Chapter 78

247 14 2
                                    

Sorry ngayon lang po uli mag-update. Nagbakasyon kasi ako. Muni-muni para makapag-isip ng eksena. Charot! Haha! Thanks for reading MudznaHamsaji9, lenemhye  and MariconLongcop salamat po sa flood votes pati na din sa pagbabasa n'yo ng book 1 na si "bestfriend o si ex?!" sana po nagugustuhan n'yo 'yun story. :)


WARNING: Medyo SPG


"B-basa na 'tong sasakyan mo." Nangangatal ako sa lamig nang nakapasok na kami parehas sa loob ng sasakyan niya pero hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Para kaming timang parehas. Basang-basa.

"Okay lang 'yan." Tumatawa din na sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. "Nilalamig ka?" Tumango naman ako kaya hininaan niya ang aircon ng sasakyan niya. Pagkatapos ay humarap siya sa may bandang backseat at inabot ang nakahanger na jacket sa may gilid. "Wear this, honey. Wala akong towel dito, sorry." Inabot niya 'yun sa akin at tinanggap ko naman. "Ah, wait. Alam ko may tissue dito si Angie, eh." Sabi niya habang iniisa-isang buksan ang compartment ng dashboard. "Here." Abot niya sa akin sa tissue nang makita niya 'yun.

Biglang nag-iba ang mood ko sa pagbanggit niya sa girlfriend niya pero hindi na lang ako nagsalita. Ibinalik ko lang sa dashboard ang tissue. Ayokong gamitin 'yun. Ano ako sira? Sa girlfriend niya 'yun, eh. Kahit ba sabihing disposable naman 'yun.

"Magjacket na lang ako." Tumingin ako sa kanya at napansin kong ang sama ng tingin niya sa blouse na suot ko.

"Yeah. You should wear jacket. Ang nipis pala ng suot mo, honey. Next time 'wag ka magsusuot ng ganyan. Paano kung maulanan ka uli tapos wala ka na namang payong? Kitang-kita 'yan bra mo."

Namula naman ako bigla sa sinabi niya at napayuko na lang ako para tidnan ang suot ko. Kita nga naman dahil bukod sa manipis ay white pa ang color ng blouse ko. Automatic na iniharang ko na lang bigla sa bandang dibdib ko ang jacket na bigay niya sa akin.

"Hubarin mo na kaya 'yan blouse mo bago ka magjacket para hindi ka masyadong lamigin. Basang-basa 'yan, eh." Pahabol na sabi niya nang isusuot ko na sana ang jacket niya.

"Huh?! Akala ko naman balik ka na naman sa pagiging conservative mo sa'kin. Tapos paghuhubarin mo lang pala 'ko?" Hindi ko maiwasan na matawa na lang. Tumingin lang ako sa kanya pero seryoso pa din siya.

"Basa 'yan blouse mo, honey. Ako lang naman ang makakakita nang paghuhubad mo ngayon. Kung may ibang tao asa ka naman na paghubarin kita. Ano ako sira?" Sumilay na naman ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "Ako lang ang p'wede makakita d'yan."

"Ewan ko sa'yo! Manyak!" Natatawang sabi ko lang. Hindi ko sinunod ang suggestion niya. Sinuot ko ang jacket niya na hindi hinuhubad ang blouse ko. "Maliligo na lang ako mamaya pagkauwi."

Nagpatuloy lang uli siya sa pagtawa at binuhay na muli ang makina ng sasakyan niya.

"Paano pala tayo ngayon? Magtatago ba tayo ulit? Kailangan natin magdoble ingat para hindi na tayo mahuli tulad ng dati." Seryosong sabi ko nang tinatahak na uli namin ang daan patungong condo.

Ayoko nang may makahuli sa amin dahil ayokong tapusin ang kung ano man ang meron sa amin. Buti na lang walang alam ang pamilya ko tungkol sa girlfriend niya kaya mas madali na para sa akin.

"Huh?! Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Naguguluhang sabi niya. Nakakunot noo pa siya nang saglit siyang sumulyap sa akin.

"Etong relasyon natin. Paano ang setup?"

"Anong setup? What do you mean, honey?"

"May girlfriend ka. Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa akin? 'Yun mommy mo. Kapag nalaman niya 'to-" Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin nang biglang tumawa si Justin.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon