Chapter 92

236 13 26
                                    

Sorry po at ngayon lang uli nag-update. Sana 'wag kayo bumitaw sa pagbabasa nito kasi malapit na talaga matapos. Haha! Thank you for reading ladyin23, MaryJovyHoraceArtigo, and ErikaLagarto. Salamat din po sa pagbabasa yamSofia thank u kasi nagustuhan mo 'yun story. Nakaka-overwhelmed kapag may comment kayong ganyan kasi ang sarap magsulat kapag may nakakaappreciate talaga. Hello pala kay juncemanhid na isang writer din na tulad ko.. masaya akong makakilala ng tulad mo.. apir! hehe! keep on writing! hindi kailangan ng lovelife para mainspire.. hehe!


TOFFEE: Nagleave ako. Sama ako sa Friday. Hingan mo'ko ticket, baby! Please!

Natawa na lang ako kay Toffee nang mabasa ko ang text niya. Fanatic din talaga 'to ng volleyball hanggang ngayon.

Nasa pantry ako para magtimpla muna ng kape dahil inaantok ako. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Pinaiyak kasi ako ng mga pinsan ko kagabi kaya hindi agad ako nakatulog.

Nagsumbong kasi si Gemma kanila Paula, Marge at Jeena. Pikon na pikon kasi siya sa akin kaya siguro hindi nakatiis at binulgar sa kanila ang balak ko. Pang-umaga si Marge sa trabaho kaya sumunod siya sa condo kagabi habang si Paula naman ay tumawag kay Gemma dahil ayaw ko sagutin ang tawag niya. Si Jeena naman ay mine-message lang nila sa groupchat namin.

As usual, pinagalitan nila ako. Hindi nila magets kung ano daw ba ang pinaglalaban ko. Bakit ko daw binabalak na hiwalayan si Justin? Ano na naman daw ba ang kaartehang naiisip ko?

Nagmatigas ako. Hindi naman kasi nila naiintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Tingin ko lang talaga hindi pa ito 'yun tamang panahon para maging kaming dalawa ni Justin. Sisikapin ko naman na maging maayos ang paghihiwalay namin. Susubukan ko na maintindihan ako ni Justin at tanggapin na lang niya ang kagustuhan ko na maghiwalay na muna kami.

Galit sila sa akin kaya hindi na nila uli ako kinausap simula nang nagwalkout sina Gemma at Marge kagabi. Iniintindi ko na lang sila. Hindi nila ako maintindihan kaya ako na lang ang iintindi sa kanila.

AKO: Sure, bespren! Sabihan ko si Xia. See you!

Masaya naman ako dahil kahit galit sa akin sina Marge ay wala naman kinakampihan si Toffee. Isa pa, bestfriend niya ako. Hindi din niya ako kayang tiisin. Pinagsasabihan niya ako kapag alam niyang mali ang nagagawa ko pero hinahayaan niya akong matuto sa mga pagkakamali ko. Nand'yan lang siya para suportahan ako at kahit kailan ay hindi niya inisip na iwan ako.

Bitbit ko ang mug ko para hugasan sa CR nang biglang magvibrate na naman ang cellphone ko. Hinayaan ko na lang na magring 'yun tutal nakasilent naman ang phone ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si Justin na naman.

Simula nang umalis siya papuntang Singapore ay panay ang tawag at text niya sa akin kapag siguro hindi siya busy. Hindi nga lang ako nagre-reply. Hindi ko din sinasagot ang videocall niya sa Skype. Hindi na din ako nag-o-open ng iba ko pang SNS accounts. Ayoko na muna siyang makausap talaga. Hihintayin ko na lang na bumalik siya bago kami mag-usap. Hindi ko naman gusto na mag-alala siya o problemahin niya ako habang nando'n siya pero baka mas lalo lang siyang hindi makapagfocus sa work kapag nakipag-usap agad ako sa kanya. Baka topakin ako at bigla akong makipagbreak thru cellphone habang nando'n pa siya.

"Congrats!" Tili ko nang makita ko si Xia.

Nagtatalon pa kaming dalawa ni Xia habang magkayakap nang lumapit siya sa amin nang matapos ang game nila. Kasama kong nanood si Toffee at ang Kuya Ivan niya. Nasa Korea kasi ang girlfriend ni Ivan kaya hindi niya kasama.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon