Chapter 104

249 14 8
                                    

Sorry ngayon lang po uli nakapag-update! Sobrang naging busy kasi talaga. Ito na po.. try ko magsulat pa uli mamaya ng update pambawi! Haha! Try ko maupdate mamaya or tomorrow. Thanks lylyncandidato for the floodvotes.. salamat din po sa pagbabasa RamonaMabantaRamirez salamat sa lahat nang patuloy na nagbabasa! :)


"Zuc! How long do you want to stay there? Come here na! Mamaya pa naman 'yun!"

Kanina pa ako sinisigawan ni Margareth mula sa dagat dahil nakatayo lang ako sa buhanginan habang pinagmamasdan silang nagkakasiyahan at naliligo do'n.

"Later na lang ako pagdating ni Calix! Malapit na daw siya!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Hawak ko ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang tawag o text niya kapag malapit na siya para mapuntahan ko sa lobby ng resort. May tatlong oras na ata ang nakakalipas nang makaalis siya at anytime ay nandito na 'yun.

Halos kakapunta lang naman namin dito para maligo sa dagat. Mainit pa kasi kanina kaya naidlip lang din muna kami kanina at nagpa-alarm na lang para magising. Ako pa nga ata ang una nagising at ako na din ang nanggising sa kanila sa mga kwarto nila. Nang bumaba kami ay nasa living room lang si Justin at nanonood ng TV. Mukhang hindi siya natulog.

"Hayaan mo na 'yan. 'Di mo 'yan mapipilit." Dinig ko pang sita ni Paula sa pangungulit sa akin ni Marge.

Nginitian ko lang siya nang sumulyap siya sa akin. Alam ko naman asar siya dahil pupunta si Calix. Ewan ko ba sa babaeng 'yan. Ang bait-bait ni Calix pero ayaw niya. Sabagay, wala naman kasi siyang nagustuhan na manliligaw ko o mga lalaking napalapit sa akin bukod kay Justin. Kung baga sa artista, die-hard fan namin ni Justin 'yan. Kaso, tulad nang pagpilit kong tanggapin ang sitwasyon, dapat mas higit na tanggapin na din ni Paula na wala na kaming pag-asang magkabalikan pa ni Justin. Iba kasi ang sinasabi niya sa kinikilos niya. Pangangaralan ako na tanggapin ko na lang na ikakasal na si Justin kay Gemma pero ang totoo'y parang siya pa ang hindi makatanggap na 'yun talaga ang mangyayari.

Tumalikod ako sa kanila at naglakad palapit sa beach chair. Umupo na lang muna ako do'n at pinanood ko na lang muna uli sila.

Pinagti-tripan na naman ni Toffee si Marge at pinagtatawanan sila nina Paula at Amboy. Si Justin naman ay abala kay Guian. Pinadapa niya ito sa dagat habang nasa ilalim nito ang mga kamay niya. Ang bata pa pero tinuturuan na niyang lumangoy. Ang cute nilang tidnan. Next year siguro may baby na din si Justin kay Gemma. Sobrang hands on dad niya siguro sa magiging baby niya.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil nakaramdam na naman ako ng panghihinayang. Sobrang arte ko pa kasi dati. Pakakasalan na nga ako, ayaw ko pa. Tanga-tanga ko talaga. Edi sana kami itong magkakaron ng masayang pamilya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Saglit nawala ang atensyon ko sa kanila nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot 'yun nang makita kong si Calix ang tumatawag. Nasa lobby na daw siya para magcheck-in. Kaagad akong tumayo at hindi na ako nagpaalam kanila Paula. Naglakad na ako palayo sa kanila para pumunta sa lobby ng resort.

"Hi! Bilis mo ah?" Bati ko agad kay Calix nang makalapit ako sa kanya.

"S'yempre!" Nakangiting sagot niya sa akin. Kaagad niyang hinawakan ang isang balikat ko bago halikan ang pisngi ko. "Excited, eh!" Tumawa pa siya pagkasabi niya no'n.

"Excited sa beach! Grabe!" Hinampas ko pa ang braso niya. "Saan room mo?"

"Bakit? Sasamahan mo'ko?" Pilyong tanong pa niya sa akin. "Joke lang." Tumawa agad siya dahil bigla ko siyang sinapak.

"Umakyat ka na. Dalhin mo na 'yan gamit mo. Hintayin kita dito. Swimming na tayo kasi magdidilim na mamaya. Mahiya ka sa'kin hinintay kita bago ako magswimming kahit kanina ko pa gusto lumusong sa dagat."

Dear Heart, Why Him? (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon