10: The Conyo Girl meets The Nerd

14.6K 298 9
                                    

"Ma, alis na ako! " sigaw ko at tumakbo palabas ng gate. Papunta ako ngayon sa mall para bumili ng materials para sa project namin sa isang subject. Partner partner, kaso walang gustong maka-grupo ako kaya solo akong gagawa. Mas mabuti pa pala nung hindi pa ako malapit sa Dark Society, kasi noon kahit papaano ay may gustong maging ka-partner ako pero ngayon wala na, kahit ang mga kampon ko ay nilalayuan na ako.


"Para ho! " sigaw ko, tumigil naman ang jeep at agad akong sumakay. May sasakyan kami at marunong din ako mag drive kaso wala pa akong lisensya kaya commute nalang.

***



"Ito po. " ani ko sa cashier at binigay ang bayad ko. Nabili ko na lahat ng gamit na kailangan ko at ang susunod kong gagawin ay uuwi na! Naglakad ako palabas ng bookstore at lumabas na nang mall. Kasalukuyan ay naghihintay na ako ng sasakyan.

"Ikaw ba si Cynich Hemsworth? " tanong sakin ng isang babae. Maganda sya at maputi. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ahh oo, bakit may kailangan kaba sakin? " tanong ko, ngumiti sya sakin pero hindi yung basta ngiti. Yung ngiting may halong pagbabanta at ngiting nakakaloko.

"Ako nga pala si Denise Santillan. Cousin ni Jestin, pwedeng humingi ng favor? "

"Ano yon? " masayang tanong ko sa kanya. Pinsan pala sya ni Zenn? Sa bagay parehas silang maganda. Pero mas gusto ko si Zenn kaysa dito kay Denise.

"Can I hatid you in your bahay? Para naman more kwentuhan. " patay! Conyo pala 'to! Buti nalang hindi ganto si Jestin Zenn, hahaha parang timang mag salita.

"Ha? Sige " sagot ko at naiilang na ngumiti. Naglakad naman sya papuntang parking lot kaya sinundan ko sya. What did she want ba? Hahaha. Hayst, mukang bad influence itong pinsan ni Jestin Zenn. Nagagaya na'ko sa pagiging conyo eh.

"Here, pasok kana. Wear mo yung seatbelt para safe ka. " ani nya na may nang aakit na tono.

"Ayaw bumukas ng pinto e. Sure ka bang gusto mo'kong pasakayin? " -ako.

"Dun ka sa front seat. " sambit nitong si Denise. Binuksan ko naman ang pinto at pumasok na sa loob, at gaya ng sabi nya ay sinuot ko ang seatbelt ko. Pumasok na din sya sa loob ng kotse at umupo sa driver's seat, ngayon ko lang napansin na napaka ikli pala ng short nya kulang nalang ay lumabas na ang panty nya. Hindi ako makapaniwala na may ganito palang babae ngayon. Nagulat naman ako sa sumunod nyang ginawa, inilapit nya ang muka nya sakin at ngumiti. Maganda sana sya pero hindi ganito yung tipo ko, ayaw ko sa babaeng kulang nalang ay maghubad dahil sa sobrang ikli ng suot.

"D-denise. " nauutal na wika ko. Nakaka-ilang kasi ang pwesto namin. Inalis nya ang paningin nya sakin at hinawakan yung pinto ng sasakyan sa tabi ko.

"I just lock it. " ani Denise at umayos na ng upo. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil maayos na ang pwesto namin. Ini-start nya ang kotse at ipinaandar ito ng mabilis.

"Where are you living ba? " maarteng wika nya.

"Hmm. Sa brgy. Mhamathay Khasahna. " wika ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin naman sya at mas binilisan ang pagpapatakbo. Nung natanaw ko na ang gate namin ay sinigawan ko sya ng 'para manang!' At agad naman syang tumigil at tumingin sakin.

"I am not manang, I am Denise. " nakangiting wika nya pero halata ko sa mga mata nya ang pagka-inis. Nagpasalamat muna ako bago bumaba nang sasakyan nya at nakita ko ang hindi inasahan na pupunta sa bahay namin.

"Zenn... Napadalaw ka. " kabadong bati ko sa kanya. Blangko nanaman ang mata nya at diretso lang syang nakatingin sakin.

"Hey Jestin. Nice to see you ulit. Na missed kita cousin. " sambit ni Denise na kakalabas lang sa kotse nya. Patay! Anong gagawin ko? Bakit parang galit si Zenn?!


"Where have you been and what did you do with her? " ani Zenn sa seryosong tono. Bigla namang lumapit si Denise sa gawi namin at nakita ko ang malawak na ngisi sa labi nya.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon