Chapter 34

313 12 0
                                    

After 10 days nakapagUD na din uli.. pasensya na po natuyot na talaga utak ko. Hehe! Anyway, thank u sa mga patuloy na nagbabasa. Nakakatuwa lang 'pag may nagvo-vote or comment sa story na nagagawa ko. Hindi n'yo lang alam kung gaano ako nai-inspire magsulat kapag alam kong may nagbabasa pala talaga. Special thanks to JulieAnnDivad sa pagbabasa po ng mga gawa ko at kay @shedwin0305 dahil sinipag ako mag-update dahil po sa request mo. Hehe! :)


"So.. where do you wanna go?" Nakangiting tanong sa akin ni Justin habang nilalagay niya ang backpack namin dalawa sa backseat ng sasakyan niya. Overnight lang naman kami kaya backpack lang ang dala namin. Kinuha pa niya kagabi ang ibang medyo mabigat sa gamit ko at inilipat sa bag niya para 'di daw ako mabigatan. Grabe talaga 'tong lalaking 'to.

"Ikaw? Kahit saan." Sagot ko. Pumasok na ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"North or South?" Tanong niya bago niya isara ang pinto sa gilid ko.

Hinintay ko siyang makapasok bago uli ako nagsalita. "Anywhere basta kasama kita." Ngumiti ako nang makita ko ang pigil na ngiti niya. "Kinikilig ka?" Tukso ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko habang kinakabit ko ang seatbelt ko.

"I-I can't help it. Masama bang kiligin?" Kinuha niya ang kamay ko at nilapit niya sa labi niya para halikan. "Baguio tayo." Nakangiting sabi niya sa akin. Binitawan din naman niya agad ang kamay ko para paandarin na ang sasakyan niya.

"Baguio? Are you serious? Ang layo." Hindi ako makapaniwala sa gusto niyang puntahan. Maaga pa naman. Lagpas alas sais pa lang ata. Kung pupunta kami do'n, walang problema. Before lunch nando'n na kami malamang. Kaso ang layo talaga. Nakakapagod magdrive ng ganyan.

"Gusto ko nga 'yun malayo para hindi ka na ma-paranoid na may makakita sa'tin kapag magkasama tayo." Tinapunan niya ako ng tingin pero binaling niya din agad ang tingin niya sa unahan habang papalabas siya ng carpark ng condo.

Sinikap kong huwag makatulog habang nasa byahe kami. Panay ang kwento ko kay Justin para hindi din siya mabagot. Mahirap na baka bigla siyang antukin. Ayoko naman madisgrasya pa kami. Paakyat pa naman ang Baguio at wala akong balak na mabisto kami sa gano'n paraan. At hindi ko pa gusto mamatay kahit ba kasama ko pa si Justin.

Sumasabay din kaming dalawa sa pagkanta sa music na nanggagaling sa car stereo niya. Parang bumabalik nga sa'kin 'yun dati no'n mga panahong kami pa. Ganyan kami madalas kapag sinusundo niya ako sa apartment para ihatid sa bahay o kaya may pupuntahan kami. Buhay na kaming dalawa basta may music.. at pagkain. Kakadaan nga lang namin sa drive-thru para may makain kami sa byahe.

"Tell me when you're tired na 'ha? Ako muna magdrive." Nagpresinta na'ko. Kaya ko naman. Hindi naman ako takot kahit 'di ko alam 'tong lugar na dinadaanan namin. Actually, sumusunod lang kami sa direksyon na binibigay sa amin ng Waze app. Nakapunta na ako sa Baguio once no'n team building namin ng teammates ko sa Partridge pero may shuttle service naman kasi kami no'n. Nanggaling na din kaming Sagada dati ni Justin kasama ang mga pinsan ko pero nagcommute lang kami no'n. Walang nangahas na magdala ng sasakyan dahil nakakapagod daw.

"Ikaw? Ayoko nga." Tumatawa-tawa pa siya lalo na nang makita niya ang pagkabusangot ng mukha ko.

"You don't trust my driving skills? Grabe ka! Baka nga mas mabilis pa ako magdrive sa'yo." Nagtaas na lang ako ng kilay habang nakatingin sa kanya.

Sumulyap uli siya saglit sa akin sabay tawa. "Kaya nga ayoko. Kaskasera ka, eh." Pabiro pa niyang sinakal ang batok ko kaya natawa na lang din ako. "But seriously, be careful when you're driving, honey. Hindi porke wala masyadong sasakyan bibilisan mo na ang pagda-drive mo. Baka maaksidente ka pa."

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon