Chapter 107

231 13 14
                                    

Thanks for reading Bebegirl_Leanne :)


Ibinaba ko ang kumot na nakatalukbong sa ulo ko nang madinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Lamig na lamig ako. Nakaoff na nga ang aircon dahil bigla akong nilagnat kanina nang maihatid ako ni Justin. Sobrang sama ng pakiramdam ko.

Napilitan akong bumangon para abutin ang cellphone na nasa loob pa ng bag ko at nakapatong sa may table na malapit sa pinto. Ayaw kasi tumigil nang pagtunog no'n.

"H-Hello?" Pati boses ko ay halatang hindi ayos ang pakiramdam ko.

-"Baby.. nasaan ka?"- Si Toffee. Nawala na sa isip ko na sa bahay nga pala nila ang bonding namin ngayon weekend.

"Babes.. sorry masama pakiramdam ko.."

-"Bakit? Anong nangyari sa'yo?"- Nag-aalalang tanong niya. -"Masama daw pakiramdam ni Andie."- Dinig ko pang sabi ni Toffee sa kung sino man ang kasama niya ngayon. Malamang nando'n na silang lahat at ako lang ang wala.

"Babes.." Tinawag ko na lang siya para bumalik ang atensyon niya sa akin. "Sino nand'yan? Nand'yan na ba sila lahat?" Naglakad ako pabalik sa kama at muling nagtago sa loob ng kumot. Nilalamig talaga ako.

-"Oo.. ikaw lang wala dito.. akala ko male-late ka lang. Uminom ka na ba ng gamot?"-

"H-Hindi.. ayoko.. magiging ayos din ako mamaya.." Tingin ko pahinga lang ang kailangan ko. Marahil sa sobrang kakaiyak ko kanina kaya sumama na din ang pakiramdam ko. Ang sakit lang din ng ulo ko talaga.

-"Puntahan ka na lang kaya namin d'yan?"- Nag-aalala talaga si Toffee. Dati kasi siya talaga ang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako at gano'n din ako sa kanya.

"Hindi na, babes. I just need to rest.. bawi na lang ako next time sa inyo.. sige na.. tutulog muna 'ko.."

-"Okay. Pahinga ka lang d'yan. Text or tawag ka lang kapag kailangan mo kami, okay? Pagaling ka, baby. Bye.."-

Inilabas ko ang ulo ko mula sa pagkakatalukbong ko. Itinaas ko na lang ang kumot hanggang sa leeg ko at tumagilid ako sa pagkakahiga. Sinilip ko ang mga mensahe na natanggap ko mula pa kahapon na hindi ko pa nababasa. Sobrang dami kaya in-open ko lang ang mga 'yun kahit hindi ko naman talaga binasa. Ayoko lang talaga na may notification sa icon ng kahit anong app sa cp ko dahil hindi ako mapapakaling hindi 'yun tidnan. T'yaka ko na lang sisilipin ang messages na 'yun kapag okay na ang pakiramdam ko at kapag wala akong importanteng ginagawa.

Ipinatong ko na lang ang cellphone ko sa kama. Nagugutom na talaga ako dahil kagabi pa ang huling kain ko kaso mukhang hindi ko kakayanin ang magluto. Isa pa, feeling ko parang wala akong panlasa ngayon. Nagpasya na lang akong matulog. Mawawala din ang gutom ko. Mas gusto ko din magpahinga dahil medyo masakit ang katawan ko. Ang hapdi ng pakiramdam ko sa balat ko.

Hindi ko alam kung ilang oras pa ang tinulog ko pero nagising na lang ako na may nakapatong na medyo malamig na bagay sa noo ko. Nagmulat ako ng mga mata at dahan-dahan kong tinanggal ang nakapatong do'n. Dahan-dahan din akong umupo at napakunot na lang ang noo ko nang makita kong cooling gel patch ang hawak ko. Sino naman naglagay nito?

Malamang nandito sina Paula. Hindi ako matitiis no'n kahit alam kong inis siya sa akin kahit hindi niya sinasabi ang dahilan. T'yaka siya lang naman ang nakakaalam ng passcode ko.

Bigla akong kinabahan na naman nang maalala kong alam din ni Justin ang passcode ko. Fudge! Hindi naman siguro. Hindi naman sana siya ang nagpunta dito. After nang nangyari kanina, alam naman niyang hindi ko na siya gustong makita. Sana naman irespeto niya 'yun gusto ko.

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon