapitan ko muna 'yun para pulutin. T-shirt ni Jasper pala 'yun. Ang kalat talaga niya. Kahit saan na lang iniitsa ang damit. Pagkapulot ko no'n ay pupunta na sana ako sa laundry area niya kung saan do'n nakalagay ang marurumi niyang damit ngunit parang nakarinig ako ng ingay mula sa kwarto niya.

Nandito ata si Jasper. Nasa loob siya ng kwarto. Biglang bumilis ang dagundong ng puso ko nang marinig ko na naman ang ingay mula sa loob. Kinilabutan ako sa mga nadidinig ko. Hindi ako maaaring magkamali. Ungol 'yun ng isang babae. Nagdadala siya ng babae dito? Unti-unti kong binuksan ang pinto at halos manlaki ang mata ko at napatakip na lang ako sa bibig ko sa nakita ko. May hubad na babaeng nakaupo at nakapatong sa harap ni Jasper habang nakahiga siya. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung anong ginagawa nila.

"Oh my god!" Nasabi ko na lang nang makarecover ako. Sapat na para marinig ako ng dalawa at tumingin sila parehas sa akin.

Agad kong sinara nang padabog ang pinto nang makita ko ang biglaang pagbangon ni Jasper. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa pagkabigla.

Tangina! Nakokonsensya ako sa ginagawa namin ni Justin dahil akala ko nagbago na si Jasper at seryoso na siya talaga sa akin pero mas masahol pa pala siya. Dito pa niya dinadala ang babae niya. Sa kwarto niya kung saan madalas niya din akong patulugin?! Shit lang!

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon